Ikalimang Kabanata

2.7K 61 0
                                    

Nasapo ko ang sarili kong noo. Nakahiga ako sa isang malambot at napaka bangong kama, nasa loob ng isang malaking kwarto na sa una ay sa tv ko lang nakikita.

Binagsak ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong gilid saka salitang ikinampay pataas at pababa sa malambot na kama.

Inabot ko ang napaka lambot na unan at nagsimula akong ipitin iyon sa pagitan ng mga braso ko. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang ganitong klase ng karangyaan.

Bagaman hindi akin ay masaya akong may pagkakataon akong maranasan ito. Malayong malayo ito sa mundong ginagalawan ko. Natinag ako sa biglaan kong naisip... Bea.

Nabasa na kaya niya ang iniwan kong sulat?

Muli kong niyapos ang napaka lambot na unan at akmang pipikit na ng makarinig ako ng tinig.

"Enjoying the bed?," napabangon ako sa kama ng wala sa oras at hinarap si Ken na nasa pintuan at nakasandal sa kaliwang bahagi nito.

Tumutulo ang tubig mula sa buhok niya pababa sa dibdib niya pababa sa... "And now you're enjoying the scene?," nakangisi niyang usal.

Napalunok ako dahil sa panibago kong nakita sakanya. Sa dalawang beses kaming nagkita ay puro seryosong bahagi ng pagkatao niya ang nakita ko.

Nabibilib ako sa paraan ng mga labi niya lalo na sa pag ngisi nito ngayon. Napapabilib ako habang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng ngisi niya na ang totoo naman ay nang aasar siya.

Ganoon ba talaga ang lalaking ito? Hindi ko alam na sa simpleng galaw niya ay napaka laki na nang epekto sa akin. Ang mga mata niya ay para na namang pinapasok ang buo kong pagkatao.

"Lene..." napakurap ako ng tawagin niya ako sa palayaw ko.

Lumunok ako ng ilang ulit bago ko nagawang sumagot. "B-bakit?"

"Come with me," usal niya at umalis na lang bigla. Ibinagsak niya ang pinto na para bang napaka laki ng kasalanan kong hindi ako agad nakatugon sa sinabi niya.

Tinahak ko ang daan palabas ng kwarto at sinundan si Ken. Binagtas namin ang pasilyong may iba't ibang klase ng figurine, mga ulo ng hayop, anghel na may sungay. Ang pasilyong tanging mga pulang ilaw lang ang nagbibigay liwanag.

Ilang pintuan pa ang nadaanan namin bago siya tumigil sa tapat ng isang kwarto at inilabas ang susi marahil ng pintong iyon. Maingat niyang binuksan ang pinto na para bang may taong natutulog sa loob non.

"Faster..." usal na naman niya. Nagmadali akong sumunod maski na napaka dilim sa loob ng kwartong iyon. Hindi nagtagal ay nawala si Ken sa paningin ko kasabay ng pagkasanay naman ng mata ko sa dilim.

Sa tuwing madilim ay naaalala ko si Rodolfo. Mahilig siya sa madidilim na lugar na kakarampot lang ang liwanag. Narerelax daw ang isip niya kapag madilim ang lugar na may bahagya lang ang ilaw.

Hindi ko maipagkakailang malaking parte na ng pagkatao ko si Rodolfo. Nagsilbi siyang kaibigan sa akin. Sa tuwing naiisip kong baka bumalik na siya sa bar ng wala ako ay maaari siyang madismaya. 'Yun ang nais kong iwasan.

"K-ken?" Tawag ko kay Ken ng maramdaman kong matagal na akong nalunod kakaisip ngunit madilim pa rin ang paligid. Ayoko ng madilim. Pinapaalala rin nito ang masalimuot kong nakaraan na pilit kong ibanabaon sa lupa.

Sa tuwing napaka dilim mabuti ng paligid ay para bang nasa paligid ko lang si Francis, na para bang anumang oras ay may kahayupan na naman siyang gagawin sa akin.

Nagsisimula ng mag init ang gilid ng mga mata ko. "K-ken, asan ka?" Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko at nilabanan ang takot na bumabalot sa isip ko.

