Chapter 4

23 6 0
                                    

Magnolia's POV


Today is Saturday at maaga akong gumising dahil kailangan ko pang magliinis ng bahay. Hindi naman kami kasingyaman nina Zia na may maid. Pagkababa ko mula sa aking kwarto ay nakita ko agad si Mama na nagluluto ng almusal habang si Papa naman ay nakaupo sa verandah at nagkakape.

"Good Mornig ma" bati ko kay mama na abala sa pagluluto ng almusal namin

"Maaga yatang nagising ang bunso ko?"

"mama naman, maaga kaya akong gumigising. Magwawalis po muna ako ng bahay ma pagkatapos kumain na tayo."

"huwag na Berry, tawagin mo muna yung papa mo at sabihin mong handa na yung almusal. Sabay sabay natayong kumain." Utos sa akin ni mama na ginantihan ko na lamang ng isang tango at tumakbo paputa sa kinaruruonan ni papa.

­­­­­­­­­­­­­­­­­­_________________

Pagkatapos naming kumain ay agad kung niligpit ang aming pinagkainan at naghugas ng pinggan, naglinis na rin ako ng bahay at diniligan ang aming mga halaman para walang masabi sina mama at papa kundi "ang sipag sipag talaga ng bunsong anak nila" umupo na ako sa sala at nanuod ng Spongebob ng bigla akong tinawag ni mama.

"Berry, may naghahanap sayo" tawag sakin ni mama na ipinagtaka ko sapagkat wala naman akong inaasahang bisita.

Grey's POV

Katatapos lamang namin maglaro ng mga kaibigan ko ng basketball ng makatanggap ako ng tawag mula kay Sir Dela Tua, siya ang adviser namin sa Help and Share Club na kung saan ako ang Vice President sa naturang club. Nasa Cebu ngayon ang aming President na si Marianne na kasalukuyang dumadalo ng isang conference. Dahil nga ako ang vice president at wala ang aming president ay ako ang naatasan sa mga naiwan na mga responsibilidad ng presidente.

"Bro alis na ako" paalam ko sa mga kaibigan ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"ang aga naman yata bro? nag wawarm up pa lang tayo oh, isang round pa." sabi ni Justin nakaupo sa tabi ko.

" I really have to go, may pinapagawa sa akin si sir Dela Tua, kailangan kong makipag coordinate sa SA niya."

" Saturday naman ngayon Grey pwede mo naman tanggihan si sir at sabihing may importanteng lakad ka" sulsol pa ni Justin at kinalabit pa si Tom para tulungan siya sa pagkumbinsi sa akin.

"oo nga naman bro" pagsasang ayon naman ni Tom "gaano ba yan kaimportante ang pinapagawa sayo ni Sir?"

" I have to organize a program within 1 week at sabi niya sa akin ay kailangan kong makipag tulungan sa SA niya para sa mga detalye. Pupunta pa ako sa bahay ng SA niya para sunduin ito at dederetso na kami sa bahay ni Sir."

"Okay bro, you can go" sabad ni Tres sa pag-uusap namin

" Hoy Tres, wag naman ganyan paano na lang kami ni Tom pag umalis yang si Grey? Edi 2 nalang kami ang maiiwan tapos tatlo kayo?" sigaw ni Jason

"Don't worry Jason andyan naman si Ryan upang pumalit sa pwesto ni Grey, it will be 2 vs 3" sagot ulit ni Tom

"Bro grabe, pinagtatabuyan mo na ba ako? Bro wag naman ganyan alam kong ako yung pinaka mahina sa magkabarkada natin pero bro shooter kaya ako." Pagtutol agad ni Ryan sa sinabi ni Tom at niyakap pa ang isa. Hindi ko na sila pinatapos sa kanilang pagdedebate at sumenyas na lamang kay Tom na aalis na ako.

_____________________

Nasa harapan ako ngayon ng bahay ng SA ni Sir. Alam kong ito ang bahay niya dahil limang beses ko nang chineck ang address na tinext niya sa akin kanina mag dodorbell nasana ako nang may makita akong babae na nasa edad na 52 or 51 na nakatingin sa akin at lumapit.

"Magandang umaga po" bati ko sa kanya ng mapagbuksan niya na ako ng gate.

" Magandang umaga rin hijo, may hinahanap kaba?" Tanong niya sa akin na nakangiti

"Ito po ba ang bahay ni Berry Magnolia Martinez?" tanong ko sa kanya habang binabasa ang pangalan sa cellphone ko na sinend ni Sir Dela Tua.

"oo hijo, ito nga tuloy ka, kaklase kaba niya? Pasensya ka na, hindi kasi sinabi ni Berry na may darating siyang bisita." At pinapasok niya ako "nga pala Hon kaklase ni Berry" baling ng ginang na sa hula ko mama ni berry sa lalaking nakaupo sa kanilang verandah at nagbabasa ng newspaper

"Magandang umaga po" bati ko sa papa ni Berry

"Good morning rin hijo" sagot ng papa ni Berry " Ano nga pala yung pangalan mo?" tanong niya

" Grey po, Grey Walter" sagot ko agad at tanging tango lamang ang binigay niyang sagot.

"Berry, may naghahanap sayo" tawag nang Mama ni Berry sa kay Berry " pumasok ka muna hijo" dagdag pa niya at agad na rin akong iniwan pagkatapos kong magpasalamat

"Good Morning" bati ko nang makita ko si Berry na prenteng nakaupo sa sofa at nanunuod ng

WHAT?

NANUNUOD SIYA NG SPONGEBOB?!

(O____O)

Tsk? What do you expect? Tss! Isip bata!

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon