The Reasons 14: Suicide
Eurina
Nandito ako sa dalampasigan dahil hinihintay ko si Spade. Hawak ko sa aking kanang kamay ang Cellphone ni Zaza Mendez na kinuha ko matapos ko siyang lasingin sa bar. Hindi niya alam na light lang ang iniinom ko, samantalang sinabi ko sa bartender na puro strong drinks ang ibigay sakanya. At sa ganong paraan naisakatuparan ko ang plano. Kinuha ko ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan ang isa pang subject. Si Ace Sandoval. Iniwan ko si Zaza sa bar counter at nagtungo sa dance floor upang makapagtago, nakita ko sa di kalayuan si Ace Saldoval na hinahanap ang sadya niya. Naisip ko na iniisin ito kaya unutusan ko ang isang hindi kilalang lalaki na lapitan si Zaza. Agad namang tumalima ang huli dahil inabutan ko ito ng pera. Napapangiti na lamang ako ng makita ang gusto kong mangyari. Hindi pa ako nakuntento at sinundan ko pa sila sa kung saan man. Akala ko ay magaganap ang aking inaasahan, ngunit nadismaya ako ng hindi iyon nangyari, kaya nagplano ako ng panibago at inutusan ko si Trisha na komprontahin si Zaza upang maging madali ang lahat. Nagawa kong mapapunta ang babae sa puting isla dahil nadin mismo sa kagustuhan niya. Samantalang nagpadala ako ng mensahe sa lalaki upang magtungo din siya doon. Napapangiti nalang ako habang tinititigan ang isla kung saan naroon sila ngayon. Siguradong matutuwa sakin si Spade dahil nagawa kong paglapitin ang dalawa. Lalong lalo na si Edward. Alam ko! Alam ko nung una palang, na si Spade at ang Edward ko ay iisa. Nung una ko palang siyang makita dito alam ko na hindi pa patay si Edward dahil buhay siya! Buhay siya sa katauhan ni Spade. Alam kong mahal na mahal niya ako kaya hinding hindi niya ako magagawang iwan. Kaya gagawin ko ang lahat para sakanya, lahat lahat ng gusto niya, mapasaya ko lang siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko siya.
"EURINA!" napangiti ako ng makita si Spade na papalapit sa akin. Agad akong tumakbo papalapit sakanya. Edward.
"Ano nagustuhan mo--."
"Bakit nasayo ang cellphone ni Zaza?!" tatanungin ko sana siya kung nagustuhan niya yung ginawa ko pero nagulat ako ng sigawan niya ako bigla. Pero hindi ako natinag, ngumiti ako at tinaas ang kanang kamay ko na may hawak ng cellphone.
"Ito? Kinuha ko! I'm doing my job.. You know.. So dapat maging proud ka sakin." nagmamalaki kong sagot sakaya sabay ngiti ng sobrang lawak.
"Talaga.. How?" kinwento ko sakanya lahat ng ginawa ko sa bar at mukang naintindihan naman niya. Ngumiti siya sakin pero mahahalata mong peke yun. Pero binaliwala ko yun at ngumiti sakanya. Ang saya lang! Kahit parang pilit napangiti ko ang Edward ko.
"God job.. So nasan na sila ngayon?"
"Sa puting isla." casual kong pagkakasabi.
"WHAT THE HELL!" nabigla ako ng sumigaw siya sabay hawak ng sobrang higpit sa magkabilang balikat ko.
"Bakit mo sila dinala doon? Hindi kaba nagiisip?! Hindi mo ba alam na sobrang delikado ng lugar na yun? Paano kung may mangyaring masama sakanila. Lalong lalo na kay Zaza." galit siya. Galit na galit. Sinisigawan niya ako. Tss Zaza nanaman.
"I don't care.." mahinang bulong ko.
"WHAT? You fucking don't care? Nababaliw kanaba?" nasasaktan na ako sa pagkakahawak niya sa balikat ko. Kaya marahas ko itong tinanggal.
"Oo nababaliw na ako! At oo wala akong pakealam kung may mangyaring masama sakanya o kung mamatay man siya doon!! Ang mahalaga--"
"Boooggsh!"
"Bullshit!"
Bumagsak ako sa buhangin naramdaman kong namamanhid ang muka ko, nalalasahan ko na din ang dugo ko dahil pumutok ang ibabang bahagi ng labi ko.
"Y-You punched me." hindi makapaniwala at naiiyak kong sabi pero parang wala lang sakanya yung ginawa niya.
"E-Edward." lumuhod ako sa harapan niya.
"Edward I'm ---"
"What the fuck I'm not Edward I'm Spade! Pwede ba itigil mo na yang kabaliwan mo!" tinulak niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa buhangin. Dinuro duro pa niya ako habang galit na galit na nagbabanta sakin.
"Kapag may nangyaring masama kay Zaza hindi lang yan ang mangyayari sayo. Naiintindihan mo?! Hindi lang yan ang gagawin ko! Mapapatay kita tandaan mo yan!" at iniwan niya ako ditong mag-isa.
Hindi ako makapaniwala. Bigla akong nagising sa katotohanan. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Pano pumasok sa utak ko ang ideyang yun? Ang ideyang siya si Edward. Hindi siya si Edward. Ibang tao siya! Dahil kahit na kailan hinding hindi ako sasaktan ni Edward. Napahagulgol ako sa sobrang sama ng loob ko. Wala na siya.. Wala na talaga siya. Tang-ina bakit wala na siya!
Wala sa sarili akong nagtungo sa kwarto at ininom lahat ng alak sa lamesa. Hindi ko tinigilan ang pag-inom hangga't meron pa. Dahil umaasa ako na kahit dito manlang, kahit sa paraang ito manlang maramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Sobrang hilong hilo na ako at nararamdaman kong umiikot na ang mundo ko. Marahas akong tumayo at hindi inaasahang madunggol ko ang mga bote ng alak sa lamesa. Nagkabasag basag ang mga ito sa sahig.
"Mahal na mahal kita Euri, at kahit na kailan hinding hindi kita iiwan."
Hindi iiwan? Sinungaling ka! Kung hindi mo ako iiwan nasan ka ngayon?
"Euri wag kang malulungkot pag wala na ako ha, mahal na mahal kita."
Tang-ina sinong hindi malulungkot kapag iniwan na sila ng taong mahal nila. Please Edward bumalik kana.
"Eurina gusto mo bang sumama sakin? Sa lugar na iyon tayong dalawa lang. Hindi kana mag-iisa hindi kana malulungkot."
Oo! Gusto ko! Gustong gusto ko. Pero paano?
Biglang napadako ang tingin ko sa mga boteng nabasag sa sahig.
Wala sa sariling kumaha ako ng isang matalim at mahabang bubog at itinapat ang talim sa pulso ko.
"Halika na Euri, bilisan mo! Hihintayin kita!"
Idiniin ko ang bubog sa pulso ko sabay ang agos ng masaganang dugo mula dito. Idiniin ko pa ng husto hanggang sa mabitawan ko ito kasabay ng pagbagsak ng katawan ko.
"Sandali nalang Edward. Hintayin mo ako. Pupuntahan kita."
BINABASA MO ANG
Reasons
Non-Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...