Chapter 7

29 5 0
                                    



Magnolia's POV

Kanina pa ako nakabihis ng aking uniform ngunit hindi pa rin ako umaalis sa bahay namin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Grey pag nakita ko siya.

" Berry anong oras ba ang klase mo at abala ka parin sa panonood ng tv diyan? Hindi ba dapat ay nasa school kana?" tanong sa akin ni Mama nang mapadaan siya sa sala.

"Sabay na lang tayo Ma, anong oras ba ang pasok mo?" ganting tanong ko kay Mama

"Aalis na ri nako mamaya magsusuklay lamang ako at maglalagay ng polbo at dederetso na ako sa trabaho" sagot ni Mama

"Okay maaga pa naman ma, sabay na ako sayo."

_____________

Mamayang 8 pa magsisimula ang klase ko at 7:30 pa lang. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench malapit sa gate ng school. May bitbit akong maliit na cake na binili ko kanina bago pumasok sa school.Binawas ko na lamang sa allowance ko ang pambili dito. I hope Grey would accept the cake. It's a sign of gratitude. And that's the least thing I can do for him after what happened noong Saturday.yun nga lang hindi ko alam kung makikita ko nga ba talaga ngayong araw si Grey, ni wala nga akong cellphone number ya. Kung hindi ba naman siya tanga sana hiningi niya number ko. Ang hirap talaga pag hindi mo kalevel sa IQ ang ibang tao. Tsk! Tsk! Kawawang Grey! Mabuti na lamang at nakilala niya ang isang matalino na tulad ko. (^___^)

"Pag hindi siya dumating nang 8 o' clock aalis na lamang ako at iiwan ko nalang sa locker niya ang cake na ito. Mag-iiwan na lang rin ako ng note. Kung hindi kaya kakainin ko to! Wahahahahaha" bulong ko sa aking sarili

Limang minute na lang at mag aalas otso na. Baka wala siyang pasok ngayon o di kaya 9:30 pa ang pasok niya.

Tatayo na sana ako at aalis nang makita ko si Grey na papasok ng school.

"Grey!" tawag ko sa kanya nang makalampas siya sa akin

"hey there Berry" sabi sa akin Grey nang makita ako na hindi man lang ngumingiti at derederetso sa paglalakad

Hello ano ako manlililgaw nya? Na kailangan pang magkaroon ng habol habol effect o di kaya habulan? Heller!

"here" sabi ko sa kanya nang mahabol ko siya at agad na inilahad ang cake na binili ko kanina

"What's that?" tanong niya sa akin at hindi parin tinatanggap ang cake na ibinibigay ko sa kanya.

"This is a cake." Sabi ko sa kanya at spinell ko pa. "C-A-K-E, kinakain to" dagdag ko pa na ineexplain at medyo slow motion ang pagsasabi ko para mas maintindihan niya. Saang planeta ba galing to at hindi alam ang cake, sobrang bobo naman niya oh.

"I know, di naman ako tanga na hindi alam ang cake! Umakto ka ngang normal! Tss!" sabi niya sa akin sa naiinis na tono "I mean what's that for? Ano ba ang okasyon?" tanong niya pa.

"This is for you, uhmm let's say na thank you gift ko. In that way we could be even hehe" sagot ko sa kanya na naka ngiti at sa normal na pagsasalita

"No I don't need that, bukal sa loob ko na tulungan ka. Hindi ako humihingi nang kapalit kapag kailangan ko nang tulong" pagtanggi sa akin ni Grey.

"Kunin mo na nga, yan yung way ko sa pag sasay thank you" abot ko naman uli sa kanya ng cake.

"I said hindi ako tumatanggap ng suhol" sabi niya ulit sa akin at binalik ang cake

"EH SA TANGGAPIN MO NA NGA ALAM MO BANG 150 PESOS ANG BINAWAS KO SA ALLOWANCE KO PARA BILHIN YAN SAYO, TAPOS TATANGGI KAPA! KUNIN MO NA!!!" sigaw ko kay Grey. Nakakapikon na ang taong ito eh!

"SO KAILANGANG SUMIGAW? ANO AKO BINGE?! ANO BA YAN HA! BAKIT MO NILALAGYAN NG PRESYO ANG CAKE NA YAN! ANONG GUSTO MO?! BAYARAN KITA NG 150?!" Sigaw niya rin sa akin

"HINDI AKO SUMISIGAW!! KUNG KUNIN MO NA KAYA TONG CAKE NA BIGAY KO NANG QUITS NA TAYO GREY!" sigaw ko ulit

"really?"sabi naman ni Grey sa akin na naka smirk

"Psst! Anong kaguluhan to?"sita sa amin ng guard sa di kalayuan

Arrgh kainis! " wala po manong" sagot ko kay manong guard at hinarap ulit si Grey "Grey I really appreciate kung kukunin mo tung cake" sabi ko sa kay Grey sa mas mahinahong boses at bahagyang inabot ang cake

"I don't need your appreciation" sabi niya sa akin at bahagyang nagpatiuna maglakad

Mga 3 hakbang na ang layo niya sa akin nang marinig ko siyang ulit nagsalita

"A simple thank you is enough Berry" atnagpatuloy siya ulit sa paglalakad    

Letter for BerryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon