The Reasons 10: Moving Closer
Zaza
Nagising dahil sa liwanag ng sikat ng araw medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa pagkahulog ko kagabi. Pero laking gulat ko ng mapagtanto na nasa dalampasigan na ulit ako at ang nakapagtataka pa ay ang mga benda sa bahagi ng katawan ko na may sugat. Pano ako napunta dito at saan galing ang mga benda sa katawan ko. Nasagot lahat ng mga katanungan ko at napalitan ito ng pagkabigla ng makita ang isang lalaking nakatopless at may bitbit na mga prutas at nakangiti itong naglakad papunta sa direksyon ko.
"Zaza mabuti naman at gising kana ok naba yung sugat mo?" nakatulala lang ako sa muka niya habang nagsasalita siya. Anong ginagawa niya dito at paano niya nalamang nandito ako.
"Hey ok kalang ba?" nagising naman ako bigla sa pagkakatulala ko sakanya nang magsnap siya sa harapan ko.
"Y-Yeah ok lang ako." sabay tingin sa pagkaing dala niya.
"Ikaw kumuha lahat ng yan?"
"Ah oo nagugutom kanaba? Tara kainin na natin ito." bigla naman akong nakaramdam ng gutom nang sinabi niya yun. Habang kumakain ramdam ko ang mga titig niya saakin pero pilit ko itong binabalewala at tumitingin nalang sa asul na dagat. Natapos kami sa pagkain at nagpaalam si Ace na maligo sa dagat. Parang baliw talaga yun edi maligo siya kailangan pang magpaalam. Pinapanuod ko lang siya habang naliligo at hindi ko maiwasang tumingin sa katawan niya. Nakakaakit, napakaperpekto hindi ko akalaing may ganitong klaseng pangangatawan ang isang ito nakaka---
"kyaaaaaa!" napatili ako sa gulat kakadaydream ko sakanya ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sakin at kasalukuyan niya akong binubuhat papuntang dagat.
"Hey Ace! Put me down! ano ba!"
"Hahaha." imbis na ibaba ay tinawanan pa ako ng siraulo.
"Ano ba sabing ibaba mo ako eh!"
"Ok sabi mo eh."
*splash*
"OH MY GOSH! Ang lamig grrr. Bakit mo naman ako binaba ha?" nakakainis. Nabasa tuloy ako.
"Eh diba ang sabi mo ibaba kita.. Sinunod lang naman kita." nakangising sabi niya.
"Argggh! Your Imposible!" sabay bato sakanya ng buhanging nadampot ko kanina. Ayun sapol sa muka.
"Hahaha." this time ako naman ang tawa ng tawa sa itsura niya. Ang epic kasi. Sinamaan niya lang ako ng tingin at binato din ng buhangin. Tinamaan ako sa braso at siya naman ngayon ang tawa ng tawa. Sa inis ko ay binato ko ulit siya ng buhangin at doon na nagumpisa ang world war 3. Tawa kami ng tawa sa kalokohan naming dalawa. Nakakatuwa na after ilang days ng pag-iyak ay nakakatawa na ulit ako. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Ngayon ako nagpapasalamat na nandito si Ace sa tabi ko. Napapasaya niya ako ng sobra sa simpleng paraan niya lang. Yung simpleng bonding niyo lang na magkasama, yung hindi na kailangan ng flowers, chocolates at kung ano-ano pang material na bagay. Ang mahalaga masaya kayong dalawa na mag-kasama. Ito! Itong pakiramdam na ito na ibinibigay sakin ni Ace ang gusto ko na kahit kailan ay hindi naibigay saakin ni Spade.
Gabi na ng maisipan naming umahon sa dagat. Gumawa na din kami ng S.O.S sign para kung sakali mang may makakita saamin dito, kasi kung minamalas ka nga naman yung dalang speed boat ni Ace ay biglang nasira kaya useless din. Kasalukuyan kaming nakaupo sa tabi ng bonfire na gawa niya kanina, parehas kaming tahimik at nakatingin lang sa dalampasigan. Nang maisipan kong magtanong sakanya.
"Pano mo nalaman na nandito ako?" napatingin siya saakin ng nakakunot ang noo.
