the Reasons 1: Tuwing Umuulan

17 1 0
                                        

the Reasons 1: Tuwing Umuulan

Eurina Ruz

Ilang linggo nadin ang nakalipas simula noong inilibing si Edward. Pero hanggang ngayon heto ako nakakulong sa aking kwarto tulala sa kawalan. Nawalan na ako ng ganang ituloy ang buhay ko. Hindi ko kayang mag-isa! Hindi ko kaya ng wala sya!

Madalas akong binibisita ng mga kaibigan ko, pero hindi ko pa sila kayang harapin ngayon, sana ay maintindihan nila yon. Tatlo lang kami dito sa bahay ako at ang dalawa pa naming kasambahay, si manang Rosie at ang kanyang anak na babae si ate Amanda. Matagal ng pumanaw ang aking ina, namatay sya noong 5 years old ako dahil sa sakit. Samantalang nag-asawa ng iba ang magaling kong ama. Noong pitong taong gulang pa lamang ako, nagpakasal sya sa kabit nya at piniling manirahan sa ibang bansa. Samantalang iniwan nya ako dito sa pangangalaga ni manang Rosie at buwan buwan akong pinapadalahan ng sustento. At kahit minsan ay hindi na sya umuwi kahit manlang para i-check kung humihinga pa ba ako dito. Pero wala! Kahit anino nya hindi na nagpakita sakin.

*Tok*Tok*Tok*

"Eurina.. Nasa baba ang tita Cecilia mo, gusto kadaw nyang makausap." huh? Si tita Cecilia. Isa sa mga kapatid ng Mama ko pero tiga Baler Aurora sya. Paano nangyaring nandito sya sa Maynila.

Pumasok ang isang babaeng nasa edad na 40 pataas at kahit na may katandaan na ay maganda padin ito.

"Eurina iha ako ang tita Cecilia mo, kapatid ko ang Mama mo. Tumawag kasi sakin ang Daddy mo at naikwento nya ang nangyari. Nakiusap sakin ang Daddy mo na dun ka muna titira saakin sa Probinsya para naman malibang ka kahit konti.. Oops! Hindi ka na pweding humindi! Dahil nandito na ako. So, mag-empake kana at dun lang ako sa labas." wala na akung nagawa pa kundi mag-empake ng mga damit. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si tita Cecilia na naghihintay sakin sa labas. Ngumiti sya saakin.

"Oh Eurina iha, ready kanaba?" tumango ako at pumasok na sa loob ng kotse. Ipinasok na din ni Mang Jose ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Habang nasa byahe nakatulala lang ako sa bintana ng kotse. Nakita kong ang lakas ng ulan sa labas. Binuksan ni tita ang radyo. At parang nangaasar lang yung kanta.

*NP: Tuwing Umuulan by: Eraserheads*

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot sa buong paligid tuwing umuulan

May nakita ako sa labas isang babae at lalake na mukang enjoy na enjoy maligo sa ulan.

Kasabay ng ulan bumubuhos ang yong ganda Kasabay din ng hangin kumakanta

Naaalala ko dati madalas din kaming maligo sa ulan, tawa kami ng tawa habang parang tangang magka-hawak kamay na tumatakbo sa ulan.

Maari bang wag kana sa piling ko'y lumisan pa

Pero hindi na namin yon magagawa. Dahil iniwan na nya ako! Dahil wala na sya!

Hangga't ang hangi't ula'y tumila na

Sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata ko.

Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Nagulat si tita ng makita akong umiiyak. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin nalang ulit sa labas.

Nagising ako at nakitang nakapark ang sasakyan sa isang Stop Over. Nakatulog pala ako kakaiyak kanina. Bumaba ako para hanapin sila tita at para magpabili na din ng pagkain, nakita ko si tita sa hindi kalayuan na bumibili sa isang tindahan, pupuntahan ko na sana sya ng may matandang nagbebenta ng puto ang humarang sa dadaanan ko.

"Iha bili ka naman nitong paninda ko kahit isa lang, kanina pa kasi akong umaga dito pero hanggang ngayon wala pa din akong benta." ipinakita nya sakin ang paninda nyang puto, muka naman itong masarap kaya lang kasi si manang mukang gusgusin. Kaya hindi na nakapagtatakang walang bibili sakanya.

Tatalikuran ko na sana sya ng may lumapit na dalawang gusgusing bata na sa palagay ko ay mga apo nya.
"Lola.. wala pa po ba kayong benta? Nagugutom na po kasi ako eh."

"Naku apo maghintay lang tayo sandali baka may bumili na satin."

"Eh Lola kanina pa po tayo dito gutom na gutom na po ako." nakakaawa naman ang mga ito.

Bumalik ako sa sasakyan para kunin ang wallet ko. Babalik na sana ako para bilhin lahat ng paninda ni Lola pero mukang hindi na kailangan. Nakita ko ang isang matangkad at morenong lalaki na kinakausap si Lola at binigyan ng tatlong libong piso. Nakangiti namang umalis ang matanda kasama ang mga apo nya. Napangiti nalang din ako, siguro kung nandito si Edward gagawin din nya yung ginawa nung lalaki kanina. Bigla akong napayuko, naalala ko nanaman kasi siya.



ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon