Chapter 3

19 6 0
                                    


Magnolia's POV

Kasalukuyan akong nakatambay sa library at nakikiwifi. Kanina lamang natapos ang pag-uusap namin ng Prof ko kasama ang aking mga magulang. Isang linggo sana niya ako hindi papapasukin sa klase niya, pero dahil narin sa pagmamakaawa ng aking mga magulang at paghingi ko ng despensa ay napalitan na lamang ito ng pagpapasa ng letter of apology at 1 month na pagiging student assistant ni sir ng WALANG BAYAD. Take note, WALANG BAYAD! (////--///--)

Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakaopen ng facebook ko, siguro magdadalawang linggo na. Free facebook lang kasi ang gamit ko idagdag mo pa na minsan hindi ako makapasok sa free facebook at wala namang internet sa bahay namin maliban na lamang kung bibili ako ng load para sa pocket wifi. Haist, buhay nga naman! Maka stalk na nga lang sa crush kong si Lohan.

Scroll

Like

Scroll

Like

Scroll

Like

(O___O)

"What the! Noong November pato ah, at December 4 na ngayon. Eeeeiiiii! Nakakahiya! Edi malalaman niya na iniistalk ko siya?!" nasabi ko sa aking sarili.

Unlike

"Arrgh! Kainis talaga, bakit ba ang malas malas ko ngayong buwan nato?!" sabi ko habang sinsabunutan ang aking sarili. Obvious na obvious na ako eh, kay ganda kong tanga. Ako na, ako na talaga. Kahit na unlike k o pa yon makikita niya parin sa notifications niya na nilike ko ang status niya. Huhuhuhu!

"Miss could you please lower your voice? For christsake! Library to hindi palengke"

Syempre napatingala ako at napatigil sa ginagawang pagsabunot sa sarili ko at nilingon ang boses na pinanggalinngan nito.

"Ako?" tanong ko sa lalaking nakita ko noon sa bench sabay turo pa sa sarili ko.

"Ay hindi Miss, yung silya yung kausap ko, nakakahiya naman sayo. Kasasabi ko lang na Miss diba? Pwede ko bang kausapin si Miss Silya?" sarcastic na sagot niya.

"Okay, ang silya naman pala ang kausap mo at hindi ako" sagot ko naman. Kinuha ko ang isa sa mga silya na nasa lamesa na kinauupuan ko at iniharap ito sa kanya. "ayan kausapin mo ang silya ha. Sorry sa abala." At agad ako kumaripas paalis ng library. At ang feeler na lalaki? Ayun naiwan kong nakatulala. Oh asan ka ngayon ha?! Hahahahaha 1 point Berry, 9 points to go hahahaha.

_______________________

Pasipol sipol pa akong naglalakad ngayon sa hallway kasama si Myka at ang kaklase ni Myka na si Chelsea. Papunta kami ngayon sa cafeteria dahil vacant ko nga pag 10:30-12:00 habang may klase naman sina Myka tuwing 10:30-12:00. Kaya lagi ko nalang siyang hinihintay para sabay kami maglunch.

"Alam mo Myka ang gaan gaan nang pakiramdam ko ngayon. Parang wala akong pasanin sa buhay." Sabi ko kay Myka na pinagalaw galaw pa ang aking mga balikat.

"Alam mo ganda, sa tingin ko ganyan lang yan ang nararamdaman mo dahil natapos na yung problema mo kay Sir Dela Tua. Atleast ganun lang ang parusa niya sayo diba?" sagot ni Myka.

"Bakit ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Chelsea

"Basta Chels, mahabang kwento sa sunod ko na lang sasabihin gutom na ako eh" sagot ulit ni Myka.

"Hindi, para talagang may kakaiba, yung parang ang gaan lang nang pakiramdam ko. Yung wala akong may dinadalang mabigat na bagay. Alam mo yun." Sabi ko na hindi mawari kung ano nga talaga ang dahilan kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

"wait alam ko na kung bakit" patawang tawa na sabi ni Chelsea.

"what?" tanong ko

"Nasan yung bag mo?" tanong sakin Chelsea na di na mapigilang tumawa

Napafacepalm na lang ako nang maalaala na naiwan ko pala sa Library ang bag ko dahil agad akon umalis kanina. "Yeah right kabobohan strike" sabi ko kina Chelsea at Myka. "Mauna na kayo, kunan nyu na lang ako nang upuan at susunod ako. Kukunin ko lang yung bag ko sa library" That explains why relax na relax at ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

"Kaya naman pala ang gaan ng pakiramdam mo Ganda hahaha, sige bilisan mo ha. Hihintayin ka na lang namin sa cafeteria." sabi ni Myka na namumula nasa kakatawa.

Agad ko namang tinahak ang daan papuntang library at dumiretso sa lamesa na inupuan ko kanina. Nang may makita akong anim na lalaki na nakaupo sa kinauupuan ko kanina. At isa na doon ang lalaking nakasagutan ko kanina.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

"Aherm, excuse me. May nakita ba kayong bag na naiwan diyan kanina?" tanong ko sa mahinhin na boses.

"Ice cream?!" sigaw ni Ivan nang makita ako

"Ivan?!!" napamulagat kong tanong. "I mean, Ivan? Tanong ko ulit sa mahinhing boses

" Is this your bag?" tanong ulit sa akin ni Ivan habang hawak hawak ang bag ko

"Yes, thank you sa pag sauli Ivan" pagpapasalamat ko at ngumiti sa kanya.

"tss! Pabebe!" sabad ng lalaking nakasagutan ko kanina na nagsmirk pa. Hindi ko na lamang siya pinansin kahit nangangati na ang aking kamay upang sutukin siya; kinuha ko na lamang ang bag ko kay Ivan.

Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Ivan at ipinakilala sa mga kaibigan niya na sina Tom, Justin, Jason, Tres at ang impaktong si Grey. Ang budhi ni Grey ay kasing kulay ng pangalan niya. Ay mali, mali. Ang budhi ni Grey ay mas maitim pa sa kulay Gray. Isang ngiti lamang at ang ibinigay ko sa kanila at nagpaalam na na aalis na ako.



Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon