Luna's Pov
"Naku wag na nakakahiya eh, ako na kaya ko naman" ano bang problema ng lalaking to, ang ayaw ko pa naman na parang baby ang turing sakin.
"Oo nga naman Vergil, namimilit ka lang eh. Tara na nga Luna, wag mong pansinin yan kasi playboy yan!" Sabi naman ni Luke at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami, gusto kong kunin ang kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya. Aish. Parang nasusuka na ako.
Ang dalawa naman, si Vergil at Raven parang hindi mapakali ng hinawakan ni Luke ang kamay ko. "Hoy Luke wag mo ngang hawakan ang kamay niya!" Sita ni Raven.
"Oo nga! Ako lang ang may karapatang hawakan ang kamay ni Luna" sabi naman ni Vergil.
*Vergil glares at Raven and Luke*
*Raven glares at Vergil and Luke*
*Luke glares at Raven and Vergil*
" Tigil tigilan ninyo akong dalawa! Hoy Iger hindi ka pa nagpapakilala dito kay Luna, ang bait-bait niya oh" pag-iiba ng topic ni Luke, tinutukoy niya ang lalaking nagmamaneho kanina, so Iger pala ang pangalan niya! Napakayabang, naman talaga niya. Buti pa tong mga kasama niya ang babait.
"Iger Ferrer, nice meeting you Luna."
Yun lang ang sinabi niya tapos hindi pa siya nakatingin, ang bastos naman talaga niya. May kinakausap kung saan-saan nakatingin.
Pagdating namin sa condo, hindi ko naiwasang ngumiti ng napakalapad. Ang ganda, parang nasa kastilyo ulit ako. Ang taas din ng kisame na may nakasabit na malaking chandelier.
Sa apartment pala kami ni Iger pupunta. Ayaw ko sana sumama kasi hindi ko gusto ang ugali ni Iger, pero sabi ni Luke na hanggang ngayon hinahawakan pa rin ang kamay ko matatagalan kami kung ngayon ko i-pro-process ang pagkuha ko ng sarili kong apartment. Bukas nalang daw.
Malaki ang apartment niya, mamahalin rin ang mga gamit na nilagay. Tapos kitang kita sa malaking glass window ang buong city, iniwan muna nila ako rito sa living room kasi maliligo pa sila. Lumapit naman ako sa malaking glass window.
Ang daming sasakyan sa highway, tapos ang gaganda ng mga ilaw sa mga gusali. Yung kaharap na building ng condo, may mga heart designs na umiilaw. Breathtaking ang view! Ano na kaya ang ginagawa nila run sa kastilyo?
Pasensya na sa mga kawal at sa mga maids, baka sila ang pinagalitan ni Vernick. Alam niya rin siguro kung saan ako hahanapin. Ayaw kong mapahamak ang mga tao rito pero gustong-gusto ko talaga tumira rito eh.
"Who are you?" Malamig na tanong ng lalaking kakarating lang, hindi ko napansin na pumasok siya. May nagawa ba akong mali? Ang sama ng tingin niya sakin.

BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
פנטזיהThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...