The Reasons 8: Missing
Spade Ivan Dela Vega
Nandito ako ngayon sa bar at mag-isang umiinom. Kanina pa ako nandito at kanina pa din may mga lumalapit saking mga babae pero wala ako sa mood para pansinin sila. Wala akong karapatang maging masaya dahil masama akong tao, lahat nalang ng taong nagmamahal saakin sinasaktan ko, nilalayuan ko. Si mom, dad si Ace at lalong lalo na si Zaza. Hindi niya deserve ang mga nangyayari ngayon sakanya at nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Hindi totoong niloko ko siya. Hinding hindi ko magagawa sakanya ang bagay na yon. At hindi din totoong hindi ko na siya mahal. God knows how much I love her. Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Pero dahil sa pagmamahal ko sakanya ay kailangan kong gawin ang mga bagay na yon. Gusto kong maging masaya siya sa iba kahit na sobrang sakit ang kapalit nito para saakin. Alam kong sa mga panahong ito ay nasasaktan ko siya pero alam kong maiintindihan niya din lahat ng ito balang araw. Ayokong mawala siya sakin dahil hindi ko kaya, pero ng malaman ko ang bagay na iyon na siyang naging dahilan ng lahat ng ito ay agad akong nagisip ng paraan kung paano ko siya mailalayo saakin. Matagal ko ng plano ang lahat ng ito ngunit hindi ko ito kayang gawin ng mag-isa, kaya nung nakilala ko si Eurina ay agad akong humingi ng tulong sakanya. Unang kita ko palang sakanya noon ay alam ko nang malaki ang maitutulong niya sa mga plano ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing titingin ako sa mga mata niya ay pumimintig ng malakas ang puso ko.
Blangko. Blangko ang mga mata niya at waka akong makitang kahit na anong emosyon. Nakakatakot ang personalidad niya at nakakamangha at the same time. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita.
Nakatambay ako ng dis oras ng gabi sa taas ng malaking puno ng mangga ng may marinig akong umiiyak. Kilala ang lugar na ito na madami daw ang umaali-aligid na kung ano-anong hindi maipaliwanag na mga ligaw na espirito kaya sa takot ko ay nagmamadali akong bumaba sa puno, ngunit nung pag-apak ko sa isang sanga ay bigla na lamang itong nabali kaya nalaglag ako sa isa sa mga terrace ng isa sa mga bahay doon.
"Boooggsh!"
"Aray!" medyo masakit ng konti ang bagsak ko, pero kaya ko pa namang tumayo.
"Sino yan?" may narinig akong nagsalita mula sa loob ng kwarto at nakarinig ako ng yapak papunta sa direksyon ko kaya nagtago muna ako sa isang bahagi ng terrace na kung saan madilim. Bumukas ang bintana at may lumabas na isang babae.
"Alam kong may tao diyan! Lumabas kana!" nakahinga ako ng maluwag akala ko naman kung ano na. Bigla kong hinawakan ang magkabilang braso niya para sana magpakilala dahil mukang natakot ko yata siya.
"aaaaahh!" sigaw niya. Nagulat ko yata siya. Pero ang hindi ko inasahan na may hawak siyang kutsilyo at bago pa ako makaiwas ay nasaksak niya na ako sa braso.
"Arrrgh." napadaing ako sa sakit. Ibang klase! Hindi ko akalaing may hawak siyang ganun. Nagulat ako ng muli siyang umamba ng saksak ngunit napatigil siya maging ako ng may biglang sumigaw kasabay ng pagbukas ng ilaw.
"Eurina anong nangyayari dito? Bakit ka sumisigaw?" kung ganon Eurina pala ang pangalan ng sadistang ito.
"At sino yang nasa likod mo---Spade? Anong ginagawa mo dito--- At anong nangyari sa braso mo?" nagulat si tita Cecile nang makita ako. Matagal na kaming magkakilala ni tita Cecile dahil kaibigan siya ni Mom. Madalas siya dati sa bahay pero hindi ako sumasama kay Mom pag nagpupunta siya dito kaya siguro nagulat siya. Maging ako din naman kasi hindi ko alam na dito pala sila nakatira at hindi ko alam na may anak pala siya. Tumingin sakin si Eurina at nagulat ako dahil blangko ang expression ng muka niya. Pero isinantabi ko ito at tinignan siya ng masama saka sinagot ang tanong ni tita.
"Tita Cecile, bakit hindi po siya yung tanungin niyo?" tumingin sakanya si tita at dun sa kutsilyong hawak niya. Nagkibit balikat lang ito. Kaya napabuntong hininga si tita at saka tumingin sakin.
"Mamaya na tayo mag-usap Euri.. Halika dito Spade dun tayo sa baba gagamutin ko lang yang sugat mo." umalis na si tita at sumunod naman ako. Bago lumabas ay tinignan ko muna siya ng masama, at ayan nanaman yung muka niyang expressionless. Hindi ko na lamang ito pinansin at lumabas nalang sabay balibag ng pinto.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng tumunog ang cellphone ko.
*Tita Sabrina Calling*
Si tita Sabrina ang Mommy ni Zaza. Bakit naman kaya ito tumatawag sakin. Hindi kaya nalaman na niya ang nangyari. Agad kong sinagot ang tawag para malaman ang sagot sa tanong ko.
"Hello Tita?"
"Spade iho.. Kasama mo ba ang anak ko? Kasi simula kahapon pa nang umaga ng magpaalam siya sakin na pupuntahan ka pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik dito. Nag-aalala na kasi kami ng Daddy niya sakanya." kung ganon hindi pa pala alam nila tita.
"Tita I'm sorry pero hindi ko po siya kasama, wala nadin po kasi kame."
"What?! Anong nangyari?!" hindi ako sumagot.
"Well anyway, malalaki na kayo, bahala na kayong umayos niyan kung ano pa yan. Hindi ako makekealam. Pero sana maayos pa. Because I really like you for my daugther." buti nalang talaga at understanding itong si tita.
"Thank you po tita Sab."
"Welcome iho, maiba tayo. Kung hindi kayo ang magkasama nasaan kaya siya ngayon. Nag-aalala na talaga ako. It's already 10pm, baka napano na yun." sagot niya at muka ngang alalang alala na siya. Kahit ako din ay nag-aalala na. Saan kaba kasi nagpupupunta?
"Bakit hindi niyo po i-try na tawagan siya? Or si Ace baka sila ang magkasama." sana hindi.
"It's useless iho. Kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot. Please if ever makita mo siya sabihan mo agad ako ha, tatawagan ko nadin si Ace.. Cge bye."
"Ok Tita bye."
After ng tawag ni tita Sab. Agad kong tinawagan ang number ni Zaza.
"Hello Spade." nagulat ako ng mabosesan ang nasa kabilang linya.
"Eurina? Bakit nasayo ang cellphone ni Zaza?"

BINABASA MO ANG
Reasons
Genç Kurgu"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...