LENE'S POV
Tatlong taon na rin ang lumipas. Masasabi kong marami na ring nagbago... sa akin, kay Bea at kay Amie. Isa lang ang di nagbago, 'yung nararamdaman ko. Hinahanap hanap ko pa rin siya.
"Mga bakla, andito na tayo!" Anunsyo ni Amie. Nasa harapan siya ngayon at nagddrive. "Kaloka ginawa niyong driver ang beauty ko." Natawa na lang kaming tatlo.
"Mukha ka kasing driver."
"Ikaw mukhang palaka, bakla. Wag ako ha? May period ako." Bawi ni Amie kay Bea. Natawa na lang ako.
"Ilusyunada. Pag dinugo ka, almoranas 'yan hindi regla. Baklang 'to. Kami lang may matres." Pagtataray ni Bea. Lalo akong natawa dahil nagtaas ng kilay si Amie.
"Aba, iba ang tabas ng dila mong babaita ka, hala! Labas sa kotse ko! Pumasok kayo sa school. Dali." Utos niya. Natawa na lang ulit kaming tatlo bago kami lumabas ni Bea sa kotse at kumaway sa kanya paalis.
"Another day bes, isang linggo na lang tapos bakasyon na! Thank God it's friday!" Sigaw niya pagpasok namin ng gate ng school. Oo, nag aaral kami. Same course, Bachelor in Physical Education at nasa third year na kami.
Dahil sa sigaw ni Bea, nakuha namin ang atensyon ng ibang nakatambay sa may puno malapit sa gate. Nag peace sign pa siya sa kanila.
"Nilamon ka na talaga ng Kpop at KDrama." Sabi ko sa kanya. Inirapan lang niya ako.
"Wag ako Lene ha? Wag ako." At natawa ako sa inasta niya. Napakasungit niya ngayon. Nakarating kami sa room namin ng first subject at sarado pa ang room.
"Ang aga natin," usal ko. Tumingin naman siya sa relo niya, natawa ako ng kiligin siya dahil bigay 'yun sa kanya ni Gio, boyfriend niya. "7:35 na eh, baka naman walang klase."
"Hintay na lang tayo ng konti baka dumating pa si Ma'am."
"Ok pero kita mo, wala tayong kaklase dito... Hel -- Josh, hi." Bigla ay kumaway si Bea sa likod ko, awtomatiko naman akong napalingon.
"Hi Lene, hi Bea." Bati niya sa amin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Anong ginagawa niyo dito? Nasa seminar si Ma'am Althea ah, di niyo ba natanggap text niya?" Tanong niya sa amin.
"Exempted ba kapag walang phone?" Natatawang tanong ko. Ni minsan talaga eh di pa ako nagkakaroon ng sarili kong cellphone. Hindi naman sa walang pambili, hindi ko lang talaga gusto ang cellphones.
Saka sa ngayon eh nanghihinayang pa ko sa perang gagastusin ko sa cellphone, ano. Tapos load pa.
"Wala din akong natanggap." Kaswal na sagot ni Bea. "Ikaw, iba naman major mo pero alam mo na wala si Ma'am." Pamumuna niya kay Josh.
Natawa naman si Josh. "Tita ko kasi si Ma'am Althea di ba?" Napapakamot pa sa batok at medyo nahihiya.
Mabait si Josh, humble at talaga namang friendly. Nitong second sem ay nagsimula na siyang magparamdam sa akin ng interes pero sabi ko, mas ok kung mag aaral muna siya. Liban pa dun ay malaki ang agwat naming dalawa.
"Oo nga pala." Natawa na lang ako sa reaksyon ni Bea. "Ikaw wala ka bang klase?" Tanong ko kay Josh. Umiling naman siya at napangiti.
"Total wala naman tayong mga klase, baka pwede ko kayong ilibre ng breakfast." Prisinta niya.
"Ay sure!" Walang isip isip na sabi ni Bea. Nabanggit ko na din sa kanya ang tungkol kay Josh at nagtataka siya kung bakit daw di ko subukan. Gusto ko siyang dagukan noon at sabihin na bakit ko pa susubukan?
BINABASA MO ANG
Take It Off (COMPLETED)
Romance"She's peculiar. She's different. She may be dirty in your eyes... but I love her with all of my heart." - N.K.V.