What is Love?Love is when you fell in love with no reason but knowing that you love him is the best reason why you are keep on falling in love over and over again.
AJ'S POV
Nang huminto kami sa pag-uusap ni Lena ay napatitig kami kay Kirby. Sobrang sakit sa pakiramdam na ganyang makita ang mahal mo. Habang nakatitig ako kay Kirby ay pilit kong pinalalakas ang aking loob. Sana gumalaw ang daliri niya tulad ng sa napapanood ko sa TV.
Habang comatose ang pasyente ay paliit daw nang paliit ang chance na gigising at mabubuhay ito. At iyon ang masakit. Iyong makita ang mahal mo na lumaban habang tulog samantalang ikaw ay nakatunganga lang at aasa sa milagro.
Ngunit habang nakatitig ako kay Kirby...
Habang umaasa ako na gigising siya...
Habang pinipilit ko ang sarili kong tanggapin ang sitwasyon ngayon ay tsaka ko naman maririnig ang isang tunog na parang dinamba ang dibdib ko.
Nagflat ang Lifeline ni Kirby.
A pause.
Nanuyo ang lalamunan ko.
Nakakabingi.
Nakapanghihina.
Ang sakit. Ang sakit sakit sakit!
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Kirby huwag. Please.
Nang maramdaman kong lumabas ng kwarto si Lena at magsisigaw ay tsaka ako nanumbalik sa huwisyo.
Lumapit ako habang tuloy tuloy na umaagos ang luha at niyakap siya. Niyakap ko siya habang humahagulgol. Hinawakan ko ang dating mamula-mula niyang pisngi na ngayon ay maputla.
Kinausap ko siya at umaasa akong naririnig niya ako.
"Kirby babe diba sabi mo mahal mo ako? Kaya mo yan! Please Kirby lumaban ka. Marami pa tayong pangarap sa isa't isa. Magpapakasal pa tayo. *sniffs* Marami pa tayong pagsasaluhang tawanan. Marami pang gabi na dapat ay magiis- star gazing tayo. Marami pa tayong icecelebrate na Anniversary. Matagal na panahon pa tayong magmamahalan. Kirby please huwag mo akong iwan. Huwag sa ganitong paraan. Nandito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan kaya labanan mo ang paghihirap mo ngayon. Huwag mo akong iiwan"nagmamakaawang pahayag ko at niyakap si Kirby habang umiiyak.
Naramadaman kong may humawak sa braso ko at inilayo ako kay Kirby-si Mama.
Nagsilapit ang mga doktor at sumigaw ng CPR si Doc Owen.
Pinipilit nilang isurvive ang Kirby ko. Gusto kong basagin ang Lifeline Machine dahil sobrang tensyon ang nararamdaman namin dahil sa tunog na yun.
Parang naririnig ko ang dating tawanan namin ni Kirby, yung mga pang-aasar niya sa akin at pagbawi ko. Iyong mga kamay naming magkahawak. Iyong paghiga niya sa hita ko. Iyong tatawanan namin ang mga walang kwentang patalastas sa TV. Bumalik ang mga alaalang masaya kami ni Kirby.
Ngunit...
Nang pangatlong beses na ilapat ang CPR ay napakagat ako ng labi. Sobrang nanghina kami. Napaupo ako sa sahig.
Hindi gumalaw ang Lifeline.
Tumingin ang babaeng doktor sa relo niya. Subukan niyang sabihin ang Time of Death!? Bibigwasan ko talaga siya ng sagad!?
Hindi ako nagpatinag sa makina na yan! Lumapit ako kay Kirby at niyakap siya ng mahigpit. Hinalikan ko ang noo niya ng ilang beses. "Gumising ka Kirby! Huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!"sabi ko at hinawakan siya nang mahigpit.
Tahimik lang ang lahat nang magsalita si Lena.
"Gu-gumalaw...GUMALAW ANG DALIRI NI KIRBY"kasabay ng sigaw na iyon ni Lena ay ang pag-iiba ng tunog ng Lifeline na ang ibig sabihin ay buhay ang Kirby ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ako sa braso ni mama at inilayo kay Kirby.
Buhay si Kirby.
Buhay ang Kirby ko!
Buhay siya!
Kung ano-ano pa ang chineck ng doktor sa katawan ni Kirby at walang ibang emosyong ang nangibabaw sa aming lahat kundi ang kasiyahan. Kung kanina ay lumuluha kami dahil sa sakit na nararamdam ngayon ay lumuluha kami dahil sa walang humpay na tuwa.
Kirby you made it!
Thank you Kirby!
You're alive!
I love you so much!
I love you more than you know.
Sure, he's not yet awake but the fact that his heart is still beating, it's the precious reason that he'll get over this. He'll surely survive. I have that reason to fight for. I have that reason that our Love will be still... keep on- going.
Sobrang pasasalamat ang tugon ng lahat. Pinalabas muna kami ng mga doktor dahil may kung anong iinject pa kay Kirby.
Niyakap ako ni Lena na tuwang tuwa.
"Buhay si Kirby! Buhay siya January!"sambit ni gaga-Lena habang lumuluha.
Kung makareact akala mo siya ang soon to be asawa.
"Huwag gaga! Bulag ba ako at hindi ko nakita?sagot ko habang maluha-luha.
Tumawa ang lahat at sumigaw si Tito Tom ng "Group Hug!"
Hindi talaga namin maipaliwanang ang sayang nararamdaman namin sa oras na ito. Sobrang saya ko na gusto kong magtatalon.
Lumuluha kami habang magkayakap.
To be continued...
Lovelots
Miaka_Pein
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
Short StoryAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...