Chapter 8

14 6 0
                                    


Magnolia's POV

Nakailang buntong hininga na ako at nakapangalumbaba sa klase habang ang professor naman namin sa Religious ay abala sa pagsasauli ng papel namin noong nakaraang midterm.

"Class Im proud to say na tanging sa department niyo lamang ang nakakuha ng perfect score sa test ko" anunsyo ng prof namin na dahilan na magpalakpakan kami. "Miss Martinez congratulations!" bati sa akin ni maam na nakangiti at ako naman ay tumayo papunta sa gitna nang hindi makapaniwala at kinuha ang papel ko.

"That's all for today, see you next meeting" dagdag pa ni maam pagkatapos kong makuha ang aking papel.

Kaagad ko namang niligpit ang aking mga gamit at lumabas na sa silid at maglalakad na sa sunod kong subject nang marinig ko na tinawag ako ng bakla kong kaklase na si Janine.

"BAAAAAAAAAAKKKKLLLAA! CONGRATS!" sabi sa akin ni Janine at agad na nakipagbeso beso "May improvement kana bakla"

Si Janine ay kaibigan ko, naging magkaibigan kami dahil sa halos lahat ng subjects ko ay kaklase ko siya.

"Oh bakla hindi kita napansin." Sabi ko kay Janine nang makita ko siya. "Oo nga bakla, alam mo bang hindi pa ako nakapag-aral sa lagay nayan. Grabe, hindi na ako magandang tanga bakla. Nabibilang na ako sa mga GENIUS" sagot ko sa kanya na kinumpas pa ang aking kamay sa ere.

"Ay bakla ang hangin mo. Religious lang yun tapos matalino kana kaagad. Wow bakla nahiya naman ang kuko ko sa IQ mo"

"Bakla, hindi totoo talaga, napansin ko rin kasi sa mga nakalipas na araw tumalino ako. Promise" dagdag ko pa at tinaas ang aking kanang kamay

"Naku bakla, nilalagnat kana yata" sabi sa akin ni Janine at hinawakan pa ang noo ko "Hala bakla anong masamang hangin ang pumasok sayo at nasubrahan yata parang bagyo ang darating bakla, bagyong Magnolia" patawang tawa dagdag pa ni Janine.

"Ang waley mo talaga Juanito" sabi ko naman sa kay Janine at tinawag siya sa tunay niyang pangalan.

"EEEEIIII! Bakla ano bayan?! Janine nga ang pangalan ko.Patay na si Juanito mag move on kana. Si Janine na ang nasa harapan mo. By the way bakla maiba ako para saan ba yang cake na bitbit mo?"

"Kay Grey Walter, bibigay ko sana sa kanya kaso di naman tinanggap" sagot ko kay Janine

"Diba engineering ang course niyan bakla? Di ko alam na type mo siya. Well nasa modernong panahon naman tayo kaya ok lang na ang babae ang manligaw." Napangiwi niyang sabi

"OA mo bakla ha. Malinaw kaya ang mata ko paano ako magkakagusto don nuh. Pangit kaya nun Inside and out."

"Wow bakla, umeenglish. Naisip mo pang title na Inside out. Nilgyan mo lang nang AND, pero alam mo Magnolia gwapo naman yang si Grey eh sadyang bulag ka lang at alam mo bang siya ang pambato nang 3rd year Engineering department sa darating na quiz bee sa next Friday?" tanong sa akin ni Janine

Hindi na lamang ako nagsalita ang ningitaan ko na lamang si Janine ayaw ko kasing ma turn-off siya kay Grey. Ang bobong yun! Hahahaha sasali ba naman sa quiz bee. Tsk! Tsk!

Umupo na ako sa aking upuan at hinintay ang prof ko habang si Janine naman ay umupo sa bandang unahan ko. Ang klase ko ngayon ay isa sa mga major subjects ko kaya naman ang mga kaklase ko dito ay kaklase ko sa lahat ng major subjects ko na ibig sabihin lahat kami sa klaseng ito ay 3rd year education students. Mga ilang sandali lamang ay pumasok na rin ang prof ko.

"good morning class, narinig nyu naman siguro ang tungkol sa quiz bee competition hindi ba?" tanong sa amin nang prof na dahilan upang umingay ang classroom namin.

"Miss may representative naba tayo?" tanong ng isang kaklase ko sa prof namin

"So as you can see wala pa tayong representative. Alam naman natin last year ay sa BSED tayo kumuha ng representative at sa ngayong taon ay sa BEED naman tayo kukuha na ibig sabihin sa inyu tayo kukuha ng magcocompete para sa quiz bee sa susunod na biyernes. And I was assigned to choose the candidate from your department." Paliwanag ni Miss

Syempre nag bulungbulungan naman yung mga kaklase ko nasana daw si ganito kasi matalino o di kaya sana daw hindi sila ang mapili ni miss. Hay naku kaawawang mga kaklase kung alam lang sana nila na isa sa makakalaban nila ay ang bobong si Grey hehehe tiyak na mananalo yug department namin. Wahahahaha!

What if ako na lang kaya ang magcompete para sa quiz bee total isa sa makakalaban ko si Grey putcho putcho lang yan kayang kaya ko si Grey. Ramdam ko na rin kasi na tumalino ako bigla. Imagine na perfert ko yung midterm namin sa religious? What a bright idea berry! Hehehe(^___--)

Tinaas ko ang aking kanang kamay na dahilan upang magsitahimik ang mga kaklase ko at tumingin sa akin pati si Miss.

"Miss I volunteer" sabi ko kay Miss na tumayo pa

Bigla namang sumigaw ang isa sa mga kaklase ko na "ano to Hunger Games?" na dahilan na ikatawa nang mga kaklase ko. Syempre tiningnan ko nang masama ang kaklase kong sumigaw. Inggit lang siya. Hmmp. Palibhasa na perfect ko yung midterm test namin sa religious tapos siya hindi. Bitter naman niya.

"Pshhhhhh! Class quiet!" saway ni Miss sa mga kaklase habang si Janine naman ay nakakunot noon na nakatingin sa akin. "Are you sure about this Miss Martinez?" tanong sa akin ni Miss

"Yes Miss, Im very sure" sagot ko naman sa kanya sa umaapaw na confidence

"Anymore volunteers?" tanong ni Miss "Okay it's settled then si Martinez ang representative natin" sabi ni Miss sa hindi kumbinsido na boses at bahagyang nakangiwi.

Pagkatapos nang announcement ay nagsimula na siya sa kanyang klase. 

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon