Vergil's POV
Katulad niya, ang ganda rin ng bahay. Mamahalin ang mga gamit ang mga designs kakaiba, ngayon ko lang nakita. Ang taas din ng ceiling na may nakasabit na malaking chandelier. Ang mga paintings sa wall vintage.
"Vergil! Yung uso kung makatingin kay Sebastian" takot na sabi ni Luke at umusod palapit sakin. Ang dalawa si Iger at Raven naman ayun naglaro ng xbox, si Sebastian nanunuod lang.
"Hay ewan ko sayo Luke... masama ang pakiramdam ko" walang ganang sabi ko. Kumunot naman ang noo niya "pareho lang naman tayo eh, kahit ganun na yung sinabi ko sa kanya pinilit parin niyang maging masigla. Think positive nalang bro, kung magpapaapekto ka lalo lang sasama pakiramdam mo lalo na yung sa kanya, babae siya eh at mabait pa sigurado akong malulungkot yun pag nalaman niyang nagkakaganito tayo dahil sa kanya. Pero hindi naman talaga dahil sa kanya, kundi dahil akala ni 'boss' pare-pareho lahat ng babae."
Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya, hindi ko alam na may ganitong side pala si Luke. "Uy g*go! Kung makatingin ka naman! Kinikilabutan ako sayo nababakla ka na ba?!. Alam kung gwapo ako hindi mo na kailangan ipamukha sakin!"
Binabawi ko na ang sinabi ko, langya! Binatukan pa ako. Nanuod nalang ako sa nilalaro nina Iger. Gamer Girl pala siya. Cool.
Poink poink poink!
New message
The party is canceled.
Natanggap naman namin ang message, ano kaya nangyari? Sigurado akong ganun din ang iniisip ng apat. Hay naku, baka nagbago lang ang isip ni kambal.
**********
Nakahanda na lahat ng pagkain sa mesa ng tinawag niya kami, itsura palang nakakabusog na. Kasabay namin kumain ang mga alaga niya, ang rami pala nila. Baka isipin niyo na nasa mesa rin sila, nasa lapag sila kumakain.
Iger Siya ako
Sebastian
Raven LukeYan ang arrangement namin sa mesa. Hamabang kumakain hindi ko maiwasan titigan si Luna, ang amo ng mukha niya, innosente. ang kinis at puti rin niya. Para siyang anghel.
Ang tahimik, nasa pagkain lang kami nakatuon. Ang sarap naman kasi, talo pa niyang magluto ang mga sikat na chefs na kilala ko. Adobo, KBL, Kalderita..
Hindi ko na kilala yung iba kasi hindi naman ako sanay sa mga ganitong pagkain. Iba kasi ang hinahain sa bahay.
"Ang sarap mo magluto Luna!! ikaw lang ba nagluto ng lahat nito?" sabi ni Luke na may pagkain pa bunganga, hindi ko alam kung tatawa ba ako maiinis sa kanya.
Ang awkward din kasi ang formal kumain ni Luna, talo pa kami. Para siyang prinsesa. "Uy Vergil kanina kapa ha! Baka matunaw ka!" Inirapan niya ako.

BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
FantasyThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...