Ika-labing Limang Kabanata

1.9K 41 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Naikuyom agad ni Ken ang kamay ng marinig ang mapait na sinapit ni Lene. Gusto niyang sisihin ang sarili ngunit naisip niyang hindi ito makakatulong.

Wala na. Nangyari na. Pinabayaan na niya ang dalaga. Sa isip niya'y labis siyang nagsisisi.

At ngayon nga'y nasa harap na niya ang lalaking bumaboy sa babaeng napatunayan niyang mahal niya. Mahal niya at ayaw niyang mawala sa kanya pero kailangan para sa sarili nitong kapakanan.

"M-maawa ka sa a-akin Ken," pagsusumamo ni Francis sa kanya. Nakahiga ito sa sahig at sumusuka na halos ng dugo pero pinipilit pa ring magmakaawa.

Nang malaman ni Ken ang lahat kay Bea kaninang madaling araw ay agad niyang pinahanap ang lalaking ito at binugbog ng walang awa.

"Ugh!" Nasapo ni Francis ang tiyan ng sipain siya dito ni Ken. Natutuwa si Ken na makitang nasasaktan ang lalaking ito at nagmamakaawa. Sa palagay niya ay naigaganti niya na kahit papaano ang babaeng mahal niya.

Maya maya'y tumawa ng malakas si Francis habang lumalabas ang mga dugo sa kanyang bibig. Pinipilit maging sarkastiko ngunit walang talab sa lalaking kaharap niya. Ilang ulit man siyang magmatigas ay alam na niya ang mangyayari at kahihinatnan niya.

"'Yang babaeng iginaganti mo ba eh mahal ka?" Tanong ni Francis kay Ken. Pinilit tumawa ni Francis at kumuha ng lakas ng loob magsalita. Ngumisi siya pero sa loob loob niya ay dinadaga siya.

Takot. 'Yun ang totoong nararamdaman niya. At inaamin niyang maski alam niyang huling araw na niya sa mundo ay hindi pa rin niya makuhang magsisi sa ginawa niya kay Magdalene.

Minahal niya ang dalaga maski stepsister niya ito.

"Alam mo ba kung anong klaseng babae ang ginaganti mo?" Muling tanong ni Francis kay Ken pero wala siyang nakuhang sagot sa binata.

Tuluyan ng nakatayo si Francis at magkapantay na sila ni Ken. Wala pa ring nagbabago sa itsura ng binata. Blangko ang mga mata nito maging ang buong mukha at prenteng nakatayo.

"Bakit di mo pa ko patayin?" Muli ay tanong ni Francis. Doon nagbago ang itsura ni Ken. Napangisi siya at binunot ang baril na nakasuksok sa gun pocket na nasa pantalon niya.

Natakot si Francis pero pilit niyang itinago. "I want to prolong your agony," simpleng sagot ni Ken. "But if you want to die right here and right now, I can do that for you." Dagdag niya at lalong ngumisi.

Doon na hindi naitago ni Francis ang takot. Takot na takot na siya. "That's it, matakot ka nga." At napahalakhak ng malakas si Ken.

"Wala kang ipinagkaiba sa demonyo Ken," sinubukang mang insulto ni Francis, pilit pinapahaba ang usapan.

"Ikaw ba merong ipinagkaiba sa demonyo?" Seryosong tanong ni Ken. "Ginahasa mo ang stepsister mo ng paulit ulit, hayok na hayok ka sa laman. Tell me, am I really the devil like here?"

Hindi alam ni Francis kung saan kukuha ng sagot. "Tingin mo ba matutuwa si Magdalene kapag nalaman niyang pinatay mo ko?" Nakangising tanong ni Francis, pinipilit humanap ng butas kay Ken kahit alam niyang wala na siyang lusot sa binata.

"Bakit hindi? Tingin mo ba natutuwa siyang buhay ka?" Pagbabalik ni Ken ng tanong at muli ay natauhan na naman si Francis.

Napailing si Ken. "This conversation is over, and so as your life." Usal ni Ken at akmang tinutok na ang baril kay Francis pero natigilan siya ng lumuhod bigla ang binata.

"Parang awa mo na, wag mo kong patayin." Pagmamakaawa ni Francis. Umiiyak.

"Why not?" At kasabay ng huling salita ni Ken ay ang pagputok ng baril.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon