The Reasons 9: The Unexpected
Ace
After ng tawag ni tita Sabrina. Agad kong tinawagan ang number ni Zaza. Kinabahan ako bigla ng walang sumasagot pero nagriring naman ito. Agad namang nawala ang kaba ko ng makita kung sino ang nagtext.
*1 message recieve*
*From: Zaza*
*Magkita tayo dito sa Puting Isla. Hihintayin kita.*What? Puting Isla? Anung ginagawa niya dun sa ganitong dis oras ng gabi. Saka ang layo ng islang yun mula dito paano siya nakapunta dun ng mag-isa. Imposible namang may mangingisdang pumayag na dalin siya doon dahil mahigpit na ipinagbabawal ang magdala ng turista sa islang yun. Bigla akong kinabahan ano ba kasing pumasok sa isip niya at gusto niyang makipagkita sa lugar na yun. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko habang sobrang bilis ang pagtakbo ko papuntang dalampasigan. Agad akong sumakay sa isang speed boat at agad na nagtungo sa isla. Madilim ang paligid halatang walang naninirahan dito dahil puro puno lang ang mabubungaran mo. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito upang hanapin si Zaza. Binuksan ko ang aking dalang flashlight para magkaroon ako ng kahit konting liwanag.
"Zaza! Nandito kaba?" katahimikan.
"Zaza si Ace to, magpakita ka na please." katahimikan. Ano ba yan wala naman yata siya dito kanina pa ako sigaw ng sigaw pero wala namang sumasagot. Hindi kaya ginugoodtime lang ako ng babaeng yun. Pero imposible! Hindi siya ganung klaseng tao. Saka kung wala nga siya dito nasaan siya.
"aaaaah!" nabigla ako ng may marinig na sumigaw galing sa loob ng gubat.
"Zaza!" dali dali akong nagtungo sa lugar kung saan ko narinig ang boses niya. Madilim, masukal at nakakatakot ang lugar na ito pero hindi ko na inintindi pa ang mga iyon dahil ang importante sakin sa ngayon ay ang makita siya.
*****
Zaza
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa gubat at hanggang ngayon ay hindi ko pa din makita kung saan ako dumaan kanina papasok dito. Pagod na pagod na ako at gutom at nauuhaw pa. Ngayon ay sobrang nagsisisi na talaga ako at nagpunta pa ako sa lugar na ito. Ang nakakainis pa walang kahit na sinong nakakaalam na nandito ako tanging si manong na naghatid sakin lang at ngayon nga ay ako nalang magisa dahil pagkahatid na pagkahatid niya sakin dito umalis na kaagad siya. Wala manlang akong dalang kahit na anong pweding gamitin para malaman nilang nandito ako dahil sa kasamaang palad hindi ko alam kung saan napunta ang phone ko. Promise! Kung sino talaga ang taong makakahanap sakin dito hahalikan ko ng bongang bonga. Madilim na sa nilalakaran ko kaya hindi ko napansin na pababa pala ang daan dito.
"aaaaaah!" napasigaw ako sa gulat at nagpagulong gulong sa kunsaan pagkatapos ay tumama ang ulo ko sa isang matigas na bato. Tuluyan ng nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Reasons
Teen Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...