The Reasons 4: The Plan
Eurina
Kasalukuyang nagkakasiyahan sila tita sa pool area ng resort puro kwentuhan, kantahan at inuman lang naman ang ginagawa nila kaya umalis nalang ako doon at nagtungo sa isang bonfire. Kasama ko sila Sheela, Elza, Robert, Inigo at Karl na kanina pa nagkukwentuhan. Mga anak sila at pamangkin ng iba sa mga batchmates ni tita. Naguusap usap kame kanina pa at katulad ko bored din sila kaya nagtungo din sila dito. Kanina ako lang mag-isa ang nandito at kanina ko pa nilalaklak itong isang case ng sanmig apple na ngayon ay nangangalahati nalang. Ng Isa-isa silang dumating kanina at sinamahan ako.
"Eurina.. Gusto mo bang sumamd samin? magbabar kasi kami." aya sakin ni Elza kasama sina Sheela, Robert, Inigo at Karl. Umiling ako.
"Naku kayo nalang.. Medyo may amats nadin ako eh, dito nalang ako mag-eemo."
"Ah ganon ba? Sige ikaw bahala." at umalis nanga sila.
Nakakasyam na bote na ako ng may biglang nagpatong sa gilid ko ng isang case ng sanmig apple.
"Patabi." isang seryosong Spade ang nabungaran ko pag-angat ng ulo ko, tumango lang ako sakanya. Umupo siya sa tabi ko pero may nakaharang na case sa pagitan namin.
"Penge." sabi ko sabay kuha ng isang bote sa case niya. Naubos ko na kasi yung sakin eh. Bukod sa 'patabi' at 'penge' wala na kaming ibang naging imikang dalawa dahil dama ko na tinatamaan nako sa dami nadin siguro ng nainom ko. At saka wala akong planong makipag-usap sakanya.
"Ang hirap palang magmahal no?" napalingon ako sa sinabi niya.
"Huh?"
"Ang hirap palang magmahal lalo na kung alam mong sa huli masasaktam mo lang sya, na sa huli iiwan mo lang syang nag-iisa." nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Ano bang pinagsasasabi nito? Lasing naba sya?
"I don't know what your talking about." medyo naguguluhan nadin kase ako sa biglaang pag-eemo nya eh.. Hindi ako sanay.
"Remember our deal? Yung condition?" lumingo siya sakin. Napatitig ako sa mata niya.
"Edward."
"Hah?" Umiwas ako ng tingin.
"Yes, syempre naman naaalala ko.. Ano bang gusto mo?" kita sa gilid ng mata ko ang paghinga niya ng malalim. Bago nagsalita.
"Help me please.. Tulungan mo akong makipaghiwalay kay Zaza at gusto kong ilapit ang loob niya sa bestfriend kong si Ace."
*****
Nagising ako dahil sa nakakainis na tawag ni Spade. Nakakabwiset! Alas sais palang ng umaga nambubulabog na ang puta. Ang aga-aga pa at ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa ang dami kong nainom kagabi. Ipinapaalala niya sakin na ngayon na daw namin sisimulan ang operatio : "break the Zaza Medez's heart" at ilapit ito sa bestfriend niyang si Ace. Sa totoo lang mahirap itong pinapagawa niya. Dahil nalaman ko na sobrang head over heels itong si Zaza dito kay Spade. At eto namang bestfriend niya ay may girlfriend sa Manila. But according to Spade hindi naman daw yun mahal ni Ace pinilit lang daw itong paligawan ng Mommy niya because of bussiness daw yata.
Nakakainis naman kasi ang dami daming pwedeng ipagawa bat yun pa? Kung hindi nga lang ako naawa sakanya kagabi hindi naman niya ako mapapa-oo sa deal na to. At kung hindi ko lang siya naaalala lalo na kapag ngumingiti siya, at yung mga mata niya. Isinantabi ko na lamang ang ideyang yon sa isip ko at bumangon na para maligo. Lumabas muna ako ng hotel para magliwaliw at para lumanghap ng sariwang hangin. Kung sinuswerte ka nga naman, nakita ko sa hindi kalayuan ang isa lalaking gwapo, moreno at matangkad na mag-isang nakatambay sa tabing dagat at mukang malalim ang iniisip nito. Si Ace Sandoval. Kung sinuswerte ka nga naman talaga umaapaw. Eto na ang pinakamagandang chance para makilala siya at makahanap ng information at the same time. Naglakad ako papalapit sakanya. Nasa bandang gilid na niya ako pero mukang hindi niya padin ako napapansin dahil titig na titig siya sa dalawang taong naglalampungan sa pampang. Nanlaki ang mga mata ko at nainis at the same time for unknow reason. Because its Zaza Mendez na masayang nakikipagbasaan at nakikipaglandian sa lalaking sumira ng maganda kong tulog kanina. Si Spade. Kumunot ang noo ko. Kagabi lang sinabi niya sakin na gusto na niyang makipabreak sa girlfriend niya at nanghingi pa siya ng tulong sakin ha. Samantalang ngayon makikita ko siyang masayang nakikipag kulitan sa jowa niya. Ang gulo niya ha. Naiistress ang bangs ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Reasons
Non-Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...