The Reasons 7: Ordinary Song
Zaza
Nagising ako ng maramdaman ang init ng sinag nang araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nakakainis naman si Mommy sinabi ng ayokong binubuksan ang bintana sa kwarto ko. Minulat ko ang aking mga mata ngunit agad din akong napapikit, bigla ko kasing naramdaman ang sakit ng ulo ko. Teka parang--fuck! Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtantong hindi pamilyar ang mga gamit sa kwartong ito. Shit! Nasan ako? Hindi ito ang kwarto ko! Agad kong tinignan ang suot kong damit. Hindi ito yung suot ko kagabi. Kagabi? Ano bang nangyari kagabi. Pilit kong inaalala kung anong mga pinag-gagawa ko kagabi. Nagpunta kami ni Euri sa bar, uminom ako ng uminom, tapos nalasing ako. Tapos. Tapos? Hindi ko na alam!
Nakaramdam ako ng gutom ng makaamoy ako ng kung anong masarap na niluluto sa kunsaan. Agad akong naglakad patungo sa pinanggagalingan ng amoy at nakita ko sa hindi kalayuan ang isang lalaking busing busy sa kusina. Pinagmasdan ko siyang mabuti, nakasuot ito ng boxer shorts at apron. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya pa siguro ako napapansin dito.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya. Lalo na ngayong busy siya sa pagluluto, ang sarap niyang titigan. Bakit hindi ko siya nakita noon? Bakit hindi ko napansin si Ace dati. Samantalang lagi naman kami dating nagkakasama. Eh kasi nga si Spade lang ang gusto mo. Si Spade lang ang nakikita mo. Si Spade lang ang napapansin mo. Puro ka kasi Spade. Spade ka ng Spade, oh ano ka ngayon? Nga-Nga?
Piniling ko ang ulo ko ganito ba talaga ang mga brokenhearted. Kinakausap kuna ang sarili ko ngayon. Nababaliw na yata ako!
"Ahem! Ace."
"Ouch." nagulat yata siya sa pagtawag ko kaya napaso siya. Agad kong kinuha ang kamay niya para hugasan nilagyan ko din ito ng toothpaste para mawala yung sakit. Habang ginagawa ko yon ramdam ko ang pagtitig niya sakin. Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Ano masakit paba?" umiwas siya ng tingin at may ibinulong.
"Oo sobra.."
"Hah?" hindi ko kasi narinig yung sinabi niya kanina.
"W-Wala kumain kana, alam kong gutom kana." inabutan niya ako ng platong may lamang pagkain.
"Thanks ikaw hindi ka ba kakain?" tanong ko sakanya.
"Sabayan mo na kaya ako." alok ko sakanya na agad ko din namang pinagsisihan. Dahil ang loko nagtopless sa harap ko! Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa katawan niya ang sarap este ang ganda kasi. Ano bang nangyayari sakin?
Simula pagkabata magkakilala na kami at lagi ko siyang nakikitang nakatopless dati. Pero bakit iba na ang dating niya sakin ngayon. Parang hindi na siya yung Ace na kababata ko. Para kasing ibang tao na siya ngayon, parang hindi ko na siya kilala.
*ubo*ubo*
Bigla akong nasamid sa bigla niyang pagtayo. Nakita ko kasi yung Abs niya. Grabe ilan yun. Anim? Walo?
"Za, are you ok?" lumapit siya sakin at inabutan ako ng tubig. Hinimas himas niya din yung likod ko. Ilayo mo saakin yang katawan mo. Kung ayaw mong halayin kita!
"O-Oo Ok lang ako." hindi mapakaling sabi ko sakanya. Bumalik na siya sa upan at tinuloy ang pag-kain. Hindi nadin ako masyodong nadidistract sa katawan niya. Habang kumakain bigla kong naisip si Eurina. Siya kasi yung kasama ko kagabi, at hindi ko alam kung saan siya nagpunta kagabi, o kung nasaan man siya ngayon. Bumalik ako sa kwarto para hanapin ang phone ko. Balak ko kasing itext o tawagan si Eurina.
"Nasan naba yun, ang alam ko dala ko yun kagabi eh."
"Za, anung problema? May nawawala ba?" sumunod pala sakin si Ace. Napansin niya siguro na may hinahanap ako.
BINABASA MO ANG
Reasons
Non-Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...