LUNA's POV
I know Ace wants to live with us kasi nababasa ko yun sa isipan niya kaya ko siya kinausap. Ang saya nga eh, nadagdagan na naman ulit ang mga kaibigan ko tapos may isang babae na si Elle. Gusto ko rin maging kaibigan si Trixie at baka magbago ang ugali niya pero imposible yata iyon dahil sa ginawa niyang pagpapakahiya sa kin.
(Knock... Knock)
"Tuloy" sabi ko sa taong kumatok. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ko nakahiga na para matulog, kagagaling ko lang din kasi sa bahay ko para pakainin ang mga alaga ko at makipaglaro sa kanila, ang sabi nga nila miss na miss na raw nila ako.
Next time isasama ko na sila dito, hihingi lang ako ng permiso kay BOSS SEBASTIAN baka magalit eh. Sinisigaw sigawan lang nga ako. Pero okay lang ang saya nga eh, sa kastilyo hindi nga ako kinakausap ng mga tao dun.
"Hi Love, mabuti naman at nandito kana. Pumunta kasi ako dito kanina pero wala ka." Sabi ni Vergil na pumasok na ng kwarto at naglakad papunta sa kin.
"Good evening, hehehe pumunta ako kina chestnut nami-miss ko na kasi sila. Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa paanan ng kama, umayos naman ako at umupo. Ang awkward naman kasi kung nakahiga ako parang may sakit lang.
"Wala.. ang totoo kasi gusto lang kita makasama" nakangiting sabi niya. Sa totoo lang din ay pinipigilan ko ang sarili kong maramdaman ang dapat kong maramdaman. Yung mga feelings katulad ng kilig at sobrang kasiyahan.
Kasi feeling ko sa huli ay masasaktan din ako, na parang may mangyayari na hindi ko kakayanin. Tumayo naman siya at lumapit sa drawer ko at kinuha ang suklay. "Ano gagawin mo?" Tanong ko naman.
"Matulog kana, susuklayin ko ang buhok mo" sabi niya at pinahiga ako, dahan dahan niyang inayos ang buhok ko para suklayin. Parang may kuryente naman nadahan-dahang dumadaloy sa katawan ko na parang hindi ako makagalaw at makahinga. "Good night Luna." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakatulog pero alam kong hindi pa rin siya tumigil sa pagsuklay ng buhok ko.
VERNICK's POV
Tingnan mo nga naman dahan-dahan siyang nahuhulog sa mga tao. Hindî ko rin maintindihan ang reyna kung bakit ayaw niyang kunin ang prinsesa sa mundo ng mga tao. "Ano ba yang iniisip mo Vernick? Pinagdududahan mo ba ang mga plano ko?" Naiiritang tanong ng reyna. Hindî ko namalayang nakatingin pala siya sa kin.
"Pasensya na po kayo mahal na reyna, hindi ko lang po talaga kasi maiwasang isipin ang tungkol kay Luna."
"Dahil mukhang gustong-gusto mo talaga makialam sa mga plano ko, pupunta ka sa mundo ng mga tao dahil may ipapagawa ako sayo."
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya, lumamig ang hangin at nakakatakot ang ngiti na nakaguhit sa mukha niya.
SEBASTIAN's POV
I am even more surprised than the people around me about what I did back there, about defending Luna. I didn't even thinked twice about doing it, i just did. Nalilituhan na talaga ako sa mga nangyayari, i need explanations.
Kung bakit bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at gusto ko na siyang protektahan, minsan pinipilit ko nalang maging masungit sa harap niya para maitago ang nararamdaman ko. Ano ba to? pinaglalaruan na naman ulit ako ng tadhana?
Isa pa sa mga napansin ko, magkapareho ng pangalan si Ace at ang kasama namin ngayon. The only difference is the last name at ang hitsura. Sa galaw at ugali parehong pareho sila. Buhay nga ba si Ace? But we buried him, sa harap namin siya namatay.
"Ang lalim yata ng iniisip mo bro?" Tanong ni Vergil na may hawak na kape. Nandito ako ngayon sa kusina nakaupo sa harap ng counter. Hindî ko napansin na pumasok siya kanina. "Nothing." Tipid na sagot ko, umupo naman siya sa harap ko.
Tinitingnan ko lang siya habang iniinom niya ang kape, tahimik na ang paligid, malamig at madilim sa labas. Tulog na rin siguro ang iba. "Bakit gising kapa?" Tanong ulit ni Vergil.
"About Ace.. na halata mo ba?" Tanong ko na.
"Yeah of course. Kilalang kilala ko si Ace at magkapareho-magkapareho sila. Baka siya ang sinasabi ng boses" sabi niya. Baka siya nga. Ang gaan nga ng pakiramdam ko sa kanya, kung hindi siguro ay pagpasok palang niya sa kwarto ay hindi ko na napansin.
"We can't trust her." Biglang may nagsalita sa likuran ko. Lumingon naman ako kaagad dahil nagulat ako, napakalaking pa ng boses niya. Kahit si Vergil di siya nakita.
Si Luna nakapikit, buong katawan niya may liwanag na lumalabas. "Who?" Tanong ko. Sinong babae ang tinutukoy niya?
"The voice that spoke to us, we can't trust her." Sabi niya. Tahimik namang nakikinig si Vergil.
"Why?" Tanong ko ulit.
"We just can't... never trust, never believe, never..." yun lang ang mga sinabi niya bago matumba pero bago pa ay sinalo ko na siya at nawala na rin ang liwanag sa katawan niya.
Nalilimutan naman akong tumingin kay Vergil, hindi niya rin naiintindihan ang mga sinabi ni Luna. Why? She gave us information. Lahat naman tama.. tama nga ba?
Maybe we shouldn't.. "let's just follow what he says bro." Sabi naman ni Vergil at kinuha si Luna na walang malay na hinahawakan ko.
Sinundan ko nalang siya ng tingin habang dinadala pabalik sa kwarto si Luna. Tss.
SOMEONE VERY IMPORTANT's POV
Galit na galit na pumasok ang evil twin sister ko sa hall at malakas na sinira ang pinto gamit ang kapangyarihan niya.
"What seems to be the problem sister?" Pangiinis na tanong ko sa kanya na gumana naman dahil tinapunan niya ako ng napakasamang tingin.
"Shut up!!" Sigaw niya sakin at umupo sa trono niya.
Umupo rin naman ako sa loob ng kulungan na ginawa niya para sakin na pinipigilan akong makagamit ng kapangyarihan. Ang sweet niya di ba? Ginawan niya talaga ako. Siguro may nalaman na naman siya na hindi niya na gustohan.
Good for her. Balang araw ay mananalo rin ang liwanag, at pagsisisihan niya ang ginawa niyang ito. Marami na ang nagdusa at konting oras nalang ang natitira.
BINABASA MO ANG
THE GODDESS LUNA CELESTE
FantasyThey imprisoned me in a world full of lies, I always wanted to be normal and i know its possible, that's why i ran away. A world where i can live in a way i want to, where i have my freedom, my own will. And then i met them. Please support my story...