Ika-labing Pitong Kabanata

1.8K 43 0
                                    

LENE'S POV

"Congratulations graduates!" At nagpalakpakan ang lahat. Nagyakapan kami ni Bea at ganun na rin ni Josh.

"Congrats Josh." Bati ko sa kanya.

"Hindi lang congrats ang tinatanggap ko Lene, kulang 'yan." Natatawang usal niya. Kinurot ko naman siya. Nilabas ko ang cellphone ko. "Guys, selfie!"

Nagtawanan kaming tatlo ng makita ang mga selfie namin. Pinost ko 'to agad sa facebook at tinag silang dalawa.

"Tao ka na talaga Lene, marunong ka na magpost at magtag." At nagtawanan kaming tatlo.

"Oh paano, let's go?" Yakag ni Josh. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin kami dun ni Bea at maya maya at pinicture-an niya kaming dalawa ni Josh.

"Bea!" Suway ko sa kanya. Dumila lang siya. Alam ko, ipopost niya 'yan, pasaway talaga.

"Hindi ba uuwi parents mo?" Tanong ko kay Josh. Umiling siya. "Kayo muna family ko tonight." Natatawang sabi niya.

Maya maya may flash na naman ng camera. Saktong pagtingin ko eh si Amie pala. "Congrats! Omg. Group hug!" At nagyakapan kaming apat.

"Tara na guys. Nagpahanda ako sa bahay."

Ilang sandali lang nakarating kami sa bahay nila Josh. Ang laki ng bahay nila at sa unang tingin, mukhang malungkot doon pero dahil masayahing tao si Josh, hindi 'yun nahahalata.

"Sa garden ako nagpahain." Nakangiting sabi niya. Maganda din ang garden ng bahay niya. May pool at may mga ilaw doon.  Sa gilid di kalayuan sa pool may dalawang maliit na puno ng mangga na kinabitan ng mga LED lights na talaga namang nakakabuhay ng paligid.

May isang bilog na lamesa doon at apat na upuan. Halatang ipinahanda talaga para sa aming apat.

"So ano ito, samahan ng mga walang magulang? Asan ba si Gio ha, Bea?" Tanong ni Amie kay Bea.

"Ano pa nga ba? Edi nasa States, nagtatrabaho." Cold na sagot ni Bea. Di niya alam na on the way na pauwi si Gio sa Pinas at naghahanda na ngayon sa apartment.

Lihim kaming nagkangitian ni Amie. Kaming dalawa lang kasi ang may alam non at talagang di dapat malaman ni Bea.

"Infairness sa'yo papa Josh, ang ganda ng set up." Papuri ni Amie sa lugar. Naupo kaming apat at maya maya ay nagsilabasan na ang mga maid dala ang mga pagkain. May spaghetti, lumpia at lasagna. May leche plan pa para sa dessert.

"Pinapataba mo ba si kami, Josh?" Natatawang tanong ko. Natawa naman si Josh at hinawakan ang kamay ko.

"Me ganon? Tinanong lang kung pinapataba, humawak na sa kamay?" Nang-iirap na tanong ni Amie.

"Bitter ka lang. Hoy Josh, bawal akong tumaba at baka di na magkasya ang wedding gown ko." Usal ni Bea.

"For real, magpapakasal na kayo ni Gio?" Tanong ni Josh. Bagaman di pa sila nagkita sa personal ay nagkita na sila via Skype kaya kilala ni Josh si Gio. Bago pa man makasagot si Bea ay naunahan na siya ni Amie.

"Oo, sa panaginip niya." At sabay sabay na lang kaming natawa liban kay Bea na dinadamdam pa din na wala si Gio sa okasyon.

Natapos kaming kumain at magkwentuhan. Nakapag-take din kami ng pictures at pinost sa facebook. Alas nuebe na rin ng gabi at napatagal talaga kami sa kwentuhan lalo sa kadaldalan ni Amie.

"Are you sure the three of you can go home?" Nag aalalang tanong ni Josh. Tumango naman kaming tatlo ng sabay sabay.

"Ay galeng. Sabay sabay pa tayong tumango. Aso sa sasakyan lang ang peg?" At natawa na naman kaming lahat.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon