Ika-anim na Kabanata

2.7K 58 1
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nakapatong sa mesang malapit sa kama ko. Bumangon ako at pinatay 'to.

6:30.

Tinali ko ang buhok ko at nagtungo ako sa banyo. Naghilamos, nag ayos ng sarili. Saglit kong tinignan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin.

Kung sakaling hindi kaya ako maagang iniwan ng mga magulang ko, ganito kaya ang buhay ko?

Pinalig ko ang ulo ko sa sarili kong katanungan na maski kailan ay di ko naman mabibigyan ng sagot. Bagkus ay dumiretso ako sa tapat ng shower at tinanggal ang saplot sa katawan ko.

Dinama ko ang malamig na tubig sa balat ko na nagpapamanhid sa bawat parteng tatamaan nito.

Sana nagagawa rin ng tubig na ito tanggalin lahat ng gumugulo sa isip ko.

Sana nagagawa rin niyang pasukin ang sistema ko at pamanhidin ang puso ko.

Napasandal ako sa malamig na pader ng banyo. Ipinikit ko ang mata ko. At imahe ni Rodolfo ang una kong nakita.

Tiyak, hinahanap na ako nun.

Napahawak ako sa dibdib ko at suot suot ko pa rin ang kwintas na binigay niya. Mabait na tao si Rodolfo at iyon marahil ang nagugustuhan ko sakanya.

Bagaman milya milya ang layo ng edad namin ay hindi malabong mahalin ko siya. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay sadyang malabo na ang mga naiisip ko.

Tinapos ko ang pagligo ng lutang ang isip -- naglalakbay sa lugar na hindi ko alam kung asan. Wala sa sarili akong lumabas ng banyo balot balot lamang ng isang roba ang katawan.

Pumunta ako sa closet kung saan ko nilagay ang mga damit ko kagabi. Kumuha ako ng katamtamang laki na tshirt at short na katamtanan ang igsi. Kinuha ko rin ang lotion.

Nakapikit akong naglakad papunta sa kama at naupo don. Nilapag ko ang damit ko at bahagyang itinaas ang roba sa aking hita. Kinuha ko ang lotion at bahagyang pinisil ito saka ipinahid ng bahagya sa hita ko pababa sa aking mga binti.

"You're beautiful...."

"You're beautiful.... Its true...."

"Lalalalala.... Hahmmmmm..."

Inulit ko ang pagpahid ng lotion sa kabilang hita ko hanggang sa matapos ako. Nakapikit akong tumayo at tinanggal ang tali ng roba ko. Ramdam ko ang unti unting pagdausdos ng telang iyon sa katawan ko pababa sa paa ko.

"Ehem..."

"Ay palakang gago!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat kasabay ng biglaan kong pag pulot ng roba ko. Nanginginig ang kamay ko habang tinatali ang roba.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Hindi ko mapigilan ang pagsigaw kasabay ng pagturo ko kay Ken na prenteng nakaupo sa sofa sa loob ng kwarto at nakangising nakatingin sakin.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula at pag iinit ng pisngi ko. Maging ang panginginig ng kamay ko ay ramdam na ramdam ko pa rin. Hindi ko mawari kung sa sobrang gulat ba o sa realidad na naghubad ako sa harap halos ni Ken.

"It's almost 7 in the morning. Breakfast at 7:30," seryosong usal niya. Tumayo siya at tumalikod na ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pilyong ngisi na sumilay sa labi niya.

Hindi ko ugaling mambato pero agad kong pinulot ang bote ng lotion at binato sakanya. Pero laking gulat ko ng masalo niya ito. Patay!

"Psh." Tanging reaksyon niya bago binato sa akin pabalik ang bote ng lotion na nasalo ko naman ngunit naging dahilan ng pagkatanggal ng tali ng roba.

Take It Off (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon