The Reasons 13:
RegretsSpade
Kasalukuyan akong nakasakay sa isa sa mga Speed Boat na pagmamay-ari ng pamilya namin. Papunta kami ngayon sa puting isla dahil pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eurina kagabi ay nalaman kong kagagawan niya lahat kung bakit naroon ngayon si Zaza. Tsk! That girl. Oo nga at humingi ako ng tulong sakanya pero hindi niya dapat dinala si Zaza dun. Paano kung may mangyaring hindi maganda sakanya. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa kanya sa oras na masaktan si Zaza ng dahil sa kabaliwan niya. Hindi ko pinagsisisihan ang nagawa ko sakanya nung gabing yun. Tama lang yun sakanya.
Kasama ko si Mom at Dad pati narin ang parents ni Zaza at Ace nang malaman ko ang ginawa ni Eurina agad kong tinawagan si tita Sabrina at nalaman din ito nila Dad. Napagalaman ko din kay Eurina na pinapunta niya doon si Ace para daw maisakatuparan ang planong mailapit sila sa isa't isa. Nakakainis! Ako dapat ang kasama niya doon at hindi si Ace. Pero diba eto ang gusto ko? Ang paglapitin ang dalawa? Pero bakit parang ayoko na parang gusto ko ng sumuko at nagsorry sa lahat ng masasakit na ginagawa at sinabi ko sakanya. Hindi ko na kaya pang malayo sakanya. Piniling ko ang ulo ko, hindi pwede kailangan ko itong gawin. Para sakanya din naman ang lahat ng ito alam kong maiintindihan niya oras na malaman niya kung anong rason ko. Bumalik ako sa kasalukuyan ng marating namin ang lugar. Ang lahat ng pag-aalala at pangamba ay napalitan ng selos at pagtitimpi dahil sa nakita ko. Nandoon sila sa isang malaking puno kunsaan nakasandal si Zaza, samantalang nakahawak si Ace sa magkabilang balikat nito magkalapit ang kanilang mga muka at magkalapat ang kanilang mga labi. Parang ang sarap manapak ngayon.
"Zaza!" sigaw ni tita Sab. Hindi yata niya sila nakita dahil sa ibang direksyon siya nakatingin. Agad namang naghiwalay ang dalawa ng marinig ang sigaw ni tita. Tumakbo si Zaza papunta kay tita Sab at saka ito niyakap.
"Mommy." niyakap din siya nito ng sobrang higpit.
"Hay salamat sa Diyos at ligtas ka."
"Its because of Ace, pinuntahan niya po ako dito agad." napatingin kaming lahat sa paparating na si Ace. Agad na lumapit sakanya si tita Sab.
"Ace, salamat sa pagligtas at pag-aalaga sa anak ko ha." sandaling napatingin saakin si Ace. Ngunit agad din niya itong binawi at ibinaling ang tingin kay tita.
"Wala po yun tita." ngumiti sakanya si tita.
"Pero iho paano mo nga pala nalaman na nandito ang anak ko." si tito naman ang nagtanong.
"May nagtext po kasi sakin using Zaza's number at sinabing nandito siya. Kaya agad po akong nagtungo dito. Sorry kung hindi ko na po naipaalam pa sainyo." kung ganon tama lahat ang sinabi ni Eurina. Pero kahit na, naiinis padin ako. Hindi tama yung ginawa niya.
"It's ok iho, ang mahalaga ay ligtas kayong dalawa. So tara na, umalis na tayo dito para makapagpahinga na tayong lahat." sumakay na kami sa kanya kanyang bangka at umalis sa islang yon. Habang nasa byahe hindi ko maiwasang makinig sa usapan ng mag-ina.
"Anak naman bakit mo naman naisipan na pumunta sa lugar na yon, hindi mo ba alam na delikado dun?" nagsimula ng magsermon si tita.
"Saka sino ba ang nagdala sayo dun ha? Sabihin mo nga sakin at kakasuhan ko." pagpapatuloy niya. Napailing nalang ako. Paano kaya kung malaman niyang si Eurina ang nagdala sa anak niya sa isla, ano kaya ang gagawin niya?
"Kakasuhan talaga? Ang oa po ha!" pilosopo talaga ang isang ito.
"Saka Mommy wala pong may kasalanan nito, ako po ang nagpumilit na pumunta sa lugar na yon dahil gusto kong mapag-isa. Kaya wala pong sino man ang dapat sisihin sa nangyari kundi ako, kaya sorry po." nagulat ako sa narinig ko. Walang kinalaman si Eurina sa nangyaring pagpunta ni Zaza sa isla. Dahil kusang loob siyang nagpunta doon ng mag-isa at walang sinuman ang pumilit sakanya. Walang kasalanan si Eurina sa nangyari. Pero bakit ang sabi niya--
Nang makarating kami sa pampang kapansin pansin ang isang babaeng namumutla at tarantang taranta na agad nagtungo kung nasan si Dad.
"Oh Hilda, bakit nagmamadali ka. Anong nangyari sayo?" tanong agad ni Dad kay ate Hilda isa sa mga staff ng hotel.
"Hilda ano bang nangyari at namumutla ka?" this time si Mommy naman ang nagtanong hindi padin nagsasalita si ate Hilda. Nakita kong nanginginig ang buong katawan niya.
"Mayor Dela Vega!" nakita namin sa malayo si Mang Jose na tumatakbo papunta sa direksyon namin.
"Kanina pa po namin kayo hinahanap dahil nasainyo po ang mga duplicate keys ng mga rooms. Pero dahil wala pa kayo napagdesisyonan nalang po namin na sirain ang pinto ng kwarto nila nila Ms. Cecile." bigla akong kinabahan. Ano bang nangyayari?
"Bakit ano bang problema may nangyari ba habang wala ako?"
"May nakita po kaming babae sa loob ng kwarto. Duguan at nag-aagaw buhay." biglang nagkagulo ang mga tao. May lumabas na mga tao sa hotel may buhat buhat silang duguang babae. Nakita ko din si tita Cecile na nakasunod sa mga lalaki ang lakas ng iyak niya nakakapangilabot. Nakita kong tumakbo sila Dad sa direksyong yun para siguro alamin kung anong nangyari. Samantalang ako naiwan ditong nakatulala hindi ako makapaniwala, nanigas na ako dito sa kinatatayuan ko. Anong nangyari. Ano ginawa mo?
"Eurina."
BINABASA MO ANG
Reasons
Non-Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...