Chapter 17: PRIX.

15 3 0
                                    

LUNA's POV


Pov ko ulit kasi ako ang bida! Yeepeee! Good mood ako kasi magpi-picnic kami..... ngayon hindi na dahil sasakay kami ng sasakyan. "Tara na Luna! Gosh I'm so excited na first time ko magpicnic" sayang saya na sabi ni Elle habang pinipilit akong hilahin papasok ng sasakyan.











"Vergil! Ayaw ko nga eh alam niyo naman may motion sickness ako!" Tawag ko kay Vergil na nasa driver's seat. Natigilan naman si Elle ng marinig ang sinabi ni Vergil.













"Ay, may motion sickness ka pala. Bakit di mo agad sinabi sana hindi na ako napagod kakahila sayo." Reklamo naman niya. Eh ako nga tong masakit na ang kamay dahil sa kagagawan niya. Ano ba yan.









"Lika dito may sasabihin ako" tawag ni Vergil sa kin. Lumapit naman ako sa kanya. Nandito palang ako sa labas ng sasakyan parang nasusuka na ako pano pa kaya pag nakasakay na ako?











*mwuah* bigla nalang niya ako hinalikan sa pisngi, laking mata ko nalang siyang tiningnan habang ang iba naman hindi rin makapaniwala sa ginawa niya.
"Ayiiieeeeeeee kinikilingan ako." Gatong ni Elle.












"Hoy ano yan Vergil wag kang hokage! Alam mo naman na sa kin lang yan si Luna bakit kaba nang aagaw?!" Nagpupumiglas na sabi ni Luke na nakaupo sa front seat.











"Hindi ako Makakapayag! Kailangan nating magtuos Vergil!" Galit na sigaw ni Raven sa likod na katabi si Elle. Nasa isang sasakyan naman si Iger, Ace at Sebastian. Alam niyo naman ang dalawang iyon at hindi na kakasya dito samin si Ace.











"Ngayon hindi na ang motion sickness mo ang pagtutuonan mo ng pansin.. sakay kana." Sabi ni Vergil. Wala na akong nagawa kasi totoo ang ang sinabi niya. Ang pagkahilo ko napalitan ng mabilis na tibok ng puso.














Ti-nap naman ni Elle ang space sa tabi niya para sa kin. "Haba ng hair ha? Sunsilk? Dove? Ano shampoo mo baka kung gumamit ako marami ding mainlove sa kin." Bulong ni Elle na parang hindi naman dahil sa tingin ko ay dinig na dinig ito ng tatlo.











"Kahit ano pang shampoo ang gamitin mo... Walang mai-inlove sayo." Pang-aaway ni Raven sa kanya. Hinintay pa nitong sumimangot si Elle bago nagsalita ulit. "Joke lang!" Tawang tawa na sabi niya, pero hindi nito nakuha ang simangot na nakaguhit sa mukha ni Elle.















8 na ng matapos kami mag Picnic. Si Elle sinundo ng driver niya mayaman din kasi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Vergil, ganun din yung sa dalawa. Sa sobrang lakas ng iniisip nila kahit hindi na ako gumamit ng telepathy rinig na rinig ko talaga. Nagsisigawan silang tatlo sa harapan ko eh. Baka mamaya maaksidente kami nito dahil si Luke naman ang nagmamaneho.













"Hindi talaga ako makapaniwala na ginawa mo yun Vergil! Bakit ka nagni-ninja moves Eh hindi ka naman ninja?!" Hiyaw ni Luke.














"Hindi mo naman pagmamay-ari si Luna! Akin lang siya! Kaya kayong dalawa wala na kayong pag asa! Ang guwapo kong to ang nababagay sa kagandahan ni Luna!" Sabi ni Raven at tinuruturo ang dalawa at nagpa-cute pa.










"Ang hangin... Luke patayin mo na ang aircon." Utos ni Vergil. Sinunod naman ng isa.










"Wag ka ng managinip pa Raven, halatang masguwapo ako sa inyo.. sus.." pagpapacute rin ng isa na muntik na nga namin ikinamatay. Kung hindi ako nagsalita hindi niya siguro makikita ang na nasa kabilang linya na kami ng kalsada. Dahil may isang truck na muntik na namin salpukin dagdagan pa na mabilis ang pagpapatakbo ni Luke.





F.A.S.T.F.O.R.W.A.R.D




Napansin kong ilang araw ng hindi pumapasok si Trixie. Ano kayang nangyari sa kanya? Kahit hindi kami close ni Leha ay lumapit ako sa kanya para magtanong. Magkaibigan sila eh malamang alam niya kung bakit wala si Trixie.









"Leha, bakit ilang araw ng wala si Trixie?" Tanong ko. Nag-aalala na kasi ako para sa isa baka may sakit. Tinaasan naman ako ng kilay ni Leha at tiningnan mula ulo hanggang paa.










"Uhmm excuse me? Who are you? And it's none of your business." Mataray na sagot niya sakin. Nag 'okay' nalang din ako at umalis. Ano pa ba nagagawa ko eh ayaw niyang sabihin. Ayaw ko din naman gamitin ang kapangyarihan ko, tinatamad ako eh.











"Elle pansin mo ba? Ilang araw ng wala si Trixie.." sabi ko naman kay Elle na katabi ko. Nandito kami ngayon sa garden ng school, tambay lang walang masyadong klase eh.












"Syempre pansin na pansin. Ang peaceful ng buong week ko eh kasi wala siya!" Sabi niya at humiga sa damuhan with open arms. Ang free niyang tingnan. Humiga na rin ako.















Naalala ko rin na ang inaasam asam kong kalayaan noon, natatamasa ko na ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. "Ang ganda ng langit no? Yung buwan.. hayz sarap sa feeling." Sabi ni Elle at tinuro ang bilog na buwan na nasa bughaw na kalangitan. Ang ganda ng panahon, ang sarap din ng hangin. Kamusta na kaya ang Celestica? Mabuti kaya kalagayan nila dun?

















Napaka selfish ko rin pala kasi iniwan ko ang mga tao ko kapalit ng kalayaan ko dito sa mundo. Siguro galit din sila sakin kasi hindi ako ang namumuno sa kanila kundi ang masamang reyna na si Miraphiel.





















Nasabi ko narin siguro sa inyo na hindi ko siya ina. Well, kung hindi pa.. ngayon alam niyo na. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang mga magulang ko kasi sa pagkakaalam ko pinatay sila or namatay sila.



















"Ohh anong nangyari kanina lang ang ganda ng panahon tapos ngayon parang uulan na?!" Reklamo ni Elle ng dumilim ang kalangitan at natabunan ang araw ng ulap.
























Hindi to pangkaraniwang ulap.. parang may ipo-ipo naman sa kalangitan dahil umiikot ang ulap at sinasamahan ng kidlat. Dahil kaya kong makakita sa malayo ay may nakita akong babae na nasa gitna. Siya ang may kagagawan sa biglang pagbago ng panahon.
















Dahan dahan siyang lumilipad pababa, at nakikita kong nakangiti siya. Kulay pink ang mga mata niya at nakasuot siya ng armor. "Hahahaha! Sa wakas ay mapapatay na kita ngayon Luna!" Parang kulog rinig na rinig ko ang boses niya.














Kahit medyo alam ko na kung sino siya ay tinanong ko parin kung sino siya. "Sino ka?!"






"I'm PRIX b*tch."





A/N si TRIXIE LIAN FOX po ang nasa picture :).

THE GODDESS LUNA CELESTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon