Ika-labing Tatlong Kabanata

2K 42 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakahilata si Lene sa kanyang kama. Pilit binabalikan ang alaala kanina. Napapangiti, napapakagat labi at pinamumulahan siya ng pisngi.

Batid niyang kung hindi dumating ang delivery boy ay malamang sa malamang na may nangyari sa kanila.

"Kung nalaman lang nila Amie at Bea 'to, panay na naman ang panunukso nila sa akin," usal niya sa sarili.

Naalala niya ang sinabi niya kay Bea at Amie na disenteng lalaki si Ken. Bigla siyang natawa ng maalala ang naging sagot ni Bea.

"Porke disente ay hindi na nalilibugan? Ganon ba bakla?"

Napabalikwas na lang siya sa kama ng makarinig ng tunog ng sasakyan. Malalim na ang gabi at nagtataka siya kung kay Ken nga ba ang sasakyan na 'yun.

Bumangon siya at hinawi ng bahagya ang kurtina. Sinilip niya ang nasa labas.

Kulay yellow na kotse. Batid niyang wala pa siyang nakitang ganong kotse ni Ken. Pula at dalawang itim ang kotse nito.

Binuhay siya ng pagnanais malaman kung kanino ang kotseng 'yun. Kinuha niya ang jacket niyang nasa sofa ng kwarto at sinuot ito.

Tatlong malalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto ng kwarto. Sinilip niya muna ang pasilyo bago tuluyang lumabas.

LENE'S POV

Shems. Wala akong makita. Nakakapanibago kasi maski ang mga pulang ilaw sa pasilyo dati na laging nakabukas ay nakapatay ngayon. Wala akong maaninag at nahihilo pa ako sa alak.

"What are you doing here?" Rinig kong ani ni Ken. Di kalayuan sa akin ang kasiguraduhan na kinatatayuan niya ngayon. Nagtago ako sa isa sa mga figurine.

Pansin ko lang na naging hobby ko na ang pagtatago sa mga figurine nitong nakaraan. Ibig sabihin ba, magnanakaw na ako nun?

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"What are you doing here?" Pag uulit ni Ken sa tanong. Ang tono ng boses niya ay galit ngunit pilit na pinapakalma ang sarili. Isang sarkastikong tawa ang narinig ko.

Tawa ng babae. Hindi iyon tawa ni Ken kasi nga babae. At sa tawa ng babaeng 'yun ay kinilabutan ako.

"Leave now, please." Kumpara kanina ay mas kalmado na ang tinig ni Ken ngayon. Bumubulong at tila ba nararamdaman niya ang presensya ko.

Wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa babae. Nakarinig ako ng mga takong na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.

"Mama. Please." Untag ni Ken.

Mama? Mama pala niya ang nandiyan.

Narinig kong tumigil ang mama niya sa paglakad. Pero wala pa rin akong naririnig na boses mula dito. Pero alam kong malapit lang sila sa akin.

Kahit kinakabahan ako ay di ko makuhang umalis.

THIRD PERSON'S POV

Nararamdaman ni Ken na nasa paligid lang si Magdalene. At isang malaking gulo ang mangyayari kung magtatagpo ang mama niya at ang babae. Batid niyang magiging katapusan ito ng lahat kung sakali.

Lalo pa ngayong nasanay na siyang nasa tabi niya si Lene at sa tingin niya'y lalong lumalalim ang pagtingin niya sa dalaga.

"Mama, can you please go home?" Untag niya sa kanyang ina.

Hindi niya sigurado kung makikilala ba ni Lene ang boses ng mama niya ngunit nagawa pa rin niyang magtanong.

Hindi pa rin sumagot ang mama niya. Nakahinga siya ng maluwag pero ang takot at pangamba ay di pa rin nawawala.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon