Prologue

43 4 0
                                    

Luna's Pov





"Can i just please see the human world? Or maybe go outside of the castle?" Pagmamakaawa ko kay Vernick. Nandito ako ngayon sa kwarto niya nagbabakasakali ulit na baka ngayon ay pumayag na siyang palabasin ako.













Gustong gusto ko talaga makasalamuha ang mga tao, maranasan yung buhay nila. Gusto kong mag-aral, makakain ng mga prutas nila, makasakay sa isang sasakyan o di kaya sa bike. Ang saya siguro nun!















"ILANG ULIT KO BA DAPAT SABIHIN SAYO NA HINDI PWEDE?! BAKIT BA NAPAKA TIGAS NG ULO MO? HA?" Bulyaw niya sakin, akala ko pa naman ay papayag siya. Tumakbo ako palabas ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ko.










Sabi ng iba masarap daw maging prinsesa pero hindi naman eh, siguro nga sa iba oo pero sakin hindi. Maniniwala ba kayo na kahit isang beses hindi ko pa nakikita ang mundo sa labas nitong kastilyo? Pero alam kong may mundo sa labas kasi nabasa ko ito sa mga libro sa library.
















Ayaw niyo akong palabasin, ako ang lalabas. Sinira ko ang pader ng kwarto ko at tinakpan ang pinto. Nasa pinakamataas na parte ng kastilyo ang kwarto ko. Shuuh nakakalula.













Ang ganda ganda ng langit, kulay blue nga talaga ang ito, tapos ang dami daming green na something na may kulay brown na katawan. Yung tinatawag nilang puno. "Wow" usal ko nalang ng matanaw ko ang mundo ng mga tao sa kalangitan.





















"Mundo ng mga tao I'm coming!!" Excited akong lumipad palabas ng kwarto ko at binalik ito sa ayos. Mahirap na hindi pa ako nakakaalis mahuhuli na ako.

















Yung feeling na ang lapit lapit mo na sa pangarap mo tapos di na tuloy, ang pangit nun kaya binilisan ko ang paglipad at gumawa ng portal papunta sa mundo ng mga tao.

















"Ahhhhh!" Natatawang sigaw ko, lupa! Ngayon lang ako makakaapak sa lupa! *booogssh* Ang saya saya! Wow ang daming bulaklak!. Hmmm bango naman! Tapos kumaha ako ng isa at nilagay ito sa ibabaw ng tenga ko.
















"Ito ba yung daan? Wow napakalapad naman!" Sabi ko habang pinapagpagan ang white dress na suot ko. Nakakamangha yung lupa kulay brown, ang daan naman kulay gray. Tapos ang daming matataas na bundok at ang lawak ng palayan. Ganito pala kalapad ang taniman ng bigas nila!























Masakit maglakad sa lupa kasi may maliliit na...bato.. na nakabaon, dito nalang ako maglalakad sa daan hehehe.










Peeeeeeeeeeeeeeeeeeep

Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep








Author's note

Hi everyone! Please don't forget to vote for my story if you like it :).

THE GODDESS LUNA CELESTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon