Luna's Pov
1 week later.
Uminit talaga ang ulo ko sa nangyari sa apartment ni Iger, paano ba kasi nasira ko ang pag-uwi nila dito sa Pinas. Nagkagalit pa sila. Sana nga talaga hindi nalang ako sumama sa kanila ng araw na yun.
Flash Back.
Pumasok ako sa woman's comfort room at gumawa ng portal pabalik sa unang lugar kong saan ako dumating. Sa may palayan. Pagdating ko nag-summon ako ng flying sword at sumakay. Maghahanap ako ng magandang spot para sa magiging bahay ko.
At nakakita nga ako, nasa tagong lugar ito. Maraming puno at malapit sa isang ilog. Habang papunta ako run sakay ng flying sword, napatingin ako sa buwan. Gabi na, nagsilabasan na ang mga bituin at maliwanag ang bilog na buwan.
Kung nasa mundo ka ng mga tao makikita mo ang Celestica, ang lugar kung saan ako nanggaling. Pero pag nasa buwan ka, mananatili lang itong buwan. Kailangan mong maging katulad namin para makapunta sa Celestica o hindi kaya ay kailangan mong makapasok sa portal.
Pagdating ko, pinababa ko ang lipad ng flying sword. Nakatayo ka kapag nakasakay ka sa flying sword. Parang nagsu-surfing ka sa himpapawid. I just snap my fingers at nawala na ito.
Magandang spot nga ito para paglagyan ng bahay. Kitang kita rin ang buwan dito. Gamit ang kapangyarihan ko, gumawa ako ng malaking bahay. May malaking glasswindow lahat ng floors katulad sa condo, na tinatabunan ng kulay gintong kurtina.
Nilagyan ko rin ng chandelier na gawa sa ice ang malaking hall sa entrance ng bahay. Nasa harap ay may dalawang spiral na hagdaan patungo sa iba't ibang floors ng bahay na may red carpet sa gitna.
Pinalakihan ko rin ang pag-gawa ko sa kitchen at sa dining hall. For twelve people ang haba ng mesa na gawa sa acacia tree, ang mga gamit naman ay halos gawa sa ginto pati ang mga kutsara at tinidor.
Malaki rin ang kwarto ko, nasa last floor ito ng bahay at gawa sa glass ang roof nito. Gusto ko kasing natatamaan ako ng buwan, sa umaga naman magiging katulad rin ito ng normal na roof na kulay pula. Mas-comforting ang liwanag ng buwan kisa sa araw.
Meron din akong mga alagang hayop sa bahay katulad ng lion, tiger, wolf, panda, bear, polar bear, aso, pusa basta marami sila. Pati farm animals, at baby silang lahat para cute at masarap itabi kapagmatutulog.
Gumawa rin ako ng sarili kong garden sa harap ng bahay maraming bulaklak akong tinanim, nagtanim din ako ng mga puno katulad ng apple at orange. May mga gulay din. Rural at Urban ang theme ng bahay ko para maganda at enchanted tingnan.
End of flash back.
3:30 palang ng umaga, nandito na ako sa labas ng bahay kasama ang mga alaga ko. Nagdidilig ng mga halaman, may pasok ako mamaya eh. Ang saya diba?! Makakapag-aral na ako sa totoong school, hindi na ako home schooled!

BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
FantasyThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...