Chapter 10

19 3 0
                                    


Magnolia's POV

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagmano kina mama at papa. Excited na akong ibalita sa kanila na ako ang contestant para sa quizbee competition. Agad akong nagpalit ng pambahay at tinulugan si Mama sa paghahain ng hapunan namin.

"Ma, Pa" panimula ko sa sabihin ko na dahilan upang matoun sa akin ang atensyon nilang dalawa "ako ang representative ng department naming para sa quizbee competition!" tili ko.

"Wow congrats anak, matagal ko naman talaga nakiita na may potensyal ka yun nga lang hindi mo lang pinagtutuunan ng pansin." Sabi ni Papa sa akin na nakangiti

"Anak, sure ka bang kaya mo? Hindi ba't ikaw ang nagfafacilitate para sa program na inahabilin sayo ng prof mo?" tanong sa akin ni Mama

"Naku mama, chicks lang yun noh. Ako pa mama perfect kaya tong anak niyo sa Religious" pagmamayabang ko sa kanila

"Oh siya sige, basta Berry magkaroon ka ng time management ha. Nang sa ganun ay wala kng magiging problema" bilin sa akin ni mama

"Yes maam!" sagot ko naman sa kaniya at bahagyang nagsalute pa.

___________

Maaga akong pumasok kahit mamaya pang 9 o'clock ag pasok ko. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula kay sir Dela Tua at tulungan ko raw sina Grey sa pag aayos ng mga dapat ayusin para sa program.

"Good morning" nakangiti kong bati sa kanila pagpasok ko sa kanilang office. Bawat isa sa kanila ay may ginagawa na dahilan na walang nakarinig man lang sa pag bati ko. Pshh! Sayang ang laway. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Grey na nagbabalot ng mga regalo.

Naglakad ako papunta sa direksyon niya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya, total siya lang naman ang kilala ko sa club na ito makikifc na lang ako diba?! Kesa maging loner ang lola.

"Hi Grey, ano bang pwedeng maitulong ko?" tanong ko sa kanya

"See those things?" tanong niya sa akin at tinuro ang 5 MALALAKING BASKET tumango lamang ako bilang sagot. "Divide it at ibalot mo." Dagdag niya pa

SERYUSO SIYA?! 5 MALALAKING BASKET! (O___O)

"Uhmm Grey are you sure about this, ako talaga ang gagawa?" tanong ko sa kanya at kinagat ang ibabang parte ng labi ko.

Nagpalinga linga naman siya sa paligid "May nakiktia ka pa bang ibang kausap ko?" tanong niya at agad naman akong umiling "Ibig sabihin ikaw lang ang iuutusan ko" dagdag pa niya na dahilan na ikasimangot ko.

Nagsisimula pa lamang ang laban Grey 1point pa lang ako tapos ikaw 2 points na. Kung hindi lang sana kay Bloody Mary edi sana 1 point ka pa lang. You want war, I'll give you war. Wahahahahahah! *insert evil grin*

Nagsimula na ako sa task na binigay sa akin. Divide dito, divide doon. Balot dito, balot doon. Bahagya akong napangiti nang makita kong nangangalahati na ako sa unang basket. Agad akong tumayo at nagpagpag ng kamay. Inilibot ko ang aking paningin at tiningnan ang ginagawa ng ibang miyembro ng club.

"Are you done?" tanong sa akin ni Grey

"No, Im Berry" biro ko sa kanya at humagalpak ako ng tawa sa joke ko. "Bwahahahahahahaha" tawa ko sabay hawak pa sa tiyan ko. Grabe laugh trip talaga hahahahaha

"tss! You think your funny? Ang babaw naman ng kaligayahan mo." Naiinis na komento ni Grey at tiningnan na ang pinapagawa niya sa akin. "Why don't you go back to work at nang maaga tayong matapos."

"KJ!" sabi ko sa kanya at bumalik sa pwesto ko at nagsimula na ulit magbalot.

Grey's POV

Inilagay ko na sa basket ang huling nabalot ko. Bahagya pa akong nag-inat ng buto. Tiningnan ko si Berry na nasa aking tabi at focus na focus sa pagbabalot. Nasa ikalawang basket na siya. Kumuha ako sa mga tapos ya nng mabalot at tingnan kung tama ba ang pagkakabalot niya.

"What's this?!" tanong ko sa kanya na nakatayo na dahilan na napatingala siya sa akin

"Ano ba sa tingin mo yan?" balik tanong niya sa akin na nakasimangot "bobo" dagdag pa niya pero sa mahinang boses

"What did you say?" tanong ko sa kanya na nakasalubong na ang aking kilay

"Wala ah." Tanggi niya "Huwag ka ngang makealam nang gawain ng iba" sabi niya at hinablot ang regalo na kinuha ko mula sa basket niya.

"I heard you say bobo"

"Eh narinig mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong" napipikon na sabi ni Berry sa akin na dahilan na mas lalong uminit ang ulo ko.

"You know what we don't need you here! Tingnan mo nga tong pagbalot mo. Hindi pantay pantay. Parang crampled paper. Hindi ka ba marunong mag wrap?! Sayang yung wrappers, Tingnan mo yan, may lumagpas pa na wrapper!" sigaw ko sa kanya na dahiln na tingnan kami ng mg kasama ko.

"EH SA HINDI AKO MARUNONG MAGWRAP EH!" sigaw niya sa akin at bahgyang pumatak ang luha sakanyang mata na agad naman niyang pinahid.

Ikinagulat ko nang makita ang luha sa kanyang mga mata. I never thought that she would cry. I was taken aback.

" HINDI MO NAMAN KASI AKO TINANONG KUNG MARUNONG AKONG MAG WRAP. PASALAMAT KA NGA NAG-EFFORT AKO." Sigaw niya pa "AMBAHO AT ANG ANG PANGIT NAG UGALI MO GREY! KUNG DI KA KONTENTO SA MGA BINALOT KO ULITIN MO!" sabi niya at kinuha ang isang basket at pasalampak na binigay sa akin "HINDI NAMAN IMPORTANTE KUNG PAANO IBINALOT EH. ANG IMPORTANTE AY ANG NARARAMDAMAN NG TAO HABANG BINABALOT NIYA YAN!" sigaw niya sa akin habang umiiyak at patakbong umalis ng office.

"Your over the line Grey" sabi ni Lea sa akin, isa sa miyembro at kasama ko sa club. "I think you should apologize" dagdag pa niya.

I just nod my head and walk straight out of the door and look for Berry.

After a long walk I saw her na nakaupo sa ilalim nang kahoy malapait sa oval. I was going to approach her but I hear her talking to her self.

"Bahala siya sa buhay niya! Akala mo naman gusto kong tumulong. Edi kung ayaw niya sa akin ayaw ko rin sa kanya. Sino ba siya sa akala niya ha. Hindi ko talaga siya mapapatawad. I hate you Grey! Wala kang kwenta. Wala kng pakealam sa feelings ko. Akala mo kung sino kang santo! Hindi kita papatawarin mabuhay man ang lahat ng mga patay!!!" sigaw niya

I just stood there for a minute and walk away.

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon