Ika-apat na Kabanata

3K 58 2
                                    

"Ano kamo?!" Naghihisterikal na tanong ni Bea sakin. Wala akong nagawa kundi itungo na lang ang ulo ko. Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari sakin nung nakaraan.

Mula sa paglalakad ko sa nakakapangilabot na pasilyo ng bahay ni Ken hanggang sa "hindi lahat ng lalaki yan ang gusto" moment hanggang sa enchanted garden.

Nalaman ko na lang na pag aari pala nya ang napaka laki at napaka lawak na garden na yun. Tatlong araw na rin mula non at wag nyo ng tanungin kung anong pinili ko.

"Ibig mong sabihin..." naupo si Bea sa tabi ko kasabay ng panlalaki ng mata nya. Mukha syang tanga.

"Wow! Wow lang friend!" Muli na namang sambit nya na namamangha pa. Gusto ko syang batukan kaso nga lang wala akong sapat na dahilan. Ayoko namang manakit ng walang sapat na dahilan.

"Ibig mong sabihin..." usal na naman nya.

"Ano ba Bea?!" Hinawi ko ang kamay nyang humawak sa balikat ko. Napapailing ako ng makita kong nanlalaki na naman ang mata nya.

"Walang nangyari sainyo?"

Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman ang sinasabi nya ay tungkol sa pagtutok sakin ng baril ni Ken. Pero ano... Yung wala palang nangyari samin?

Napailing na lang ako. "Bea, wag mong babanggitin ito sa loob ng bar," usal ko sakanya. May pagka-madaldal si Bea sa mga bagay bagay na bigla nyang naaalala kaya minsan mahirap syang pagkwentuhan.

"Sure friendship! Pero ngayon na ang balik ng sugar daddy mo ah," tumalikod na sya at nagmartsa papasok ng banyo. Ilang beses ko ng sinabi sakanya na hindi ko sugar daddy si Rodolfo pero hindi sya nakikinig.

Hindi ko naman hinuhuthutan si Rodolfo. Ayoko lang sigurong maramdamang mag isa ako.

-

"Baklaaaa! Kamusta?," bungad sakin ni Amie. Matapos nung nangyari sa bahay ni Ken, hindi na muna ako pumasok ng bar. Akala ko makakapag isip isip ako.. Akala ko lang pala.

"Wag mo ng tanungin yan bakla," sabat ni Bea sa usapan. Hindi ko sila pinansing dalawa at nilibot ko ang paningin ko sa buong parking area ng bar.

Hinahanap ko ang kulay silver na kotse ni Rodolfo...

"Wala sya bakla," napukaw ni Amie ang atensyon ko ng magsalita sya. Malungkot ang mga ngiti nya sa labi at tila may kung anong bumabagabag sa mga mata nya na alam nyang hindi ko maaaring malaman.

"May problema ba?," tanong ko sakanya. Hinanap ng mata ko si Bea, nauna na syang pumasok sa loob at kami ni Amie ay naiwan dito sa labas. Naghihintay ako ng isasagot nya pero wala akong nakuhang sagot.

Bumuntong hininga sya at tuloy tuloy na umiling saka ako muling tinignan sa mga mata. Gumuhit na naman sa labi nya ang malulungkot na ngiti na nakapagpapagulo ng isip ko.

"Bakla, sasayaw ka mamaya. Hindi na kasama sa payment ni Rodolfo ang araw na to," usal ni Amie saka nagmartsa papasok ng bar. Saglit ko pang pinasadahan ng tingin ang parking area.

At sa di inaasahan, nakaramdam ako ng mga pares ng matang nakatingin sakin. Di ko alam kung lilingon ba ako o di na lang papansinin yun at tutuloy sa loob. Isa lang ang sigurado ko ngayon...

Natatakot ako.

Pinili kong wag na lang pansinin at nagtuloy na ko sa loob. Agad na bumungad sakin ang busy-ing mga tao. Para akong nanibago...

"Friendship, ikaw na," bulong sakin ni Bea ng mapadaan sya kasama ang isa pa naming katrabahong si Danica. Napatingin naman ako sa stage at nasa gilid nun si Amie na kumakaway sakin.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon