The Reasons 6: Fight for Love
Ace Collin Sandoval
Nandito ako sa terrace at tumutugtog ng gitara habang nakatulala sa dalampasigan. Ganito ako kapag may problema o may malalim na iniisip. Ano kayang nangyari sakanya?
Bakit umiiyak siya nung makita ko ang muka niya matapos kaming magkabunguan?
Gusto ko sana siyang sundan kanina pero nakita ko si Spade kasunod ang isang hindi kilalang babae sa hindi kalayuan na sinusundan siya. Sa itsura palang ni Spade at nung babae parang alam ko na kung anong nangyari. Kaya nagpasya ako na wag ng makealam. Pero hindi padin talaga maalis sa isip ko yung muka niyang umiiyak. Gago ka talaga Spade. Kung sana ako nalang yung pinili niya noon, hinding hindi siya masasaktan ng ganito kaso ang siraulong yun ang pinili niya.
Hanggang ngayon hindi pa din talaga ako mapakali. Gusto kong sundan din siya. Gusto kong yakapin siya ng sobrang higpit at wag ng pakawalan pa. Gusto kong punasan ang mga luha niya at patahanin siya sa pag-iyak, dahil nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nagkakaganon.
Natigil ang aking pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.
*Zaza Calling*
Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello Za?""Hello there lover boy." huh? Lover boy? Hindi siya kaboses si Zaza.
"Who are you? Nasan si Zaza?"
"Sa puso mo."
"What the hell!"
Tumawa ang nasa kabilang linya.
"Oh chillax kalang lover boy, nasa tabi ko lang siya. Well anyway kaya ako tumawag ay para sabihing lasing na lasing ang babaeng kinababaliwan mo. Kaya pumunta kana dito, dahil kung hindi ay iiwan ko siya sa mga hitad na lalaki dito." fuck! Sino ba to?
"Teka sino kaba? Saka bakit hindi ka dun sa boyfriend niya tumawag?"
"Tss.. Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako, saka ayoko nga dun. Gusto ko sayo siya mapunta. Ikaw kaya ang future boyfriend niya, at sisiguraduhin kong mangyayari yun. Kaya dapat galingan mo ha." what the--
"What the fuck! Anu--."
"Ok hintayin kana lang niya dito, bilisan mo ha bye."
"W-Wait!--"
*tot*tot*tot*
Fuck! Hindi pa niya sinasabi kung saang bar. Saan ko siya pupuntahan dito?
*tot*tot*
*1 message recieve*
*From: Zaza*
*Oops sorry i forgot. Dito pala kami sa *tot*tot*Bar See yah*Agad akong nagpalit ng damit upang magtungo sa nasabing bar.
Pagpasok ko sa bar agad na hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Zaza. Nakita ko siyang nakadukdok sa bar counter, naiyukom ko ang aking kamay ng makitang may lumapit sakanyang isang hindi kilalang lalaki. Tumabi ito sakanya at nakita kong minamanyak na nito ang lasing at walang kamalay malay na si Zaza. Biglang nag-init ang ulo ko. Asan naba kasi yung kasama niyang tumawag sakin kanina. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa ng makitang hahalikan na siya ng lalaki. Naglakad ako ng mabilis at hinila si Zaza sabay suntok ng malakas sa lalaki.
"Stay away from her, you moron!" tumumba siya sa ginawa ko, pero agad ding nakabawi.
"Gago kaba? Girlfriend ko yan eh!" susugurin na sana niya ako pero may mga umawa na.
"Tsk! Ano ba, bitawan niyo nga ako!" nagpupumiglas siya habang tinitignan ako ng masama. Ngumisi ako sakanya.
"Tss, in your dreams asshole. She's mine. So back-off." may mga dumating na mga bouncer at inakay siya palabas ng bar.
"A-Ace? What are you doing he--arrgggh." muntikan na siyang matumba buti nalang at nasalo ko.
"Tss. Your drunk, lets go iuuwi na kita." inalalayan ko siya palabas ng bar.
"jdjgamwjapgmw." suka siya ng suka pagkalabas palang ng bar. Alam niyo, kahit mahal ko tong isang to gustong gusto ko siyang batukan. Iinom inom hindi naman pala kaya.
Nang medyo nahimasmasan ay pagewang gewang siyang naglakad patungong dalampasigan. Tahimik ko lang siyang sinundan at umupo sa tabi niya.
"Alam mo ba kung bakit ako naglasing ngayon?"
"No.. Why?" sa totoo lang parang may idea na ako kung bakit pero hahayaan ko nalang na siya ang magkwento.
"You know that you can tell me anything right? So spill, makikinig ako." huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"It's because of Spade, he cheated on me. At sinabi pa niyang wala lang ako sakanya. Ang sakit Ace! Ang sakit sakit! At humagulgol na siya ng iyak. Niyakap ko siya ng mahigpit, naramdaman kong nagulat siya pero hindi kalauna'y gumanti nadin siya ng yakap. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib ko, ng pahikbi-hikbi nalang ay kumalas na siya sa yakapan naming dalawa.
"S-Sorr--wjpantjmtga." nagsuka nanaman siya. Pagkatapos ay bigla siyang tumayo kaya napatayo din ako.
"Zaza your drunk, magpasundo na tayo sa Dad mo. Wait tatawag ko."
"No!" sabay hablot ng cellphone sa kamay ko.
"Please Ace, ayoko pang umuwi."
"Zaza!" pagkasabi niya kasi nun bigla nalang siyang humiga sa buhangin.
"Hey Za, wake up!" fuck! Ano bang gagawin ko sa babaeng ito. Kung wala lang akong pakialam dito kanina ko pa to iniman dito.
"Tsk!" binuhat ko nalang siya kaysa naman hayaan ko siyang matulog dun, baka mapano pa ito. Habang naglalakad napansin kong parang may sumusunod samin pero isinawalang bahala ko nalang ito at nagtungo sa kwarto ko. Dito ko nalang muna siya papatulugin dahil ang sabi niya ay ayaw niya daw munang bumalik sa room nila.
Hindi manlang ito nagising nung inilapag ko siya sa kama. Lasing na lasing talaga ang isang ito. Tinitigan ko ang napakagandang muka ng babaeng minamahal ko. Nakita kong may tumulong luha sa pisngi niya. Marahan ko itong pinusan. Sa tingin ko ay kahit sa panaginip si Spade padin ang nasa isip niya. Bigla akong nakaramdam ng ingit at galit at the same time.
"Kung ako lang sana ang minahal mo, hinding hindi ka masasaktan ng ganito." pabulong kong sabi saka hinalikan ang noo niya.
Tumayo ako para kunin ang gitara ko at nagtungo sa terrace. Habang nagstrum ng gitara bigla kong naalala ko ang mga nangyari kanina. Nagtext ako kay Spade at sinabi kong mag-usap kame tungkol sa isang bagay na matagal na sanang tapos. Pero dahil sa ginawa niya ay muli niyang binuhay ang pag-asa ko at binigyan ako ng pagkakataong lumaban. Mahal ko si Zaza at ayokong nakikita siyang nasasaktan.
Kung hindi mo na siya kayang pasayahin, pwes ako ang magpapasaya sakanya. Kung hindi mo na siya mahal, ako mahal na mahal ko siya. Kukunin ko ang isang bagay na matagal naman nang dapat ay saakin kung hindi lang ako nagparaya noon.

BINABASA MO ANG
Reasons
Teen Fiction"Eurina lakasan mo ang loob mo, nandito lang kame para sayo." "Best.. kaya mo yan! lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin." "Eurina anak.. sigurado akong masaya na si Edward kung nasan man sya ngayon, ipagdasal nalang natin sya." "Condolence...