Magnolia's POV
Naglalakad ako sa may Cafeteria nang makita ko si Ivan. Bigla kong naisip na ipapadala ko na lamang sa kanya ang cake na kailangan kong ibigay kay Grey.
"Ivan!" sigaw ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Naglakad naman siya papunta sa direksyon ko
"What now Ice cream?" walang ganang bati ni Ivan
tama talaga ang kasabihang birds with the same feather flocks together (---___---)
"Here" sabay abot ko sa kanya ng cake
"What's this?" tanong sa akin ni Ivan.
Confirmed! Magkaibigan nga sila
"As you can see cake yan, pakibigay naman kay Grey oh" sabi ko sa kanya at nag puppy eyes (@__@)
"I don't know that you have that thing in my friend"
"what thing?" tanong ko naman kay Ivan dahil hindi ko alam ang gusto niyang ibig ipahiwatig sa akin
"Do you like Grey?"
Ano daw?! Nabingi yata ako sa sinabi niya
"I said do you like Grey? You know Magnolia I can keep secrets"
Seriously? Saang planeta naman niya nakuha ang ideya na type ko ang kaibigan niya. Haist!
"No, wala kaya akong gusto dun. Last time kasi ay tinulungan niya ako, so it's my way of saying thank you." Pagpapaliwanag ko sa kanya
"ah okay" walang ganang sagot ni Ivan at kinuha ang cake.
"Thanks Ivan. I owe you a lot" pagpapasalamat ko sa kanya
Grey's POV
Bandang alas sais na nang matapos ang meeting namin sa Help and share club para sa gagawing program next week. Papalabas na ako ng office ng makita ko si Ivan na nakasandal sa dingding at nakikinig ng music sa kanyang cellphone. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at kinuha ang headset sa kanyang tenga na dahilan upang tumingin siya sa akin.
"Bro, ang tagal matapos ng meeting niyo ah. Kanina pa ako dito" bungad sa akin ni Ivan
"Sorry bro, bakit ka pala nandito? Gabi na ah?" tanong ko sa kanya
"Pinabibigay ni Magnolia" at agad na binigay sa akin ang box ng cake na dala niya.
"Pshhh! Mahirap bang intindihin na ayoko kong tanggapin ang cake na yan?" sabi ko at nagpatiuna nang maglakad
"Bro kung ayaw mo akin na lang" sabi ni Ivan sa akin na naglalakad sa likod ko
Agad ko namang hinablot ang box na cake na bitbit niya
"No, I mean kakainin ko to" sabi ko kay Ivan "By the way please tell Berry thank you" dagdag ko pa.
__________
Pagdating ko sa bahay ay agad kong inilagay sa kusina ang cake na bigay sa akin ni Berry at niligyan ng note na "DON'T EAT!" at pumasok sa kwarto at naglinis ng katawan ko. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina at nakita sina Mama at Papa na nakupo na sa hapagkainan.
"Grey, anak" tawag sa akin ni Mama nang makita niya ako "Kanina pa kita pinapatawag kay Nanay Lusil yun nga lang walang sumasagot sa kwarto mo. Akala namin ng Papa mo ay natulog kana." Dagdag pa ni Mama "Hali ka na at nang sabay sabay na tayong kumain" sabi ni Mama at sinenyasan ang isa sa mga katulong namin na kunan ako ng pinggan.
Lumapit ako kay mama at humalik sa kanyang pisngi at nagmano. Ganon na rin kay papa. "Naglinis lang ako ng katawan ko Ma," sabi ko kay Mama nang makaupo at nagsimula na akong kumain.
"Nangangayayat ka yata anak" puna ni Papa
"Oo nga Pa eh. Marami kasing mga requirements at activities sa school kaya minsan nalilipasan na lang ako ng gutom" sagot ko kay Papa at ngumiti
"Well anak kahit gaano kapa ka busy dapat huwag mong kalimutan kumain" sabad naman ni Mama aat tumango lamang si Papa "Nay Lusil ano po ba diyan ang pwedeng gawing dessert sa ref?" tanong ni Mama kay yaya Lusil
"Pasensya napo Maam at hindi ko alam na uuwi kayo at hindi ako nakagawa ng dessert, ito po kasing si Grey hindi naman mahilig mag dessert." Sagot ni yaya Lusil "pero may cake po dito sa ref yun nga lang po ay bawal kainin" dagdag pa ni yaya Lusil na dahilan na nabitin sa ere ang pagsusubo ko ng kanin at ikakunot ng noo ni Mama at sinulyapan ako.
"Pakikuha nga Nay" utos ni mama kay yaya Lusil
"Ako na lang Ma" sabi ko at agad na tumayo sa upuan ko at kinuha sa refrigerator ang cake na bigay sa akin ni Berry at agad na kinuha ang sticky note na nilagay ko sa box at tinago ito sa bulsa ko.
"Here" sabay lapag ko ng cake sa lamesa
"Is this cake yours son?" tanong sa akin ni Papa nang kumuha siya ng isang slice ng chocolate cake.
"Yup pa, bigay ng schoolmate ko." Sagot ko naman kay Papa at kumha na rin ng chocolate cake. Tiningnan ko si Mama at tahimik lamang na kumakain "Ma, are you alright? Basag ko sa katahimikan niya
"Yes anak. I was just thinking if this schoolmate of yours na nagbigay sayo ng cake ay babae" panghuhula ni Mama
"Yes ma" sagot ko naman sa kanya na dahilan na ngumiti nang makahulugan si Mama at Papa.