What is Love?Love makes your heart astonished either in gladness or in sadness but you still love him though all you can feel is disappointment and...
sympathy.
AJ'S POV
"Friend kong bobita! Ang ganda ganda mo friendship! Bestfriend ayan ka na ngayon oh! Suot mo na ang kasuotang pangarap ng halos lahat ng kababaihan! Ikakasal ka na! Waaa nakakainis ka akala ko ba sabay tayo"pahayag ni Lena habang nakatingin kami sa malaking salamin dito sa tinutuluyan naming Hotel sa Palawan malapit sa tabing dagat kung saan gaganapin ang kasal.
"Wag gaga Lena! Sino ang magchi-cheer na isa sa atin kung sabay tayo? Kaya ako muna. Malunod ka sa ganda ko. Yieee ang pretty pretty ko talaga friend kong praning"sagot ko sakanya.
Habang nakikita ko ang repleksyon ko sa salaming ito, tinatanong ko ang sarili ko kung totoo na ba ito? Ang ganda ko nga eh pero alam ko na iyon matagal na. Hehe. Naeexcite na ako to the nth power! Panigurado ang gwapo gwapo na naman ni Kirby.
Kirby heto na ko oh! Konting push na lang husband na kita. Naalala ko noong isang gabi kagabi habang magkatabi kaming nakahiga sa kama ni Kirby dito sa Hotel sa Palawan, last week pa kasi kami nandito.
Flaahback
"Babe" pagtawag niya sa akin.
"Yes? Anything?" Tanong ko sakanya. Oh english yan!
"Para kang buwan"sabi niya sa akin. Kaya naman agad kumunot ang noo ko at binatukan siya.
"Ano ako kalbo?"sagot ko sakanya kaya agad naman niyang kinurot ang tagiliran ko pero konti lang kaya hindi ouch.
"Ilang beses ko bang sasabihin Alexa na wag bobo okay? Sayang ang long hair mo"wika niya. Ano naman ang connect ng hair ko sa katalinuhan ko? Tinuloy niya ang sasabihin niya "Para kang buwan kasi kulay dilaw yun at katulad mo parang mukhang may hepatitis hahaha" sabi niya sa akin kaya binatukan ko na naman siya pero this time hard na batok ang ginawa ko. Leche! Akala ko bumo-boy pick-up na ang lalaking ito.
"Joke lang babe. Para kang buwan kasi kahit iba't iba ang personality mo minsan first quarter, last qurter new moon at full moon pero kahit ano pa ang katauhang meron ka ikaw pa rin ang nagpapaganda ng buong gabi ko. Ang sarap mong pagmasdan kaya nalulungkot ako kapag umuulan kasi natatakpan ng ulap ang buwan ko. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang night sky ikaw ang naiisip ko. Ikaw ang buwan at ako naman ang isang bituing nagniningning."sagot niya at tuluyan nang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. Umiyak na rin pala ako.
"Mahal na mahal kita kirby" pahayag ko habang pinupunasan niya ang luha sa mata ko.
"Mas mahal kita Alexa ko"sagot niya at hinalikan niya ako ng punong puno ng pagmamahal.
End of flashback
Mahal na mahal kita Kirby ko.
"Friendship tara na labas na tayo, andyan na ang kotse. Wait kita sa labas nitong room"sabi ni Lena at lumabas na siya ng kwarto. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin.
I've waited you all my life and now that this day has arrived, I will grab this one-day opportunity to express how I really love you. This place is such a romantic place and so we are. We may be romantic in different ways but all that kind of ways are such moments that I'll treasure and makes me fall in love with you over and over again.
BINABASA MO ANG
The Lonely Backdrop
Historia CortaAko ay nagmahal Tulad ng sabi ng karamihan Ikaw ay sumusugal Na hindi alam ang kahihinatnan Ako ay naghihintay sa iyo Tulad ng sabi ng aking puso't isipan Mananatili sa tabi mo At hindi ka susukuan Irog ko, ako man ay nahihirapan Ako pa rin ay aasa...