Nag umpisang tumulo ang luha ko at napalunok na lang ako. Ayokong sundan ang mga patak na iyon ng isa pa. Napapagod na akong umiyak. Ngunit paulit ulit akong tina-traydor ng mga mata ko ng unti unting umagos ang luha ko.

"K-ken... Natatakot ako..." tanging naiusal ko. Napatakip ako ng palad sa mukha at pilit na pinapakalma ang sarili.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi.

"Sshh... I'm right here." Tinanggal ko ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha. Naramdaman ko ang isang ihip ng hangin sa kaliwang parte ng katawan ko at matapos ng ilang sandali ay ang pagbukas ng ilaw.

"You should know how to fight your fears Magdalene," napalingon ako kay Ken na ngayon ay naglalakad na papunta sa sofa na malapit sa bintana.

Nilingon ko ang buong lugar. Napapaligiran ito ng naglalakihang bookshelves na may napaka raming libro. At sa pinaka gitna, diretso sa kinatatayuan ko ay ang lamesa na tila gawa pa sa pinaka mahal na kahoy.

May upuan din doon na tila ba upuan ng hari na tiyak na babagay kay Ken.

"Come here."

Lumapit ako sakanya at naupo sa tabi niya. Naglaan ako ng maliit na espasyo sa pagitan namin upang tanggalin ang nakakailang na pakiramdam.

Gayong alam kong ang balat niya ay para bang magsisilbing kuryente sa akin. Ako ang klase ng tao na marunong lumayo.

"Breakfast 7:30. I don't eat lunch here. And dinner, 8PM." Tinignan ko siya ng taimtim. May hawak hawak na siyang baso ng alak ngayon at ipinapaikot ikot don ang yelo.

"Why?," tanong niya ng hindi ako tinitignan. Nakakunot ang noo kong pinapasadahan siya ng tingin. Naguguluhan. Walang masabi.

"You're staying here. That's the benefit." At pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya, umalis at iniwan akong naguguluhan at maraming tanong.

Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng may mapansin akong anino na nasa sala ng ikalawang palapag. Bagaman natatakot ay alam kong si Ken 'yon.

Sa laki ba naman ng bulto ng katawan niya ay di na ako magtataka. Sinikap kong huwag makalikha ng ingay sa paglalakad. Nang makalapit ako ay nakita ko siyang nakaupo sa isang single sofa at umiinom ng alak.

Nakatalikod siya sa gawi ko at nag dadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya. Matagal ko pang tinitigan ang batok niya bago ko napag pasyahang batiin siya.

"Hi Ken," bati ko. Hindi siya lumingon sa akin. Narinig ko ang tunog ng isang binuksang envelope kasabay ng pagtikhim niya.

"What do you need?," tanong niya. Nagpunta ako sa tabi niya, naupo sa isa ring single sofa. Napatingin ako sa center table na kinapapatungan ng isang brown envelope.

"What do you need Magdalene?," pag uulit niya ng tanong. Awtomatiko akong napalingon sakanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang inip na inip na siya. Naamoy ko na ang alak na nainom niya at pakiramdam ko ay pinapasok din non ang sistema ko.

"Wala. Nakita ko lang ang anino mo," simple kong sagot na totoo naman. Sumandal siya sa upuan at tinignan na naman ako.

"Next time, don't do that again. You might see something you're not able to see." Napalunok ako. Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng suot kong short at nakita kong napatingin siya don.

"Iniwan mo kasi ako kanina," pagdedepensa ko. Bumalik sa mga mata ko ang paningin niya, blangko. Hindi ko siya mabasa.

"All fvcking people will leave you Magdalene, all of them." Usal niya at tumayo na naman. Nagsimula siyang maglakad palayo ng hawakan ko ang braso niya.

Nilingon niya ako kasabay ng pagtama ng mata niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. "Why?," tanging tanong niya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"What?"

"Bakit mo ko pinatira dito?"

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hinintay ko ang sagot niya pero wala akong nakuha.

"Sana hindi mo na lang ako kinuha," tanging usal ko. Napatungo ako agad dahil sa sinabi ko. Hindi ibig sabihing marangya ang bahay niya ay mapapasaya na ako nito.

Mas gugustuhin ko pa rin namang nasa bar ako kasama si Bea.

"Someday, you'll thank me for letting you stay here," tanging usal niya at iniwan na naman ako.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon