ACE's POV
Basang basa sa pawis akong nagising, nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman ko na panaginip lang pala lahat ng iyon. Tiningnan ko ang relo ko na nasa ibabaw ng mesa para malaman ang oras. Exactly 9 A.M. na, nawalan narin ako ng gana pumasok.
LUKE's POV
"Yosh! Tapos narin sa wakas!" Sabi ko ng mailagay ko na sa loob ng basket ang huling damit na nasa loob ng dryer. Tapos narin ako maglaba sa wakas. Pagpasok ko ay nakaupo si Ace sa mesa at kumakain na ng niluto na breakfast ni Luna kanina.
"Yo, good morning." Bati ko sa kanya, nilagay ko naman sa gilid ng pinto ang ang basket at umupo narin sa mesa. Hindi pa kasi ako nakakain ng agahan, sabayan ko nalang siya.
"Hindi ka pumasok?" Tanong niya bago isubo ang pagkain.
Magbibiro pa sana ako sa isasagot ko kaso naalala ko naman na kakagising lang niya. Baka magbeastmode. "Si Luna lang yung pumasok eh." sabi ko, bigla naman siyang napatingin sakin.
"Saan yung iba?" Tanong niya ulit.
"Nasa mall.." sagot ko naman at sinubo ang pagkain ko. Kumunot ang noo niya sa pagtataka, kung bakit ang apat na lalaking iyon pumunta sa mall.
"May gagawin kasi kaming tatlo nina Vergil at Raven. Sinama lang nila iyong dalawa na wala rin namang gagawin." Pagpapaliwanag ko. Ipinagpatuloy naman niya ang pagkain at parang nakahinga ng mabuti. Ano kaya pumasok sa isip niya kaniba at parang takot na takot siya ng malaman na di Luna lang ang pumasok.
Matapos naming kumain, siya nalang din ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Nandito ako ngayon sa laundry room kung saan din ako nanggaling kanina. Matapos kong plantsahin ang mga damit ko dinala ko na ito sa kwarto ko.
Habang nasa hallway ay syempre napadaan ako sa kwarto ni Luna, kahit isang beses hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ng idang babae. "Hindi naman siguro siya magagalit kung papasok ako no?" Sabi ko sa sarili habang dahan dahan na binubuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay parang.hinigop ako ng vacuum cleaner. Sigaw ng sigaw dahil parang nahuhulog ako sa isang napakalalim na bangin. "ACE!!!!" Sigaw ko at baka sakaling marinig niya at tapunan niya ako ng lubid para makabalik.
Pero imposible na yata iyon dahil nasalo ako ng napakalambot na kama, masmalambot pa sa marshmallow. Bumangon ako at inilibot ang mata ko sa buong kwarto wala itong bintana pero may malaking pinto na kakaiba ang disenyo, katabi ito ng mga nagtatagaasang shelfs na umaabot sa kisame na punong puno ng iba't ibang klase na libro.
"Heron sie alrov en prest?" Rinig ko na sabi ng boses sa labas ng kwarto. "Shit!" Mahinang asik ko ng marealize ko kung nasaan ako, baka ito ang kwarto ni Luna sa Celestica! Ibig sabihin nandito ako sa buwan?! Shit kailangan ko ng makabalik..
Luna, Luna, Luna, sumagot ka naman oh!! Pagbabasakali ko na sana marinig niya ang tawag ko sa kanya kahit hindi ko alam kung gumagana nga. Dahil sa sobrang kaba ay dinig na dinig ko ang pagbukas ng pinto.
"RYO ER!!"
3RD PERSON's POV
Bagamat hindi na kontrolado ni Luna ang sarili, maitim na enerhiya ang lumalabas sa kanya. Halos wala naring lakas na natitira si Prix dahil sa pagdedepensa sa mga atake ni Luna sa kanya.
Nag-uumpukan narin ang.mga estudyante sa labas ng mga kwarto nila, ang iba ay naglakas loob pang kumuha ng video kahit napakadelikado na dahil may mga malalaking ipo-ipo ang nakapalibot kay Luna at Prix.
Lumayo narin sa kanila si Elle dahil nabiyak na ang lupa na kinatatayuan ng dalawa. Hindi niya narin magawang tawagan sina Vergil dahil malapit siya kina Luna nasira ang kanya cellphone.
"LUNA!!! Please tama na!!" Sigaw niya, pero hindi siya nito narinig.
Galit lang ang nasapuso at isipan ni Luna pero nabawasan ito ng marinig sa isipan ang sigaw ni Luke. LUNA TULONG! SA TINGIN KO NASA CELESTICA AKO! "What's the problem princess getting tired?" Pangiirita ni Prix na may nakakalokong ngiti sa mukha.
Matapos biyang magsalita ay nagiba ang kulay ng mata ni Luna, naging dilaw ito at maya maya pa ay naging napaka pula na nito na parang dugo. Ginalaw ni Luna ang kanyang kamay na parang gumagawa siya ng hindi nakikitang bilog sa hangin at may lumabas nga dito na parang portal pero may mga nakasulat na simbolo dito na hindi mabasa.
Bigla namang may lumabas na malaking ibon dito, pero hindi ito pangkaraniwang ibon dahil napakalaki nito masmalaki pa sa akademya, nakatali sa katawan nito ang malalaking kadena na umiilaw.
"SEE YOU IN HELL." Iyon ang mga huling salita na narinig ni Prix galing kay Luna, bago siya gawing bubble gum ng ibon at lunukin.
Bumalik narin sa impyerno ang malaking ibon at dahan dahan na rin bumalik ang magandang panahon kasabay nito ang biglang pagkawala ni Luna.
LUKE's POV
Malakas na sinira ng lalaking kumaladkad sakin ang gawa sa metal pinto ng dungeon. Nakakadena ang dalawa kong kamay sa kisame at napakadilim pa ng kwarto.
Ano ba itong pinasok ko! Oo nga pala pumasok ako sa kwarto ni Luna! Hindi na lang sana! Biglang tumilapon ang pintuan at bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Luna. Galit ba siya dahil pinasok ko ang kwarto niya ng walang pahintulot? Hindi naman sana.
Gamit ang kapangyarihan niya ay sinira niya ang kadena na nakatali sa kamay ko, at mabilis pa sa kidlat ay nakabalik na kami sa bahay. "Luna sorry, hindi ko sinasadya please wag kanang magalit sakin. Gagawin ko lahat wag ka lang magalit!" Paghingi ko ng tawad pero parang wala lang akog sinabi dahil Bigla nalang siyang nawalasa harapan ko at hindi ko na alam kung saan siya pumunta.
"Bro kanina ka pa namin hinahanap! Nawawala si Luna! Kanina pa namin siya hinahanap, si Elle alang alala na may nangyari daw kanina sa school." Sabi ni Raven na hingal na hingal, tinakbo kasi niya paakyat ang hagdan. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay madilim na ibig aabihin gabi na, pero hindi naman ako nagtagal doon sa Celestica paano nangyari na gabi na at nawawala si Luna dahil ilang minuto lang ang nakaraan ay kasama ko siya.
"Mahabang istorya bro pero mga ilang minuto lang ang nakaraan ay kasama ko siya." Sabi ko naman. "Pero kailangan na nga talaga natin siyang mahanap kaagad dahil baka kung anong mangyari sa kanya o kung ano man ang magawa niya dahil the last time i saw her she doesn't look like our Luna anymore."
BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
FantasíaThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...
