Ika-dalawampung Kabanata

1.8K 38 1
                                    

LENE'S POV

After ko mag nature tripping, umuwi na rin ako sa apartment. Sinilent ko ang phone ko at hindi ko talaga chineck mula kanina hanggang ngayon na pauwi ako.

"For pete's sake Lene, what are you doing?!" Angil sa akin ni Bea. Galit 'yan, Lene ang tawag sa akin tapos nag eenglish pa. Naupo na lang ako at nanood ng tv.

"Ano bang nangyayari sa'yo huh?" Angil niya sa akin.

"Ano bang masama? Alas otso pa lang, di naman na ko bata."

"Kaya nga, hindi ka na bata kaya wag kang umastang bata." Usal niya saka naupo sa tabi ko at lumantak ng mansanas.

"Sorry." Usal ko. Napatigil siya sa pagkagat sa mansanas at tumingin sa akin.

"Sorry kasi naging isip bata nga ako nung nakaraan. Sor --"

"Buti alam mo."

"Bea --"

"Alam mo naman na andito lang kami, pero bakit parang kami pinagtatabuyan mo? Alam mo bang gusto kang hanapin ni Josh kanina? Sabi ko wag na."

"Sorry talaga."

"Sa akin bes ok lang, kay Amie hindi. Foul 'yung ginawa mo sa kanya kanina."

"Pupuntahan ko siya.

"Sama ako."

---

Nasa labas kami ng bar kung saan kami nagtatrabaho dati ni Bea. Ibang iba lang ngayon, kung noon andito kami para magbigay aliw, ngayon andito kami para samahan niya akong magsorry.

Ang childish ko kasi.

Nakakapit ako sa braso ni Bea at nagpauna siyang maglakad. "Baka jombagin ako ni Amie." Takot na usal ko.

"Ngayon mo pa naisip 'yan matapos mo siyang talakan kanina. Gaga ka talaga."

"Magpasama kaya tayo kay Gio? Para may susuntok kay Amie pag jinombag niya ko."

"Wala si Gio. Kasama niya 'yung best man niya ngayon."

"Sino ba best man niya?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Bea at hinila na ko papasok sa Bar. Binati naman kami ng dalawang bouncer at saka pinapasok sa loob.

Nakakamiss dito. 'Yung halo halong amoy ng alak at sigarilyo tapos 'yung mga ilaw pa. Sa di kalayuan, sa may stage natanawan ko si Amie na kinakausap ang ibang dancers.

"Amie! Bakla!" Sigaw ni Bea at nakuha niya agad ang atensyon ni Amie. Lumingon si Amie ng nakangiti kay Bea pero agad ding sumimangot ng makita ako.

Bumaba siya ng stage at sinalubong kami.

"Impakta, anong ginagawa mo dito?" Nailing na lang si Bea sa pilit na pagtataray ni Amie. Kumalas ako kay Bea at niyakap si bakla.

"Sorry na, bakla." Usal ko habang nakayakap sa kanya. Naramdaman ko naman ang mga bisig niya sa likod ko.

"Ay naku, may magagawa pa ba ako?" Usal niya at kumalas kami sa pagkakayakap ng isa't isa. "Kaibigan mo kasi kami, hindi kaaway. Ano ba?" Naluluhang usal niya.

Kinuha niya ang tissue at nagpunas punas ng luha, naiyak naman ako sabay tawa. "Ayan, dyan ka magaling. Ang mag iyak tawa. Abnormal ka!" Hampas niya sa akin.

"Aray!" Atungal ko.

"Ay virgin!" At sabay sabay kaming nagtawanang tatlo. Niyakag niya kami sa isa sa mga private rooms dito at nagpakuha ng alak sa isang bartender.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon