Ikalawang Kabanata

3.7K 67 6
                                    

"Magdalene!"

Napatingin ako sa umakbay sakin. Halos tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko kung sino sya. Hindi ko akalaing dito kami magkikita.

Alam kong magkikita din kami balang araw, alam kong makikita at makikita din nya ako pero hindi ko akalaing ganito kadali. Hindi ko akalaing ganun kabilis.

"F-Francine..." pigil hiningang usal ko.

Kapatid sya ni Francis. Sya ang ate ni Francis. Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Nahanap na ba nila ako? Andami kong tanong pero hindi ko yun mahanapan ng sagot. Andami kong tanong pero hindi ko yun magawang isatinig.

"Napaka ganda mo talaga. Kamusta ka na Steppie?" steppie ang tawag nya sakin kasi nga step sisters kami. Ngumiti ako ng pilit sakanya. Gusto kong sabihin lahat sakanya. Pero hindi ko kaya. Kapatid nya si Francis.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ba nya ako. "Mabuti naman. Ikaw?" sa wakas nagawa kong sumagot sakanya. Pinilit kong pasayahin ang boses ko.

"Ito, ayos naman. Kasama ko ang boyfriend ko. Engineer kasi sya dito sa isang site malapit sa bar na yan," turo nya sa bar na pinapasukan ko. Tumango tango naman ako sakanya.

"Uhh, may iba ka pa bang kasama?"

"Wala na. Si mama, kilala mo naman napaka busy. Oo nga pala, where are you going? Ikaw ha. You owe me a story. Hindi ka nagsabing aalis ka. Nakakatampo ka. Kay Francis ka lang nagpaalam," agad na nangunot yung noo ko.

Tumango tango na lang ako. "Saan ka nga ba pupunta? We can drive you," agad na sumulpot sa tabi nya ang lalaking sa tingin ko ay nobyo nya. "Love," tawag pansin nito sakanya.

"Magdalene this is Bryan, Bryan this is Magdalene."

"Nice to meet you Magdalene," agad na nakipagkamay sakin si Bryan. Pinilit pa nya akong sumama sakanila mag bar hopping pero tumanggi ako. Gabi gabi na akong nasa bar, di ba?

Maging ang paghatid sakin ay ipinilit nya pero tumanggi ako. Ayokong malaman nya kung saan ako nakatira. Ni ayoko ngang malaman nya kung asan ako eh.

Nagpapanic akong umuwi ng bahay. Pinilit kong matulog pero nanatiling gising ang diwa ko. Nakapikit ang mga mata ko pero ang diwa ko ay bukas na bukas. Nanatili akong nasa sala at hinihintay ang pagdating ni Bea.

Gusto ko mang sabihin sakanya ang tungkol sa kapatid ni Francis at lahat ng may kinalaman sakanya ay hindi ko basta basta pwedeng gawin yun. Bukod sa sariwa pa ang sugat, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang ikwento.

Di rin nagtagal ay dumating na sya. "Oh, bakit gising ka pa?," tanong nya matapos umupo sa tabi ko. Sinandal nya ang batok sa sandalan ng sofa. Mukha syang problemado.

"Problemado ka ata friend," puna ko sakanya. Bumuntong hininga naman sya saka humarap sakin ng ganun pa rin ang posisyon.

Hindi ko mawari ang expression ng mukha nya. "Friend...."

"Hmm?"

"Nag away kami ni Gio, " napatakip na lang sya sa mukha nya. Wari'y naiiyak at di nalaman ang gagawin. Hindi naman ito ang unang beses na nag away sila. Hindi ko rin naman magawang pagaanin ang loob nya dahil hindi pa naman ako nagdaan sa isang relasyon.

"Anong pinag awayan nyo?"

"Ito," pinakita nya sakin ang isang pirasong invitation. Kinuha ko naman to at pinagmasdang mabuti. Hindi pala invitation, kundi trabaho.

"Ano to?," tanong ko. Hindi ko ganong maintindihan kung anong klaseng trabaho yun. Strip dance? Sa bachelor's party?

"Yan ang dahilan kung bakit nagalit si Gio. Binigay sakin ni Amie yung trabaho. Ewan ko ba jan kay Amie!"

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon