The Reasons 5: Heart break
Zaza Mendez
Masaya akong naglalakad papunta sa hotel room ng boyfriend ko. Dahil balak ko siyang i-surprise. Ngayong araw kasi ang aming 3rd year anniversary as boyfriend-girlfriend. Meron akong dalang heart shape na mocca cake na ako mismo ang gumawa because i know na favorite niya yon. Habang naglalakad namataan ko ang isang babae sa hindi kalayuan, nakasandal siya sa pader malapit sa room ni Spade. Agad ko din namang nakilala ang babae ng lumingon ito sa direksyon ko.
"Eurina? What are you doing here?" kakikilala ko palang sakanya noong isang araw. Siya kasi yung babaeng sinigawan ni Ace doon sa tabing dagat. Nakakainis talaga ang lalaking yun napakasungit. Anyway nagtaka ako sa reaksyon niya, para bang hindi siya mapakali sa hindi ko malamang dahilan.
"Hah? W-Wala may hinihintay lang ako." kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinext na kunsino. Agad niya naman itong tinago ng mapansing tinitignan ko ang ginagawa niya. Ngumiti siya sakin.
"Sige pala, nandito na yung hinihintay ko kaya pwede na akong umalis." nagtaka ako sa sinabi niya parang may iba akong pakiramdam. Parang may hindi tama. Lumingon ako sa direksyon niya para sana magtanong pero nakaalis na siya. Iiling iling akong lumakad patungo sa room ni Spade at kahit na nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba ay lakas loob kong binuksan ang pinto.
"SURPRI--se?" diba ako yung mangsosorpresa? Pero bakit ako yata ang na-surprise sa naabutan kong eksena sa room niya. Nabitawan ko ang dala kong cake, sunod-sunod na umagos ang luha sa aking mga mata. Dahil kitang kita ko kung paano ako pagtaksilan ng lalaking buong puso kong minamahal.
"Zaza!" tumakbo ako. Tumakbo ng tumakbo hanggang sa hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Sobrang nanlalabo na ang paningin ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Paano niya nagawa sakin to. Mahal na mahal ko siya. Kulang pa ba ako? Kulang pa ba lahat ng mga ginagawa ko?
"Aray! Ano ba Miss, hindi ka ba tumitingin sa dinadaana---Zaza? What happened why are you crying?"
Hindi ko pinansin ang tanong ng kunsinong nakabangga ko tumakbo lang ulit ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Umupo ako sa buhangin at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Umiyak ako ng umiyak, umaasa na sana kahit papano ay mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. Ngunit kahit anong gawin kong pag-iyak ay para pading pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
"Heto." may nag-abot sakin ng panyo. Nilingon ko ito. I'ts Eurina. Paano niya nalamang nandito ako?
Tinanggap ko ang alok niyang panyo at ngumiti ng pilit.
"Salamat." umupo siya sa tabi ko. Matagal tagal din kaming nanahimik tinignan ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa dagat. Nagtaka ako, ang buong akala ko kasi ay tatanungin niya ko kung anong drama ko pero nakaupo lang siya sa tabi ko mukang hinahayaan lang ako. Para bang naghihintay lang siyang magkwento ako sakanya ng kusa."Spade cheated on me." Panimula ko.
"Spade is my boyfriend Eurina.. Nakita ko siyang may--" parang may biglang bumara sa lalamunan ko.
"Kahalikang ibang babae." bumalik nanaman sa isipan ko ang mga nakita ko kanina. Umiyak nanaman ako. Nakakahiya man kay Eurina pero humiling ako sa balikat niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at bahagyang hinahaplos ito. Wari bang pinapatahan ako."Zaza." nanginig ang buong katawan ko ng marinig ang boses niya.
"Spade baby!" tawag sakanya ng isang magandang babaeng matangkad, maputi parang modelo. Siya yung babaeng kamake-out ni Spade kanina. Parang gusto kong manapak. Kumapit ang bruha sa braso niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan pa ako ng kilay! Ang sarap niya kalbuhin ang kapal ng muka!
"Baby who is she?" baby? It means sila? Grabe!
"Don't mind her baby.. She's just a nobody." ouch! Sinabi niya yun ng diretsyong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Tinitigan ko siyang mabuti nakatingin padin siya saakin. Walang mababakas na kahit na anong emosyon ang muka niya. Naiiyak nanaman ako. Loser na Loser ang dating ko. Naramdaman kong hinawakan ni Eurina ang kamay ko.
"Umalis na tayo Zaza." nakita kong tinitigan niya muna yung dalawa bago ako hinila paalis sa lugar na yon.
*****
"Grabe naman pala yang si Spade iha, akala ko'y napakabait ng batang yan, hindi ko akalaing kaya niyang manakit ng damdamin ng isang babae." sabi ni tita Cecile. Tita ni Euri pagkatapos niya kasi akong hilahin paalis sa torture na lugar na iyon ay dinala niya ako dito sa room nila. Iyak ako ng iyak habang kinukwento ang mga nangyari. Ang dami pa ngang side comments ni tita samantalang tahimik lang na nakikinig si Eurina.
"Tita hayaan nyo na po silang dalawa, saka wala na po muna sanang makaalam nito. Satin satin lang kumbaga." I smiled. Laking pasasalamat ko at nandoon si Euri kanina. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko sa mga panahon yon at maging sa ngayon. Gulong gulo ang isip ko. Ngayon lang ulit ako nakakilala ng isang taong alam kung ano ang nararamdaman ko, at kahit ngayon lang kami nagkakilalang dalawa maituturing ko na siyang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
"What do you think Za, ok lang ba itong outfit ko?" tumingin ako kay Euri na ngayon ay tinitignan ang replection sa salamin. Nakasuot siya ng short shorts at crop top na kulay maroon na off shoulder na damit. Nakatali ng mataas ang mahaba niyang buhok. Sa totoo lang bagay sakanya yung suot niya. Maganda naman kasi talaga itong si Euri eh. Chinita, matangos ang ilong, maliit at mapula ang labi, maputi, matangkad at sexy pa. Higit sa lahat sobrang bait pa! Mas matatanggap ko pa nga na siya nalang yung ipalit sakin ni Spade dahil kung titignang mabuti bagay na bagay silang dalawa.
"Hey Zaza! Tulala ka diyan?" napatingin ako sakanya. Natulala nanaman pala ako kakaisip kay Spade.
"Hah?" bumuntong hininga siya.
"Halika nga! Magbihis ka, pahiramin kitang damit." at hinila niya ako papuntang closet niya. Pinasuot niya ako ng high waste na short at color black na crop top na off shoulder din.
"Ayan bagay sayo." nilagyan din niya ako ng light make-up at kinulot ang mahaba kong buhok.
"Ayan! Ang ganda ganda mo na, hindi halatang broken hearted ka hahaha." tapos tumawa siya. Sinimangutan ko naman siya.
"Kainis ka!" sabay hampas sa braso niya.
"Tara picture tayo." post lang kami ng post na parang baliw dun hangang sa may tumawag sa phone niya.
"Hello." sagot niya sa kabilang linya.
"Oh sige baba na ako." tumingin siya sakin.
"Ay may kasama pala ako-- oo sige sige bye!"
"Teka may pupuntahan tayo? Saan?" sinuot niya muna yung sandals niya bago ako sagutin.
"Sa bar."
"What?! No ayoko!" hindi pa kasi ako nakakapunta ng bar kaya natatakot ako, saka baka kasi malaman nila Mommy siguradong lagot ako dun.
"Ano kaba! Bar lang yun, saka wag kang mag-alala. Ako bahala sayo."
"Pero--." pero hindi na ako nakapalag pa ng hilahin niya ako papuntang bar.
"Guys meet Zaza my friend." ngumiti nalang ako sakanila. Kasalukuyan kaming nakupo sa bar counter ng isang bar dito malapit sa beach. Pinakilala ako ni Euri sa mga kaibigan niya. Sila Sheela, Elza, Robert, Inigo and Karl. Mababait naman silang lahat saakin kaya ok lang. Nagsimula na silang mag-inuman nang nag-paalam yung tatlong lalake na aalis muna, samantalang kanina pa nasa dancefloor sina Sheela at Elza. Naiwan kaming dalawa ni Euri.
"Hey Euri umuwi na kaya tayo, wala naman tayong gagawin dito." kanina pa kasi ako nabobored. Ang tanging gusto ko lang ngayong gawin ay ang umuwi at magmukmok sa room ko. Pero mukang hindi naman ako naririnig ng isang ito dahil kanina pa siya busing busy sa pag-inom. Tapos yung paraan pa niya ng pag-inom sunod-sunod. Parang sobrang dami ng iniisip niya. Tinabihan ko siya at umorder ng isang shot ng brandy. Mukang Hindi lang ako ang may problema dito ah. Naalala ko nanaman bigla si Spade yung mga mata niya. Yung mga masasakit na salitang sinabi niya. At lalong lalo na yung panlolokong ginawa niya sakin. Sinunod sunod ko ang pag-inom wala na akong pakealam kung malasing ako dito. Sana sa pamamagitan ng alak kahit papaano. Kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Reasons
Teen Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...