Chapter 2

29 6 2
                                    



Magnolia's POV

Pagkatapos akong palabasin ng aming Professor agad kong napag-isipan pumunta sa mga benches sa school. Naghanap ako ng lugar na kung saan maari kong pagmasdan ang campus nang hindi syadong nahahalata ng mga tao, In short tago.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Yeeey! Sa wakas nakakita rin ako ng lugar na maari kong pwestuhan. Pagkadating ko sa bench ay may nakita akong isang bag. Dahil sa mabuti akong mamamayan kinuha ko ang bag at inilagay ito sa kabilang bench at bumalik sa pwestong aking napili. Ito talaga ang gusto ko ngayon ang makapagrelax ang aking kaisipan. Naputol ako sa aking pag muni-muni nang may narinig akong boses ng lalaki.

"Miss, ikaw ba ang naglagay ng bag na ito sa bench na iyon?" tanong niya sa akin at tinuro ang bench na pinaglagyan ko kanina ng bag na hawak hawak niya na.

"Hindi noh!" syempre tatanggi ako, hindi pa naman ako nahihibang upang aminin ang kasalanang ginawa ko hehehe. " Bakit pinagbibintangan mo ba ako?" tanong ko sa kanya na nilakasan pa ang aking boses at tumayo with matching kunot noo pa para matakot siya.

" Nagtatanong lang ako Miss, kanina kasi sa pagkakaalala ko sa bench nayan ko iniwan ang bag ko." Sabay turo niya sa bench na inuupuan ko ngayon.

" So bag mo pala yan?, Sa totoo lang wala talaga akong alam sa pinagsasabi mo kasi nga kadadarating ko lang"

"So, are you telling me na naglakad mag-isa ang bag ko?" sabi niya sa nagtitimping tinig.

Aba, pilosopo pa tong hinayupak nato ah, psh! Pwes nagkakamali siya ng binangga. Di ba niya alam na badtrip ako ngayon dahil pinalabas ako ng Prof namin?! "Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Hindi"

"Ako lang naman ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito!" Whahahahaha! Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya.

"Really?!" nakasmirk na tanong niya sa akin.

"Yup, kaya if I were you magsosorry na ako."

" Masyado naman yatang makapal ang pagmumukha mo Miss" WHAT?! Did he just call me MAKAPAL ANG PAGMUMUKHA?! "Last time I checked, ang school na ito ay under sa Government sa ilalim ng CHED, so how come you own this school?"

Uh oh! Ako na, ako na talaga, nako Magnolia! Ang kagagahan mo talaga walang pinipiling oras. (---__---) " naniwala ka naman? Joke kaya yon" pagpapalusot ko na halata namang hindi siya naniniwala sa pinagsasabi ko. "Gusto mo ang bench na ito diba? O sayo na, isaksak mo dyan sa baga mo" sabi ko sabay walk out para man lang ma save ko ang sa sarili o sa kahihiyan na kagagawan ko rin.

Grey's POV

Napakunot ang noo ko nang makita ang bag ko na nakalagay sa kabilang bench. I can vividly remember na hindi sa bench na yan nilagay ko ang bag ko. Iniwan ko ang bag ko noong bumuli ako ng Pringles at mineral water sa canteen. Lagi ko namang ginagawa na iniiwan ko ang bag ko sa bench na yon at sa tuwing pagbalik ko ay nandoon parin ito kaya naging komportable at naging routine ko na rin na iwan ang bag ko na ang tanging laman lang naman ay notebook, ballpen at ilang gamit sa eskwela. Hidi naman ako nag iiwan ng cellphone at wallet sa bag ko. Nakakapagtaka lang na sa dalawang buwan kong ginagawa ito, ay ngayon lamang nangyari na may nakialam ng gamit ko.

Agad kong kinuha ang aking bag at dumiretso sa bench na lpinag-iwanan ko nito. Nang may makita akong isang babae. I knew it! Siya ang kumuha ng bag ko at nilipat yon sa kabilang bench.

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon