Prologue

230 3 0
                                    

Lahat nang bagay sa mundo ay may mga misteryong nakatago,

at lahat din ng may mga buhay sa mundo ay binabalot din ng misteryo.

Mga misteryong mahirap paniwalaan kung totoo man o hindi,

mga misteryong madaling sabihin pero mahirap patunayan.

Palaisipan sa atin mga isipan ang mga bagay na hindi mapaliwanag

na nakikita ng ating mga mata.

Mga lugar na napaka bigat sa pakiramdam na para kang hinihila papunta sa kailaliman,

kasabay ng isang tinig na bumubulong nang kung ano-ano salita.

Isang kwento kung saan ang bawat bagay sa mundo, bawat nilalang sa mundo

ay binabalutan ng misteryong hindi mapaliwanag ng agham.

Isang kwento tungkol sa mag kasintahan na mag kaiba ang taglay nilang lakas.

ang babae ay isang aswang, at ang lalaki na binabalutan ng puti aura o liwanag.

Puting aura na hindi pang karaniwan, at  nagproprotekta sa lalaki.

Eto ay ang Luminaire.

"The love is full of mystery, and fantasy that makes you feel weird in your life " - Naitxumi_13th

"Arzen!!!" sigaw ni Caitlyn kay Arzen.

Habang unting unti nilalamon ang katawan ni Caitlyn nang pentagram na nakaukit sa lupa. At kung saan nakapalibot ang apat na hindi pa nakikilalang lalaki na nakatalukbong nang itim na tela.

"Caitlyn!! Andyan na ako para iligtas ka!" habang patakbong lumalapit si Arzen sa apat na lalaki na nakatalukbong nang itim na tela.

"Tulungan mo ako.. Mahal kong Ar......"  hanggang sa tuluyan nang nilamon si Caitlyn.

"CAITLYN!!!"  napaluhod na lang si Arzen sa nanyari.

Tulala si Arzen, habang tumutulo ang luha nya. Nanginginig sa galit at nandidilim ang paningin. Unting unti umiihip ang hanging sa paligid. Habang ang apat na lalaki na nakatalukbong na itim na tela ay natatakot na sa aura taglay ni Arzen.

"Ibalik nyu si Caitlyn!!! Ibalik nyu ang mahal ko!!!" Pasigaw at galit na galit na sabi ni Arzen sa apat na nakatalukbong nang itim na tela.

Habang tumatayo si Arzen sa kanya pag ka luhod.


"Inuulit ko!! Saan nyu dinala si Cait....."  Bigla na lang panatigil si Arzen.

At unting unti nawawalan ng balanse ang katawan ni Arzen hanggang sa bumagsak eto sa sahig. Ang kanyang mga mata ay unting unti na papapikit hanggang sa nawawalan ng malay. At may narinig siyang tinig mula sa kanyang uluhan.


"Hindi mo kayang protektahin si Caitlyn." sabi nang lalaki sumaksak sa tagiliran ni Arzen.

Luminaire (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon