Magnolia's POV
Tumakbo na ako palabas ng office nila Grey.Pumunta ako sa malaking puno sa tabi ng oval at umupo sa ugat ng puno.
Naiinis ako sa kanya. Hindi niya naman ako kailangan sigawan eh. Pinahiya niya ako sa mga kasama niya.
""Bahala siya sa buhay niya! Akala mo naman gusto kong tumulong. Edi kung ayaw niya sa akin ayaw ko rin sa kanya. Sino ba siya sa akala niya ha. Hindi ko talaga siya mapapatawad. I hate you Grey! Wala kang kwenta. Wala kng pakealam sa feelings ko. Akala mo kung sino kang santo! Hindi kita papatawarin mabuhay man ang lahat ng mga patay!!!" sigaw ko
Pagkatapos kong maisigaw lahat ng sama ng loob ay napagdesisyunan ko nang umalis nang makita ko si Grey na naglalakad galing sa direksyon ko.
Narinig niya kaya ang mga sinabi ko? Hmmf! Dapat nga niyang marinig eh nang makonsensya naman siya.
Hindi na ako bumalik sa office nila Grey at hinintay na lamang ang sunod kong subject.
Natapos ang buong araw ko na hindi nakikita si Grey. Hindi na rin ako nag abalang tumulong sa kanila. Pagkatapos ng huling klase ko ay dumiretso na ako sa library. Malapit na rin kasi ang contest. Kahit dito man lang makabawi ako sa pang aalipusta sa akin ni Grey.
Nasa gitna na ako ng aking pagrereview ng naramdaman ko na nagvibrate ang aking cellphone.
From: unknown number
Where are you?
Ano ba naman yan. Sino naman kaya to? Total hindi ko naman kilala ang nagtext syempre binalewala ko na lamang at nagpatuloy na lng ako sa pagrereview. Nang maramdaman ko ulit na nagvibrate ang cellphone ko.
From: unknown number
Berry where are you? Please reply. ASAP!
OMG! Kilala niya ako?! Hindi kaya emergency to? Agad kong dinial ang unknown number na nagtext sa akin.
Grey's POV
I was really guilty sa ginawa ko kay Berry. Kainis rin naman kasi, sabihan ba na man akong bobo. Tapos ang pangit pangit ng pagkawrap ng mga regalo. Pero nang makita ko siya kaninang umiyak na guilty talaga ako. Hindi ko inasahan na iiyak ang alien na yon. Humingi ako ng number niya kay Sir Dela Tua, mabuti na lang dina nagtanong pa si sir at agad binigay ang number ni Berry.
Pagkatapos ng dismissal namin ay agad akong pumunta sa ice cream house at bumili ng kanilang pinakamahal na ice cream. Sabi kasi ng mga kaibigan ko at mga kaklase mas mainam daw na bigyan ng ice cream ang mga babaeng galit, dahil nawawala ang tampo o galit nila pag binigyan mo ng ice cream.
Agad akong dumiretso sa last class nina Berry. I have a copy of her schedule dahil binigyan ako ni sir Dela Tua upang matingnan ang mga vacant ni Berry para malaman kung kailan siya pwedeng utusan.
"Hey, have you seen Berry?" tanong ko sa huling kaklase niya na lumabas ng kanilang classroom.
"wala eh, kanina pa lumabas yun. Baka umuwi na." sagot ng kaklase niya.
"Ah ganon ba, thanks" pagpapasalamat ko sa pinagtanungan ko.
Dumiretso ako sa waiting area malapit sa gate at nagbabakasakaling makita si Berry. Pero malapit nang matunaw ang ice cream na dala ko wala pa rin siya. Kinuha ko ang aking cellphone and send her a message; asking her kung nasaan siya. Pero wala paring effect. I send another one thinking na hindi lamang niya nabasa ang text ko. Papalabas ako ng gate ng mag beep ang cellphone ko. And guess what? Nagreply si Berry.
Ang saya!
Ang saya niyang itapon sa pinakamalapit na basurahan! Walang kwenta. Kanina pa ako naghihintay ng text niya tapos ang reply na matatanggap ko ay isang SMART ALERT! Tsk!nakaka badtrip na babae. Arrgh! (O///O)
Agad ko namang tinawagan si Berry para maibigay sa kanya ang tunaw na ice cream.
"Where are you?" tanong ko sa kanya sa kabila ng linya.
"Hello? Good afternoon !Sino po to?" sagot naman ni Berry sa kabilang linya na dahilan na mas ikinainis ko.
Akala mo kung sinong santa at mabait. Hello? Good afternoon! Sino po to. Sinong niloloko niya?! Panggagagaya ko sa boses ni Berry sa aking isip.Lokohin mo na ang lasing at bagong gising huwg lang ang lalaking nanggigigil. Yung boses higante niya nagigng boses ipis na. tsk! Kainis! Isa sa mga taong mapagkunwari si Berry Magnolia Martinez.