What is love?Love is when you are trusting the one that you love that he can make it.
Love is not just about staying with the one you love but trusting while you are by his side.
AJ's POV
Naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang gwapo kong boyfriend at soon to be my husband. Kirby Andrew Lopez. Nakaupo siya sa kamang hinihigaan ko. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Andrew. Para daw kasing kapangalan niya si Andrew E. kaya babatukan niya ang tumatawag sa kanyang Andrew. Noong high school Andrew ang tawag ko sa kanya. Oo naiinis siya kaya nga tinatawag ko siyang ganun kasi ang cute cute niya kapag namumula ang teynga niya at kumukunot ang kanyang noo at ngunguso na parang bata na hindi nilutuan ng fried chicken. Pero dahil ayaw niya talaga tinatawag siyang ganun eh noong college Kirby na ang tawag ko sakanya. Napangiti ako sa mga alaalang iyon. Ngumiti rin ng pagkatamis tamis si Kirby sa akin.
" Baby babe pinanonood mo na naman ba ako habang natutulog?"tanong ko sakanya.
"Salamat" tugon niya at walang connect sa tanong ko.
"Ako ang araw araw na nagpapasalamat dahil minahal mo ako"walang connect din na sagot. Walang connect ang sagot niya eh di career-in ko na 'to.
"Kakayanin ko para sayo. Magpakatatag ka Alexa. Mahal na mahal kita."pahayag niya. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya.
"Teka bakit ba ang layo naman ng mga sagot mo sa mga sinasabi ko?"wika ko
"Sorry. Sorry kasi hindi natuloy ang kasal" wika niya.
Kasal? Kasal? Ka-kasal? Unti unti kong naalala ang mga nangyari at narinig ko bago ako napapikit. Iginala ko ang panigin ko at nasa kwarto ako ng ospital. Bigala akong nakaramdam ng takot. Takot na totoo ang mga kaganapang nangyari kanina.
"Kirby! Kirby ano bang pinagsasabi mo diyan? Diba panaginip lang iyon? Panaginip lang na naaksidente ka diba. Ayan ka nga oh gising na gising!" Pangungumbinsi kong pahayag.
"Magpakatatag ka Alexa. Wag mo ako iiwan. Lalaban tayo. Lalaban ako. Kakayanin ko para sayo. Para sa atin. Matutuloy pa rin ang kasal"pahayag niya sa akin kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Tumayo siya at nagsimulang maglakad papalabas ng pintuan. Gusto kong tumayo at habulin siya pero hindi ako makakilos. Sinigaw ko ang pangalan niya matapos niyang pihitin ang door knob. Lumingon siya sa akin at ngimiti ng malungkot at kita kita ko kung paanong tuloy tuloy na pumapatak ang luha niya.
Nang makalabas na siya ng pintuan ay nagsisigaw sigaw ako at tinatawag siya sa pangalan niya.
"KIRBY! KIRBY! KIRBY! KIRBY KO!"
Pumikit ako habang pinapakiramdaman ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ngunit naramdaman kong may kung sinong sumampal sa pisngi ko...magkabilaan pisngi ko. Aray ang sakit nun ah! Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang aking pamilya at pamilya ni Kirby, pati na rin sina Lena, Andre, Zed, Kyle, at iba pang barkada namin ni Kirby . Kitang kita kita ko ang pagaalala na gumuhit sa kanilang mga mukha.
"Anak buti gising ka na!"sabi ni mama habang umiiyak at niyakap siya ni papa.
"Grabe ka friend! Kanina ka pa namin niyuyugyog kaya naman sinampal na kita! Kirby ka ng Kirby diyan!"sabi ni Lena. Parang gusto kong buhatin tong kama at ihagis sakanya. Ipaalala niyo sa akin yan mamaya ah!
Nandito pa rin kami sa ospital. Pero bakit ganoon nandito silang lahat sa kwartong ito na pinagdalhan sa akin siguro dahil nahimatay ako. Iyong lungkot na sumilay sa mukha nila kanina nang marinig namin ang sinabi ng doktor ay tila ba nabawasan. Ano yun? Nakamove on sila agad?
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
Historia CortaAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...