Ika-dalawampu't Dalawang Kabanata

1.8K 35 1
                                    

LENE'S POV

Kung akong bride's maid excited na excited para sa kasal, paano pa kaya si Bea?

Nasa labas kami ng simbahan at nagsisimula na ang seremonyas. Hawak ko ang dulo ng mahaba niyang gown. Napaka ganda niya. Tube ito na bagay sa kanya dahil maputi siya, habang ako naman ay pink na tube din at may bulaklak sa wrist.

"Congrats Bea." Naiiyak kong sabi.

"Ano ka ba! Wag kang iiyak. Masisira make up natin eh." At hinampas niya ng bahagya sa akin 'yung bulaklak na hawak niya.

Nagtawanan kami. "Ang ganda ganda mo." Usal ko. Ngumiti naman siya at nagpacute.

"Ma'am in five seconds bubukas na ang pinto." Sabi nung wedding planner. Tumango naman kami sa kanya at bumalik sa dating posisyon.

"Sana ikaw ang makasalo ng bulaklak mamaya, bes." Huling usal niya at binigyan ako ng matatamis na ngiti bago bumukas ang pinto.

Unang hakbang pa lang ay nakikita ko ng nanginginig ang balikat ni Bea. Natatawa ako ng palihim kasi siya rin ang sisira ng make up niya. Baliw talaga.

🎶 Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga,
Walang papantay sa'yo 🎶

Nasa instrumental part na ng kanta ng maglakad si Bea ng tuluyan. Lahat ng mata ay nasa kanya. Kung wala ako dito sa likod niya ay malamang na iyak ako ng iyak kasama si Amie.

Gusto kong umiyak pero ayokong maagaw non ang moment ni Bea.

Sa loob ko'y nagtatanong pa rin ako kung sino ang best man ni Gio. At habang palapit kami ng palapit, lalong lumalakas ang pagtatanong ko.

🎶 Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga,
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila 🎶

Malapit na kami sa dulo ng matanawan ko na si Josh sa kanang bahagi. At sa likod niya ay ang nakatagong best man. Nasa likod ng best man si Gio na umiiyak na.

Pilit ko mang silipin kung sino ang best man ay masyado itong mailap. Napako ang tingin ko kay Gio kasi ang gwapo niya ngayon. Puti ang suot niya, all white at may pulang rosas sa dibdib.

🎶 Walang papantay sa'yo
     Maging sino man sila ... 🎶

At sa dulo ng kanta ay naabot namin ang dulo. Umiiyak na si Gio at Bea. Nginitian ako ni Gio saka tumango. Napatingin ako sa gawi ng best man bago ako tuluyang pumunta sa pwesto ko sa kaliwang bahagi.

Nakangiti siya sa akin. Natigilan ako. Nanginginig ang mga kamay.

Ken...

Nasa likod niya ang mga grooms men, sina Josh, Anton at Amie. Nasa tabi ko naman ang matron of honor, Ate ni Josh na may asawa na at ang mama nito. Panay sila umiiyak.

Nasa kalagitnaan na ng seremonyas ng may tumikhim ng malakas sa kabilang bahagi. Ni hindi ko namalayan na nasa kalagitnaan na dahil sa kakaiyak. Ninanamnam ko ang bawat sandali ng kasal.

Masayang masaya ako para sa kaibigan ko.

Napalingon ako sa tumikhim. Nagkatinginan kami ni Josh at sinenyasan niya ako ng "Ok lang 'yan." Natawa naman ako sa kanya saka nagpunas ng luha.

Nilingon ko din ang katabi niyang si Amie na umiiyak din. Siguradong masayang masaya 'yan para kay Bea. Sa aming tatlo, si Bea ang unang ikinasal at baka siya na din ang huli.

Nginitian din ako ni Anton na nasa gilid ni Amie. Ngumiti din ako pabalik kahit nanlalabo pa ang mata ko sa luha.

Nagtagpo ang mata namin ni Ken. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan niya. Nakaitim siyang coat, at may puting rosas sa dibdib. Nakangiti siya sa akin.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon