What is Love?
Love is the satisfying feeling of attraction.
AJ'S POV
"January Alexa Del Valle, gising na po please"kanina ko pa naririnig ang malambing na boses ni Kirby dito sa tabi ng kama ko na pilit akong binabangon. Pangatlong tawag na niya yata sa pangalan ko. Trip ko lang na magkunwaring tulog pa dahil libang na libang akong pakinggan ang boses ng mahal ko.
"Babe alas nuebe na oh,may date pa tayo. Kanina pa ako dito sa inyo hmm mga ala sais yata? Alam ko gising ka na kaya halika na at luto na ang niluluto ni Tita Jessie kanina pa"pahayag ni Kirby at nabigla ako sa sinabi niya at nakaramdam ng kaunting hiya. Umupo ako rito sa kama at hinarap siya.
Di man lang ako tinext na 'OTW na me Alexa prepare na u kthnxbye.'
"Eh? Ala sais pa? Ganoon kaaga? Ano lang ang ginawa mo?" Takang tanong ko sakanya habang inaalis ko ang muta at humihikab.
"Yes babe ala sais pa. Hmm ano pa bang ginawa ko bukod sa pinanood kitang matulog?"sagot niya at kunwaring tanong niya kasunod niyon ang paghalik sa noo ko. Hinawakan niya ang pinsngi ko at dugtong pa niya "Ang mahalin ka nang paulit-ulit iyon pa ang ginawa ko kahit tulog ka man o gising January Alexa Del Valle. I love you Babe"
Pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon mata sa mata ay agad ko siyang niyakap at naramdaman kong namasa ang mga mata ko
Kahit pitong taon na kaming magkarelasyon ay hindi ko pa ring maiwasang kiligin sa Kirby na ito. Siya ang first love ko. Tama, pitong taon. Ganyan katatag at binigyang halaga namin ang pagmamahalang nabuo 4th year high school pa lamang kami. Grabe rin naman kasi ang naging lovestory ng pagkakakilala namin hanggang sa maging kami.
"Mas mahal kita babe. Sorry, bakit naman kasi ang aga mo. Kulang tuloy ang tulog mo"sagot ko habang kumakalas sa yakap. Syempre dalagang magandang pilipina ang mode ko.
"Sapat na tulog mo kaya sapat na rin ang tulog ko. Tsaka diba importante ang araw na ito sa ating dalawa"malambing na sabi niya. Bakit ganoon? Sa boses lalaki niyang iyan eh nagagawa niyang magkapagsalita ng malambing na ang gwapo gwapo niya sa paningin. Minsan naisip ko nasungkit ko ba talaga ang gwapong nilalang na ito.
Blonde ang buhok. May itim na hikaw sa kaliwang tainga na sobrang nakapagdagdag sa gandang lalaki niya. Mamula-mula ang pisngi. Singkit dahil koreana ang lola niya. May nunal sa kanang ibaba ng labi niya. Matangkad siya kasi basketball player grabe maglalaway ka kapag nakajersey na siya at isa pa brown eyes siya. Pero lahat ng iyan napansin ko nang maging kami na dahil wala naman talaga akong gusto sakanya noon dahil may crush ako-si Kyle na bokalista ng banda sa school namin dati at isa pa si Kirby transferee siya noong 4th year high school namin at ultimate hearthrob siya agad agad kaya di ko na pinansin. Isa pa last section ako, siya naman Section 1 sa Pa-BB National High School. Oo bobo ako noong High School hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya sa kabobohan ko dahil sa pamamagitan niyon ay napansin niya ako. At maniwala man kayo o maniwala. Sa gusto at sa gusto niyo kailangan ninyong tanggapin ang katotohanang Cum Laude ako noong college. Hindi ka ba makapaniwala? Huwag ka mag-aalala kasi pati ako hindi pa rin makapag-move-on kung bakit nangyari yan. Siguro dahil nakipag one night stand ako sa may-ari ng school charot. Basta may alam akong sagot kung bakit ako Cum Laude...
To become Cum Laude is an honor and responsibility and I will raise my voice to be heard by The Voice of the Philippines and beat Jayson Dy, Mitoy ang Lyka and most of all I am Ever Billena Confidently Beautiful with a Heart.Thank You Thank You!
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
Short StoryAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...