Chapter 10: No!

27 6 3
                                    

What is Love?

Love is torture when the situation makes you feel it's over.

AJ'S POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa nakapikit kong mata at sa mga huni ng mga ibong nagpapa-payapa sa paligid.

Dahan-dahan kong nilingon ang kama ni Kirby na katabi lang ng pinagtulugan kong folding bed. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Agad akong tumayo at sumigaw.

"Mama! Mama! Nasaan si Kirby! Lena! Nurse! Doc!"sigaw ko habang nagpapapalit-palit ng pwesto sa kama at sa pintuan.

Hindi! Bakit wala si Kirby sa kama niya? Tanging maayos na nakutuping kumot at puting unan ang nakita ko. Maging ang mga gamit niya ay wala na rin.

Please tell me that I'm only dreaming. Why am I acting like this! Relax AJ! You're overreacting!

Biglang pumasok si Lena.

"Jan."mahinang tawag niya sa akin.

Lumapit ako sakanya at marahang iniyugyog ang laylayan ng damit niya.

"Bestfriend! Bakit wala si Kirby! Tell me bakit wala? Nasaan siya?"maluha-luhang tanong ko at hindi ko inaasahan ang sagot niya.

"Umalis na sila. Sila ng pamilya niya."tugon niya.

"Ha! Bakit di ba ako parte ng pamilya kaya hindi man lang ako sinabihan? Umuwi na sila ng manila na hindi man lang ako nasabihan? Lintek Lena magiging asawa na sana ako ni Kirby! Bakit wala man lang pasabi!"galit na galit na pahayag ko.

"Woi kalma ka lang Jan please. Hindi...hindi sila umuwi sa Manila."nagngingilid ng luha niyang pahayag.

Ano raw? Hindi sa Manila? Umalis sila nang hindi man lang nagpapaalam sa akin! Kailangan makasama ko si Kirby! Kailangan nasa tabi niya ako.

"Anong sinabi mo Lena? Paki-ulit please dahil gulong-gulo ako! Maski ikaw kasabwat nila at hindi man lang talaga ako ginising?"gulong-gulong tugon ko.

"Dinala siya sa ICU noong madaling araw. Pero sabi ng Doctor mas maigi kung ipapagamot siya sa mas kumpleto ang facilities."sagot niya.

Dinala siya sa ICU? Eh di dapat naramdaman ko lang 'yon!

"Tulog na tulog ba ako kaya hindi ko maramdamang tinatanggal nila ang mga makina!? Ha Lena!?"galit na tanong ko.

"Tinurukan ka ng pampatulog."nakatungong tugon niya.

Nagpaulit-ulit sa tainga ko ang mga huling linya ni Lena. Halos mabingi ako.

Napalabi ako at napahawak sa noo. Tumingin ako sa bintana at tahimik na umiyak. Hindi matanggap ng sistema ko ang nangyari nitong umaga. Parang kahapon lang ayos naman ang lahat.Maya-maya ay hinarap ko siya.

"Ngayon sagutin mo na ang tanong ko Lena. Nasaan si Kirby?"umiiyak na tanong ko.

"Na-nasa...nasa California. California bestfriend. Umuwi sila ng California."nanghina ako sa sagot niya. Napaupo ako sa sahig at umiyak.

Para akong tinraydor!

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako at nagbigay ng mga rasong kahit pilit kong intindihin ay hindi ko magawa."Jan! Babalik din sila after five months. Kailangan lang talagang mga mas propesyunal ang gagamot sakanya. Pwede ka nang sumunod doon after five months."sabi niya.

Limang buwan? Limang buwan pa! Araw-araw na nga akong nahihirapan na hindi siya makausap tapos maghihintay pa ako ng LIMANG BUWAN!?

"Susunod ako roon bukas na bukas!" Desididong sabi ko.

"Hindi pwede January."tugon niya.

"Bakit hindi pwede? Eh may karapatan din naman ako!"pahayag ko habang umiiyak. Kumalas ako sa yakap at hinarap siya.

"Sabihin mo sa akin Lena. Bakit hindi nila sinabi sa akin?"tanong ko.

"Dahil ayaw nilang makita mong si Kirby na ganoon! Gusto nila na pagbalik nila rito kahit papaano ay ayos na si Kirby. Ayaw din ni Kirby na makita mo siya sa ganoong sitwasyon. 'Yon bang maraming makinang nakakabit sa katawan niya."pahayag niya at hindi ko kinaya at sagot niya.

"THAT'S SELFISH! Selfish ako kung ganyan Lena! Sa hirap o ginhawa kailangan magkasama naming haharapin ni Kirby 'yon!"umiiyak na sagot ko.

Hindi ko sila maintindihan. Kahit saang sulok ng rasong ipahayag nila sa akin hindi ko magawang matanggap. Parang sinupalpal sa mukha ko na wala akong maibigay na kontribusyon para kay Kirby.

Kinabukasan ay umuwi na rin kami ng Manila. Sinubukan kong sundan sila sa California. Palihim akong kumuha ng passport. Inayos ko ang papeles ngunit ganoon na lang ang talino nila Tita dahil hindi natanggap ang Visa ko.

Lumipas ang isang linggo na nagkukulong lamang ako sa kwarto. Lahat ng pictures namin ni Kirby sa cellphone at laptop ay pinadevelop ko. Inipon ko lahat 'yon sa kahon. Gumawa rin ako ng Scrapbook. Araw-araw na wala si Kirby ko ay nagsusulat ako ng note at inilalagay ko sa isa pang kahon.

Mabilis lang siguro ang limang buwan. Hindi ako doktor pero hindi ako tanga para malamang limang buwan lamang ang pananatili nila roon. Nakasisiguro akong taon ang hihintayin ko. Masakit. SOBRANG SAKIT.

Sinubukan ko silang i-contact sa messenger o twitter pero hindi sila nag-oonline. Busy sila. Alam ko naman 'yon. Pero sana kahit mag-abala man lang sila na tawagan ako at sabihan kung ano na ang kondisyon ni Kirby.

Lumipas ang isang buwan at tsaka lamang ako nakatanggap ng isang text mula kay Tita.

Unknown number:
AJ si Tita mo ito. Sorry. Sorry kung hindi ka namin isinama. Alam namin kung gaano ka na nahihirapan. Ayaw ni Kirby 'yon. Sana maayos ka diyan. May mga improvements sa lagay niya. Sana maintindihan mo. Babalik kami as long as magaling na siya.

Ibinato ko sa pader ang cellphone at napahilamos ako ng mukha. Wala akong nagawa kundi ang usual na dapat kong gawin. Ang umiyak.

Wala akong ibang ginawa kundi labanan ang kalungkutan.

Kapag mahal mo ang isang tao diba kaya mong maghintay gaano man yan katagal. Pero paano naman ako maghihintay kung sa sitwasyong ito hindi dapat ako tumutunganga lang at naghihintay! Kailangan nasa tabi ako ng mahal ko.

Pinupuntahan ako sa kwarto nila mama,papa at Lena madalas para kamustahin ako. Dinadalhan na rin ako rito ng pagkain.

Pagkalipas ng isang buwan napagdesisyunan kong huwag maging gaga. Inayos ko ang sarili ko at pumunta sa trabaho. Marami ang nagulat dahil sa malamig na pakikitungo ko.

Naging mabagal ang paglipas ng bawat araw at buwan. Dalawang beses sa isang buwan ang pagtext sa akin nila Tita.

Halos pare-pareho ang naging routine ng buhay ko hanggang lumipas ang isang taon...

NA WALANG KIRBY NA DUMATING...

NA WALANG KIRBY'NG NAGPARAMDAM...

NA HINDI KO MAN LANG NASILAYAN ANG KIRBY KO.










To be continued...













The Lonely Backdrop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon