The Reasons 2: Condition?
Eurina
Gabi na nang makarating kami ng Baler, nakakapagod ang halos buong araw na byahe. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ng pumasok si Tita Cecilia sa kwarto ko.
"Eurina Iha."
"Euri nalang po."
"Ok sige Euri, pagkatapos mo jan bumaba kana agad at kanina pa nakahanda ang hapunan." pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para maghapunan.
"Euri maaga kang matulog, dahil bukas pupunta tayo sa Sabang Beach! Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." sabi niya at halatang excited pa. Buti pa siya.. Tumango nalang ako dahil hindi ko talaga feel ang mag-gala. Ang gusto ko lang ngayon ay pumunta sa kwarto at magmukmok maghapon. Pero mukang wala naman akong magagawa dahil siguradong mamimilit lang yan. Umakyat ako sa aking kwarto matapos kaming kumain, naligo ako at nagbihis ng matapos ako'y humiga ako sa kama. Mukang hindi ko masusunod ang bilin ni Tita na matulog ng maaga, dahil kahit ngayong alas dose na ng hating gabi ay dilat na dilat padin ako, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko syang nakangiti saakin. Ngumiti din ako sakanya at heto nanaman ang mga luha kong nag-uunahang umagos sa magkabila kong pisngi.
"Alam mo bang miss na miss na kita?"
"Bakit mo ko iniwan? Bakit hindi ka lumaban? Alam mo namang hindi ko kaya ng wala ka." at nag-sunod sunod na ang luha kong parang water falls na ayaw tumigil sa pag-agos.
"Boooggsh!"
"Aray!"
Agad akong napabangon matapos makarinig ng kalabog na parang may kung anong nalaglag sa labas. Agad kong kinuha ang lanseta sa aking bag at kinakabahang nagtunggo sa bintana.
"Sino yan?" walang sumagot. Kinakabahan man ay lakas loob kong binuksan ang bintana at naglakad patungong terrace. Madilim at tanging liwanag lang galing sa sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw.
"Alam kong may tao jan! Lumabas kana!" iniba ko ang posisyon ng hawak kong lanseta para kung sakaling sugurin niya ako ay agad ko itong maisasaksak sakanya. Bigay sakin to ni Edward in case of emergency daw.
"aaaaah!" nabigla ako ng may biglang humawak sa magkabilang braso ko kaya hinanda ko ang kanang kamay kong may hawak ng patalim sa kung sino mang nasa likuran ko, hindi nya yata inaasahan na mayroon akong hawak kaya huli na para iwasan pa nya ito kaya natamaan ko sya sa kanang braso, napadaing sya sa sakit.
"aargggh!" sasaksakin ko pa sana sya ng marinig ko ang sigaw ni tita kasabay ng pagbukas ng ilaw.
"Eurina anong nangyayari dito?! Bakit ka sumisigaw?" napalingo ako kay tita. Napansin nyang may tao sa likod ko.
"At sino yang nasa likod mo---Spade?! Anong ginagawa mo dito---at anong nangyari sa braso mo?" sunod-sunod na tanong ni tita. Tumingin ako dun sa lalaki sa likod ko. Spade? so kilala siya ni tita. Tumingin sakin ng masama yung Spade.
"Tita Cecile, bakit hindi po siya ang tanungin nyo?" tumingin sakin si tita at sa lansetang hawak ko. Nagkibit balikat lang ako. Bumuntong hininga nya. "Mamaya na tayo mag-usap Euri.. Halika dito Spade dun tayo sa baba gagamutin ko lang yang sugat mo." umalis sila ng kwarto ko pero bago makalabas lumingon sakin yung Spade at tinitigan ako ng masama saba'y balibang ng pinto.
"Tita its not my fault! Kung hindi kasi siya parang aswang na nananakot ng dis oras ng gabi, hindi naman mangyayari sakanya yan!" sabay tingin ng masama dun sa Spade na mukang enjoy na enjoy akong panuoring pinapagalitan ni tita. Inirapan ko nga.
"Kahit na Euri, hindi mo parin dapat ginawa yun.. Pano natin yan ipapaliwanag kay mayor Dela Vega? Baka kasuhan ka pa nun ng Physical Injury." nagaalala nya sabi.
"What?! Tita Physical Injury?! Seriously?!" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Seriously?!
"Saka hindi niya ako pwedeng kasuhan, I'm still a minor!" nakakainis! Para yun lang pinapalaki pa.
"Tita Cecile ok lang po, promise hindi po ito makakarating kay Dad." Hindi po ito makakarating kay Dad mo muka mo! Kainis!
"Talaga Spade? Sala--"
"In one condition." tss. Ang bastos.
"And what kind of condition is that?" bored kong tanong inaantok na kasi ako.
"Oo nga Spade, anong kundisyon mo?"
Biglang dumating si Mang Jose galing sa labas.
"Naku bukas nyo na pag-usapan yan, Spade nandyan na ang sundo mo." tumayo na si Spade at nagpaalam. Buti naman.
"Sige po tita Cecile, Mang Jose alis na po ako." aalis nadin sana ako papuntang kwarto ko ng pinagmulatan ako ng mata ni tita. Bumuntong hininga ako at naglakad ng mabilis nilagpasan ko sya at huminto sa mismong tapat ng gate.
"Wow! Salamat sa paghatid ha." sarcastic na sabi nya. Inirapan ko lang sya sabay bukas ng gate at sinenyasan syang lumabas. Pero imbis na lumabas nagtaka ako ng bigla nyang iniabot ang cellphone nya. Hindi ko ito tinggangap tinitigan ko lang. Nang mapagtantong wala akong balak kunin ay basta nalang nya itong inihagis sakin.
"Ay! Ano ba?" buti nasalo ko.. Siraulong to.
"Type mo yung number mo dyan." kumunot ang noo ko. At tinaasan sya ng kilay.
"Wag kang magassume, hindi ko kinukuha ang number mo dahil gusto kita! Kinukuha ko lang ang number mo para itext ka sa magiging kundisyon ko." lalo pang tumaas ang kilay ko. Wag daw akong magassume, eh hindi naman ako nag-aassume. Ang defensive naman nito masyado. Ibinigay ko nalang ang number ko para makaalis na sya. Sumakay na siya sa kotse sabay andar paalis. Tss condition condition ka pa dyan! Bahala ka sa buhay mo.

BINABASA MO ANG
Reasons
Teen Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...