ELLE's POV
Anong nangyayari?! End of the world naba?! Bigla nalang kasi nagbago ang panahon at parang may ipo-ipo na sa kalangitan. Si Luna naman nakatingala rin pero parang may nakikita siyang hindi ko nakikita, kaya naman tinitigan ko ng mabuti ang direksyon kung saan siya nakatingin.
Parang nabato nalang ako bigla sa kinatatayuan ko at kahit isang salita man lang ay hindi ko magawa. Yung mga paa ko naman na nginginig, "I am Prix bitch!!" Sigaw ng babae na parang octopus. Pero masmarami siyang tentacles, sinubukan ko namang bilangin pero ang dami talaga, alien ba siya?! Ang gara pa ng damit na sinusuot niya. Parang armor siya, kulay pink at violet na pinagsama. Kapareho ng kulay ng mata at buhok niya. Kulot at mahaba.
Ay! Baka na nanaginip lang ako! Imposible naman na may isang weird na octopus na babae na bumaba sa parang ipo-ipong ulap na sinasamahan ng kulog at kidlat na nakasuot ng pink at violet na armor. Kinurot ko naman ang sarili ko pero ikinagulat ko lang dahil gising na gising ang diwa ko.
"Luna!! Sabihin mo nga anong nangyayari?!" Sa wakas ay may lumabas rin na boses sa lalamunan ko at nakapagsalita rin ako. Kahit anong gawin kong paghila o pagtawag kay Luna sadyang hindi niya ako pinapansin at nakatuon lang ang masasama niyang tingin sa babae.
"Ohhh are you mad princess? Or should I call you bitch?!" Maarteng panghahamon ni Prix kay Luna. Ramdam na ramdam ko naman ang enerhiyang bigla nalang lumabas kay Luna dahil literal itong lumalabas sa kanya.
Napa atras nalang ako, what's happening?! Bakit may mga power churva na nanangyayari dito?! Bakit may kapangyarihan sila?! Tatakbo naba ako? Bumalik balik ang tingin ko sa daan palabas ng garden at kay Luna. Iiwan ko nalang siya dito, napaka traidor ko namang kaibigan kong gagawin ko iyon, at siya ang kaunaunahan kong best friend.
"YOUR GONNA REGRET THIS!"
ACE's POV
Dahil wala naman masyadong klase sa school dahil busy ang lahat sa paghahanda ng event para sa Valentine's day, Hindi nalang kami pumasok except kay Luna kasi gusto niya makasama si Elle. Katabi ko naman sa couch si Iger na kanina pa walang tigil sa paghithit ng sigarilyo. Kanina ko pa rin din humihinga ang usok na ginagawa niya, maya maya baka magkasakit na ako.
"Bro... kilala mo na to?" Sabi ni Vergil at umupo sa couch sa harap ko at pinakita ang picture na nasa phone niya. Tiningnan ko naman ng maayos ang picture na pinakita niya, seryoso ang mukha niya at naghihintay sa sagot ko. Nagtaka naman ako kung bakit may picture niya ako.
"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko, pero hindi niya sinagot dahil hinihintay niya ang sagot ko.
"Yes.. ako yan 5 years ago." Sagot ko. Tiningnan niya naman ulit ang phone at parang zi-noom out ang picture.
"What about this other kids.. kilala mo ba sila?" Sabi niya at pinakita ang limang lalaki na katabi ko sa picture. Wala naman akong matandaan na may ganon akong litrato kasama ang ibang bata, dahil ang pagkakaalala ko wala akong mga naging kaibigan.
"No, i dont know any of them." Sagot ko na sa tingin ko ay expected na niya na ganon ang isasagot ko. "Why? Who are they? Bakit kasama ako sa picture nila?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Those kids? Us." Sabi ni Iger na tuloy parin sa paghithit ng sigarilyo. Nagulat naman ako sa sinabi niya. But..how? "We have a friend that died 5 years ago. Ace Hartlock, who's face, attitude, and personality is the same as yours" sabi naman ni Sebastian na nasa likod ko pala. But how? Is this the answer I'm looking for? Kung Bakit wala akong naalala tungkol sa nakaraan ko? But that Ace already died.. "So you guys are saying that Ace is me?" Diretsong tanong ko na kasi nalilituhan na ako sa mga sinasabi nila.
"Yes." Sagot naman ni Luke na bigla nalang din dumating at umupo sa tabi ni Vergil na ngayon ay nakasandal na sa couch naka crosslegs habang ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa sandalan ng couch. "That's impossible. Kayo narin ang nagsabi na namatay na siya 5 years." Sabi ko naman.
"Few weeks ago, dumating sa buhay namin ang isang napakagandang dilag na nanggaling pala sa lugar na nagngangalan na Celestica. Ang lugar na iyon ay nasa buwan, isa siyang prinsesa run na hinahangad na magkaroon ng kalayaan kaya tumakas siya at pumunta dito sa mundo nating mga tao. Doon kami nagkakilala, blah, blah, blah, maraming nangyari na nagkasama na kami sa isang bahay at may nagpakilala saming boses, actually hindi siya nagpakilala.. (cut that shit Raven go straight to the f****** point--- Iger) okay.. kalma lang wag ka beastmode diyan. sinabi ng boses na iyon na buhay daw si Ace dahil sinagip niya."
Matapos ikuwento ni Raven ang mga nangyari, maraming tanong na ang lumitaw sa isipan ko. Nahihirapan akong maniwala, sino ba naman ang maniniwala agad? Bago ako sa mga bagay na ganito. Si Luna may kapangyarihan, hindi siya normal na tao.
"Teka lang akala ko ba mainit ngayong araw? Bakit parang may bagyo?" Sabi ni Luke. Napatingin naman kaagad kami sa labas. Napakadilim ng kalangitan, para ngang may bagyo ang lakas pa ng hangin.
Nagtaka naman ako ng may mga sasakyan na tumigil sa harap ng bahay at nagsibabaan ang mga armadong lalaki na may mga armas na dala. Ang iba samurai, ang iba naman baril.
"Shit, we have company." Asik ni Luke.
"Ohh great! Now what?!" Iritang sabi naman ni Raven.
"Ano ba ang nangyayari?!" Hindi mapakaling tanong ko, hindi pa ako tapos tungkol sa mga bago kong nalaman may susunod na naman.
"Here this is yours." Inabot naman sakin ni Iger ang dalawang baril na nakilala ko naman kaagad, Uzi. Hindi ko alam kung bakit pero mahilig ako sa mga baril kaya na kilala ko agad ang binigay ni Iger.
"This will be one bloody hell party bruvs, get ready." Sabi naman ni Vergil na ngayon ay may hawak na katana na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Ganun din ang iba, naninimago naman ako sa sarili ko. Hindi ako kinakabahan, parang normal lang sakin ang bagay na to. Ano na ba nangyayari?! Nakakalito na talaga!!
A/N si Iger po ang picture sa taas hehehehe. Thank you po sa support hehehe feel free to comment and vote lang po. Ty ty.
BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
FantastikThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...
