Chapter 1:
Forever Maniac Ex.
"X squared plus Y sqaured equals Z squared." Pagmememorize ko nang formula sa math, ugghh! Hindi talaga mawala wala ang takteng X na yan, mamatay na sana pinapahirapan ang mga kabataan!
"Hoy bruha kanina ka saulo ng saulo ng formula na yan, para kang sirang plaka" etong baklang to, estorbo sa pagaaral sukat tinawag pa akong bruha.
"Bia, isang formula lang naman yan eh" datung ng isa pang bruha. Porket matalino minamani lang ang math.
"Eeeh! Bakit ba!" Problema ba nila, eh sa ayaw kong malaglag sa top ten
Yup! Nasali ako sa top ten, top 3 pa nga hihi! Ang talino ko.Mamaya na ang pagyayabang ko sa katalinohan ko. Ako nga pala si Forbia Venray Bitteryal. Ganda no, sarap ibaon sa lupa. Bakit? Eh nahahalatang ako ang reyna ng kabitteran. Ugggh hindi ko alam kung bakit ipinangalan sa kin nina mami and dadi. Anyways, ituloy ko na ang pagpapakilala. I'm 16 years old graduating student and running for 1st hon. mention. Mabait ako sobra kaya nga madali akong nauto ng bakla kong ex sa forever forever na yan tignan mo, one week pa lamang kaming mag ex may bago namang kaharutan. Mukha pang hitad bwiset nakakabitter, mabuti sana kung maganda matatanggap ko pa.
"Oy ateng baka paglamayan na tin yan." Huh cnong namatay? Mabuti at gets naman niya. " yang ex mo at ang hitad. Sama nang tingin mo." O-kay! Tinitignan ko pala ng masama masyado kasi akong preoccupied.
"Hehe" yan lang ang naging say ko. Naku naman kasi hanggang ngayun inis pa rin ako sa kong yan.
"Hay talaga bia, bitter ka pa rin diyan?" Oo bitter pa ko, ang sarap sabihin takte pero ayaw kung umamin. Bahala kayo.
Lumapit si Alen sa harap ko sabay patong ng dalawang kamay niya sa shoulders ko with matching serious look sa mata. "Move on" akala ko madaming sasabihin at maiinspire talaga ako. Yun pala nainis lang ako.
"Ay akala ko bongga ang sasabihin" puna naman ni Namae sa ginawa ni alen pagkaupo niya. Magkapareha talaga kami nitong utak kahit kailan.
Nagkibit balikat lang si Alen at bumalik sa kinauupuan. Kita mo tong babaeng to, mas pipiliin pang mapanis ang layaw. Ms. Author paki tanggal nga sa storya. Haha joke lang.
"Pero seryoso tayo bia." Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Yam. Katakot din ang baklang to minsan eh. " Nakamove on kana nga ba?" oo nga naman, nakamove on na ba ko?
Tinignan ko silang apat ng seryosong tingin. Mabuti at magaling akong magpigil ng tawa. Kasi naman mukha silang matatae sa kakahintay ng sagot ko.
Nagpalabas muna ako ng buntong hininga. "Sa ex ko oo, sa pinampalit hindi." Sabay tawa ko nang malakas. Eh mukha kasing chonggo. Pero napatigil na lang ako dahil ang seseryoso nila kakilabot oy.
"Aray naman Alen oh!" Ang babaeng panis nato talaga, ketahimik na tao ang sakit mamatok. "Problema mo panis?" Tanong slash pang inis. Hehe naiinis kasi siya pagtinatawag ko siyang panis.
"Alen Marie De guzman" sabi niya with matching glare. Oopsie haha nainis na ang impakta. Ang rude ko talaga.
"Hala ka ampalaya-- este bia." Sabay nang nakakabwiset na tawa ng baklang to sinabayan pa ni nam. Edi sila na masaya ako na bitter. Tanggap ko na tanggap apelyido pa lang. Tinignan ko nga ng masama.
"Haha ang insensitive natin bakla, nasaktan na nga eh. Pinagtritripan pa natin." Itong nam nato akala mo anghel may pasweet voice pa. Eh pareho na nan sila ni bakla sa idinura ng hell. Sarap sipain sa bungo.

BINABASA MO ANG
Forever
Genç KurguIlan na ba ang naloko ng salitang Forever? Takte di na ata mabilang eh. Sa milyon milyon ba naman na nagpapakatanga sa pag ibig. Kaso sa kasamaang palad, isa ako sa mga nalinlang, naloko, nagpakatanga't nasaktan. Mapagbiro talaga no? Pero kahit na i...