"Huh? Hindi mo ba alam. Nagtext ka saakin na nandito ka at gusto mong makipagkita for unknown reason kaya nandito ako ngayon."
"What? Wala akong matandaang nagtext ako sayo. Saka wala akong dalang phone dito. Ngayon paano ako nakapagtext sayo?" nakakapagtaka naman.
"Really? So sino kaya yung nagtext sakin kagabi at mukang alam pa niya na nandito ka, and come to think of it nung time na nalasing ka sa bar nagpunta din ako dun. Dahil may tumawag sakin using your number at sinabing puntahan kita doon." napaisip ako bigla. Sino naman kaya ang gagawa sakin ng ganun.
"I knew it! Si Eu---." natigil ang dapat sana'y sasabihin ko ng makitang sobrang lapit lang ng muka ni Ace sa muka ko.
"Pero kung sino man siya, nagpapasalamat ako na sakin niya ipinaalam na nandito ka." sinabi niya yun ng seryoso habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata ko.
"Ace---."
"Ssssshh." pinigil niya kung ano man ang dapat na sasabihin ko sa pamamagitan ng paglapat ng kanang hinlalaki niya sa labi ko.
"At nagpapasalamat ako na ligtas ka dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na may mangyaring masama sayo." tinanggal na niya ang daliri sa labi ko.
"B-Bakit?" sa haba ng sinabi niya tanging 'bakit' lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Tinitigan niya ako ng matagal at bumuntong hininga ng pagkahaba-haba bago magsalita.
"Matagal ko na itong gustong sabihin sayo noon pa, pero natakot ako kasi alam kung ang bestfriend ko ang mahal mo. Gusto kitang makitang masaya kaya nagparaya ako, pero nung nakita kitang nasasaktan at umiiyak ng dahil sakanya doon na nabuo ang pasya kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Gusto kitang alagaan, gusto kitang protektahan at gusto kong mapasaya ka. Kaya sa pagkakataong ito hindi na ako matatakot, hindi na ako maduduwag, susugal na ako dahil simula pa noon at hanggang ngayon mahal kita. Mahal na mahal kita Zaza." nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang nawalan ako ng boses, nablangko ang utak ko at parang namanhid ang buong katawan ko, rinig na rinig ko din ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Unti-unti niyang nilalapit ang muka niya sa muka ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Nanigas ako sa kinauupuan ko at parang may sariling isip ang katawan ko at naramdaman kong tumutugon na ako sa mga halik niya. Naramdaman ko ang kamay niya na naglalakba'y na sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Ibang klaseng init ang nararamdaman ko sa aking buong katawan nawawala na ako sa aking sarili at hindi ko na kaya pang pigilan pa si Ace sa kung anong nais niyang gawin. Parang nawalan ako ng lakas at nanghihina ako. Tumigil siya sa paghalik saakin at hinubad ang t-shirt niya.
"Mahal na mahal kita." bulong niya malapit sa tenga ko kasabay nito ang muling paghalik sa labi ko pababa sa leeg sa dibdib at balik ulit sa labi ko. Dahan dahan niya akong hiniga sa buhangin habang magkadikit pa din ang aming mga labi. Isa-isa niyang tinatanggal ang damit ko hanggang sa magtagumpay siyang tanggalin ang pinakahuling suot ko. Tinitigan niya akong mabuti mababakas ang paghanga sa kanyang mga mata at the same time pananabik. Agad niyang hinubad ang sariling saplot at dahan dahang lumapit saakin. Nabigla ako sa nakita ko-- at kung gaano iyon-- damn kakayanin ko ba?
"Don't worry I'll be gentle." bulong niya malapit sa tenga ko at dahan dahang isinakatuparan ang lahat.
Nakatulala parin ako at hanggang ngayon ay hindi padin makapaniwalang nagawa ko ang bagay nayun with Ace samantalang wala naman akong nararamdaman para sakanya. Wala nga ba? Nagtatalo ngayon ang puso't isipan ko patungkol sa nararamdaman ko. Naguguluhan padin ako ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at niyakap ng sobrang higpit.
"I love you so much Zaza." bulong niya sa tenga ko at dahil dun biglang naglaho lahat ng tanong at pangamba sa puso't isipan ko.

BINABASA MO ANG
Reasons
Novela Juvenil"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...