The Reasons 3: Picture
Eurina
Nagising ako sa paulit-ulit na pagkatok ng kung sino sa labas ng kwarto ko.
"Euri.. Bumangon kana dyan! Tanghali na." Tss. Si tita lang pala. Medyo tinatamad at inaantok pa ako ng magtungo sa banyo para maligo. Nakahanda na ang mga gamit sa salas ng bumaba ako. Nakita ko din si tita na busing busy sa pagluluto. Nakita ko si Mang Jose na nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Tumabi ako sakanya.
"Oh Euri mabuti naman at gising kana" tumango ako sakanya.
"Asan ang gamit mo? Hindi ka ba magdadala?" pinakita ko sakanya yung maliit kong bag. Umiling iling siya.
"Yan lang ang dadalhin mo? Sigurado ka? Samantalang ang sabi sakin ng tita mo dalawang linggo kayong mamamalagi sa beach." kumunot ang noo ko. Two weeks talaga? Ang tagal naman nun.
"Oh Eurina, asan na yung mga gamit mo?" tanong sakin ni tita.
"So, totoo nga na Two weeks tayo sa beach?"
"Oo Iha, hindi ko ba nasabi sayo? May reunion kasi kami ng mga classmates ko noong High School. Nagkataon naman na classmate ko si Stella asawa ni mayor Dela Vega na siyang may ari ng pinakamalaking beach resort dito sa Baler, kaya napagdesisyonan ng buong batch na doon nalang magreunion. Two weeks tayo doon kaya umakyat kana sa kwarto mo at ayusin ang mga gamit mo dahil aalis na tayo." mahabang paliwanag nya, kaya no choice ako kundi umakyat sa kwarto at mag-empake.
*****
"Wow ang ganda naman dito! Siguradong mageenjoy tayo dito Euri!" si tita yon. At masayang masayang umalis patungo sa mga batchmates niya. Kanina pa kami dumating dito nakapagayos nadin kami ng mga gamit para sa two weeks na pag stay namin dito.
"Sus mag eenjoy daw kami, eh mukang siya lang naman ang mag eenjoy dito." nakakainis naman kasi sukat ba namang iwan ako. Well, bahala nanga siya dyan. Kinuha ko nalang ang camera ko at pinagpipicturan ang paligid yung magandang view at mga taong nagsuswimming. Dati madalas naming gawin ito ni Edward. Kukuhanan namin ang pictures kung ano mang matripan namin then pagtatawanan ang mga epic na mga expressions ng mga muka nila. Nakakalungkot lang at hindi na namin magagawa ulit ang bagay na iyon ng magkasama. Umiling iling ako at saka pinagpatuloy ang ginagawa kong stolen shots. Napahinto ako ng mahagip ng camera ko sa hindi kalayuan ang isang lalake at babaeng naghahalikan, pamilyar yung lalaki sakin kaya itinutok ko ulit sakanila ang camera at saka nag zoom in. Nabigla ako ng biglang tumingin sa direksyon ko yung guy kaya naman bigla kong napress yung botton ng camera ko. Mabilis akong tumalikod at naglakad ng mabilis paalis sa lugar na yon. Napapailing nalang ako habang tinitignan ang kuha ko sa eksenang yon. Gusto ko sana silang sigawan ng Get a room pero hinayaan ko nalang, pero grabe ha dun talaga? Hindi ko akalaing ganon pala siya. Pero sabagay hindi ko pa naman siya kilalang talaga last night ko nga lang siya nakita eh. Well, hindi ko kilala yun babae pero yung kahalikan niya kilala ko. Walang iba kundi si Spade Dela Vega ang anak ng may ari ng resort na ito at siyang mayor ng bayang ito. At ang tindi niya ha, talagang sa ilalim pa ng puno ng niyog nakipag make-out hindi manlang namili ng lugar. Lupet mo tsong!

BINABASA MO ANG
Reasons
Teen Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...