Ika-sampung Kabanata

2.2K 52 2
                                    

Pigil ang hininga kong lumingon sa likuran ko. Ang lakas ng kalabog ng puso ko at panay ang lunok ko ng sarili kong laway.

Ngunit lahat ng iyon ay nabalewala ng makita kong wala si Ken sa likod ko. Napabuntong hininga ako at muling hinarap si Manang. Malawak ang mga ngiti niya at halatang nanunukso.

"Pagkadismaya ang nakasulat sa mukha mo anak," natatawang usal niya. Napakamot na lang ako sa sarili kong batok.

Ano ka ba naman Magdalene? Talaga bang ineexpect mong andyan siya? Gumising ka nga!

"Halika na anak," usal ni Manang na nakapag balik sa akin sa reyalidad. Nasa tapat na siya ng isang taxi at papasakay na.

Narating namin ang bahay ng walang kahirap hirap. Matapos naming mag ayos ng aming pinamili ay nagpaalam na rin si Manang na aalis siya. Niyaya ko siyang dito na kumain ngunit panay din ang tanggi niya.

"Ikamusta mo na lamang ako kay Ken anak kapag dumating na siya. Malamang ay naghihintay na rin ang mga anak ko sa bahay," at tuluyan na siyang umalis.

Naupo ako sa sofa. Nanood ako ng telebisyon ngunit sumagi sa isip ko si Bea at Amie. Kamusta na kaya ang dalawang 'yun? Kung mayroon lamang akong cellphone ay maaari ko silang makausap.

Napabuntong hininga ako sa sariling isipin. Mayroon namang landline si Ken dito ngunit sadyang ayokong gumamit ng walang paalam.

Hindi ko na namalayang nakaidlip ako kung idlip nga bang matatawag 'yun dahil nanakit ang likod ko na senyales na napaka tagal kong natulog.

Napadako sa may bintana ang tingin ko, sobrang dilim na, malamang ay malalim na rin ang gabi. Akma na sana akong tatayo ng makarinig ako ng kalabog sa may bandang kusina ng bahay.

Napalingon akong bigla sa mga figurine na anghel na wakang pakpak sa gilid ng bintana at kasabay nun ang pagtindig ng balahibo ko.

"Ano 'yun?," tanong ko sa sarili na kahit na di ko naman alam ang sagot ay nagawa ko pa ring itanong.

Napaupo ako ng maayos sa sofa ng makarinig ulit ako ng kalabog. Hinawakan ko ang parte kung nasaan ang puso kong napakalakas ng kalabog.

Gusto kong puntahan kaya lang pinangungunahan ako ng takot. Maliwanag naman sa parteng 'yun ng kusina ngunit parang may nagsasabi sa 'king huwag kong puntahan.

Ngunit sadyang napaka lakas humatak ng kuryosidad kaya naman hindi ko namalayang unti unti na akong dinadala ng mga paa ko sa kusina.

Ilang hakbang na lamang ng makarinig ako ng dalawang boses.

Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kirot ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang nasasaktan ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Talaga ngang nakakamatay ang kuryosidad, at ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay parang unti unti akong pinapatay.

Naririnig ko pa rin ang mga boses na 'yun. Ang mga boses na nasisiyahan sa kanilang ginagawa ngunit nagdudulot ng kung anong sakit sa akin. Sakit na di ko alam ang puno't dulo, hindi ako sigurado.

Sa isip ko'y ayoko ng tumuloy sa paglakad ngunit sadyang mapilit ang mga paa ko at kusa akong dinala dun.

Nakita ng dalawa kong mata si Ken.... kasama ang isang babae.

Kusang tumulo ang mga luha ko at ang sakit ay kusang sinakop ang buong sistema ko. Gusto kong tumakbo, gusto kong umiyak sa malayo. Kaso hindi ko magawa.

Napako na yata sa kinatatayuan ko ang mga paa ko. Ang paghinga ko ay unti unting naninikip at halos mahimatay ako ng magtagpo ang mga mata namin ni Ken.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon