Chapter 13

8 4 0
                                    

Magnoila's POV

Pagdating sa parking lot agad kong hinanap ang kanyang mahiwagang kotse. Hinatid niya rin ako sa bahay. Syempre namangha ang mga kapitbahay first time siguro makakita ng sasakyan. Yung tipong buong byahe namin binuksan ko ang bintana kahit aircon at nang tinanong ako ni Grey kung bakit binuksan ko ang bintana ang sagot ko lang naman ay "I prefer fresh air" pero sa totoong dahilan gusto ko lang makita nangg kapitbahay na sakay ako ng isang mamahaling sasakyan. (^___^)

"Salamat sa paghatid Grey ha" sabi ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng bahay. Syempre chika- chika muna nang kaunti nang magkaroon ng exposure saglit.

"It's okay Berry, gabi na rin naman. Siguradong delikado na sa daan kapag mag cocommute ka pa" sagot niya

"Ayaw mo na bang pumasok?" tanong ko

"Uhmm, huwag na Berry, but thanks. Like I said earlier, gabi na rin kasi. So, see you at school?"

"yeah, see you at school" nakangiti kong sagot at bumaba na sa kotse. Sobrang lakas ng pagsira ko ng pintuan upang marinig nila ang pag bang nang sasakyan. Umikot lahat ng ulo ng tao na nakakita. Headspin sa kotse na kanilang nakita. Bwahahahahaha! Nang hindi ko na makita ang sasakyan ni Grey ay pumasok na ako sa loob ng bahay

_____

Mabilis lumipas ang mga araw at di ko na namalayan na ngayong araw na pala ang quizbee competition kasabay nito ang program na inaasikaso namin ni Grey. Maaga akong bumangon at nagbihis upang pumunta sa school. Agad akong dumiretso sa office nina Grey at nag assist to the max yung tipong si Antman nahiya sa kasipagan ko. Tapos marami akong ginawang chervalu kemberlu katulad na lamang nagwalling at nagsplit, makipatitigan sa mga palaka nang walang ginagawang blinking, nag assist sa mga lamok na makakuha ng maraming dugo sa precious body ko, at sa huli nag muni-muni nagawa ko yon sa loob lamang iyon ng isa't kalahating oras, multi-tasking. Ganun ako katagal naghintay para bumukas ang office nila Grey. Grabe ang aga nila pumunta sa school. 7:30 am sila dumating habang ako 6:00 am pa lang nakikipagchikahan na sa mga tadpoles ditto sa school.

"Berry kanina kapa ba?" tanong sa akin ni Grey habang binubuksan nya ang pinDela Tuan

"Hindi naman kadadating ko lang" pagsisinungaling ko.

Simula noong binigyan ako ni Grey ng ice cream ay medyo tumaas na ang level of friendship namin. Sa tuwing kinakausap ko siya tumatango siya o kung di naman kaya tataasan nya ako ng kilay. O diba may improvement!

"Are you ready for later's competition?" tanong niya

"Yes, but I kinda feel there's a butterfly in my stomach eventhough there is no butterfly. I wonder why?" Pak! Kabog ang lolo mo. English na with matching rhyme pa. Tarush! Doris Begornia kabahan kana!

"That's good to hear, may the best man win na lang" sabi niya sa akin habang kinukuha ang mga gamit na ilalagay namin sa gym mamaya.

Agad kong kinuha ang aking mirror mirror on the wall sa bag ko at tiningnan ang pagmumukha ko. Mukha naba akong lalaki? So todo check ako ng mga kemerut sa face at body ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong Dyosa beauty pa rin ako.

"Mali naman yata ang sinabi mo Grey, you see I'm not a man. I'm a woman!" sabi ko kay Grey nang masiguradong mukhang babae pa ako

"Ehh?" tanging sagot niya lang sa akin with matching what do you mean look ni justin beiber

hay naku kahit kailan talaga ang hina nang lalaking ito!

"Ang sabi mo kasi may the best man win, ibig sabihin ikaw lang ang mananalo ikaw lang kasi ang man ditto eh. Dapat may the best man and woman win" pagpapaliwanag ko sa kanya

Tanging pag-iling na lamang sa ulo ang kanyang sagot sa akin. Halata na disagree siya sa sinabi ko. Hindi na rin ako nagpumilit at tinulugan na lamang siya sa kanyang mga ginagawa.

Mga bandang alas otso na nang magsimula ang program na ginawa namin ni Grey at nang kanyang mga kasama sa club. Natuwa naman si sir Dela Tua at binati kami. Manglilibre raw sya ng pananghalian, dahil sa sinabi ni sir mas na motivate pa akong mag assist sa program. Nang nasa "Share me your Story" part na kami ng program ay napaiyak na ako. Paano ba naman kasi ang 63 years old na si lolo nag pepedicab pa para may mapakain sa kanyang mga apo. Mabuti na lang talaga at may mga programang katulad nito atleast hindi na kailangan magpedicab ni lolo dahil binigyan sila ng pera at gamit pangnegosyo yung pang sari-sari store.

"here" sabi ng lalaki sa likod ko at inabutan ako ng panyo. "ipunas mo sa sipon mo" dagdag pa niya

Dahan dahan akong nag headspin at tiningnan ang lalaki na pinagmulan ng boses. At ang impaktong si Ivan ang nakita ko. Nakalahad ang palad nya na may hawak na panyo.

"Excuse me luha ang tumulo hindi sipon" sabi k okay Ivan at hindi tinanggap ang panyong hawak nya.

"Edi ipamunas mo sa luha mo"

"Ikaw Ivan ha, bumabait ka yata" sabi ko sa kanya na may halong pagdududa "ano naman ba plano mo?"

"Grabe Berry ha, matagal naman akong mabait hindi mo lang nakikita kasi lagi ka na lang nagtataray."

"Ah okay, sayo na lang yang panyo mo. May panyo ako eh" sabay pakita ng panyo ko na kinuha ko sa aking bulsa. "Sige una na ako sayo, tinatawag na ako ni Sir eh." Pagpapaalam k okay Ivan nang makita kong sinesenyasan ako ni Sir na lumapit sa kanya.

_____

Pagkatapos ng program ay sumakay kami sa sasakyan ni Sir Dela Tua at pumunta sa isang restaurant. Tinupad nya ang pangako nya sa amin na kung saan ililibre nya kami ng pananghalian. Mga bandang 12:30 na nang makabalik na kami sa school. Agad akong pumuta sa room namin para hanapin ag mga barkada ko kasi sa pagsapit ng ala una ay magsisimula na ang quiz bee competition. Pagdating ko sa classroom ay nakita ko si Janine na may sout na headband na color pink at nakasout ng white t-shirt na nakalagay "GO DepEd"

"Girl, bakit DepEd ang nakalagay dyan sa t-shirt" tanong ko sa kanya

"Ay tanga lang bes? Ano ba ang ibig sabihin ng DepEd?" balik tanong nya sa akin habang pinaupo ako at tinali ang aking buhok gamit ang pink na ribbon.

"Department of Education" sagot ko sa kanya

"Exactly bakla, ano bang department na papabilang tayo?"

"Education?" sagot ko sa kanya na hindi sigurado

"Ang dali mo naman palang kausap bakla, mananalo ka na yan for sure. Galing mong mag analyze bebe"

Hindi na lamang ako nagsalita ganun din si Janine na abalang abala sa pag aayos ng buhok ko. Pinuntahan rin ako nina Ivan at Myka upang I wish ak ng luck. 10 minutes before 1 ay pumunta na ako sa gymnasium kung saan gaganapin ang contest. Nakapwesto na ako sa backstage at naghihintay na tawagin ang aking pangalan.

"And now representing the Department of Education let us welcome Berry Magnolia Martinez" pagtawag nang aking pangalan ay agad akong pumunta sa stage.

Pag akyat ko ng stage ay agad kong nakita ang aking mga kasama sa department. Paano namang hindi eh sila yata ang may pinaka maingay na grupo. Mayroong pinapalo ang drums at nagkakaroon ng cheering, mayroon rin akong banner na may mukha ko at may mga hawak na pompoms at mga balloons ang mga kaklase ko at may sout na pink na ribbon sa kanilang ulo.

Pagtingin ko sa gawi ng ibang departments ay tahimik lamang silang nanunood ng cheer ng mga kasama ko. Wala silang drums n mga dala at cheerleaders. Tanging ang t-shirt lamang ng kanilang department ang kanilang sout at ang balloons na tumatayo ng kulay ng kanilang department. Ramdam na ramdam ko ang suporta ng lahat ng tao. "Kailangan kong manalo!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon