Huling Kabanata

2.8K 48 33
                                    

THIRD PERSON'S POV

Alas kwatro ng umaga ng dumating si Ken sa Pinas. Walang bihis bihis, walang pahinga ni matulog ay hindi niya nagawa sa eroplano. Gusto niya agad makita ang ina.

Sinundo siya ng driver ng mama niya sa airport at ganun na lang ang kaba niya ng papalapit na sila sa ospital.

"Who's with mama?" Tanong niya sa driver.

"Si Ma'am Magdalene po, pinauwi po niya si Manang Cora kagabi." Sagot ng driver sa kanya. Napatango siya at naging kampante.

Nang makadating siya sa harap ng pinto ng kwarto ng mama niya ay di na siya nag atubiling buksan ito.

Nadatnan niya ang natutulog na si Magdalene sa tabi ng nanay niya. Nakaupo ito at tanging ang ulo ang nakalagay sa hospital bed. Malamang ay nangangalay na ito.

Napangiti siya ng makitang gising na ang mama niya at nakangiti ito sa kanya. Hinahaplos nito ang buhok ng dalaga.

"Ma, how are you?" Nakangiting tanong ni Ken sa ina. Natutuwa siyang makita ang nanay niya at ang babaeng mahal niya ng magkasama, hindi nag aaway at nagsasakitan.

Parang isang milagro ang nangyayari, sa isip isip niyang sabi.

"I'm fine anak. Thanks to your girlfriend." Nagulat siya sa winika ng nanay. Nakangiti ito at tila ba tanggap na nobya niya si Magdalene.

"What?" Natatawang tanong ni Thelma ng makitang natigilan ang anak. Yumuko naman si Ken at hinalikan ang ina sa noo.

"Naalala ko tuloy 'yung sinabi mo sa akin, anak." Natatawang inalala ni Thelma ang naging sagot sa kanya ng anak nung mga panahong pinapalayo niya ito sa dalaga.

"She's peculiar. She's different. She may be dirty in your eyes but I love her with all of my heart." Pag uulit ni Ken. Nakangiti ito sa ina.

"Don't let her go son, don't hurt her. She loves you so much." At sabay na napatingin ang mag ina kay Lene na noon pala ay gising na at nagpapanggap na lamang na tulog.

"And I love her so much too." Napapangiting ani ni Ken. "Mom, if it's not too much to ask, I want to propose for her this week."

"Oo ba basta Tita na ang tawag niya sa akin pag gising niya."

LENE'S POV

Nasamid ako sa sariling laway ko ng makarinig ako ng propose this week na 'yan. Nagulat namang napatingin sa akin si Ken at si Tita Thelma.

Nanlalaki ang mata ni Ken habang si Tita naman ay nakangiti sa akin. Ngumiti ako ng alanganin sa kanila. "Sorry po." Pasintabi ko saka akmang tatayo ng hawakan ni Tita ang kamay ko.

"I'm sorry about last night."

"Ok lang po. Ang mahalaga po ok kayo."

"I'm sorry for everything."

"May kasalanan din po ako."

Nagkangitian kami saka ako bumaling kay Ken. Iniabot naman ni Tita ang kamay ko kay Ken. "Go on. Be happy." Usal ni Tita saka siya ngumiti sa aming dalawa.

---

Saturday ng umaga.

Nakalabas na si Tita Thelma sa ospital. Siguro kung hindi ko nalamang magpopropose si Ken sa akin ngayon ay magugulat ako kung bakit kami pumunta ng Enchanted Garden kasama si Amie, Anton at Bea na dapat ay nasa Hong Kong pa. Si Gio naman ay bumalik sa States for the mean time.

Sa may fountain may nakaset up na mga lamesa at mini stage. Punong puno ng rose petals ang sahig, pula at puti. Ang mga lamesa ay hugis bilog na may bulaklak na design sa gitna.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon