Kabanata 1

4.5K 97 7
                                    

Summer vacation noon na bagamat mainit ang panahon malamig naman ang samyo ng hanging dumadampi sa aking balat habang akoy nakahiga sa lilim ng mayabong na puno ng akasya sa tabi ng lawa. Ang lugar na kung saan paborito kong pahingahan kapag ganitong mainit ang panahon. Lalo na kapag ganitong hapon na kung saan tanaw ko ang nagkikislapang tubig ng lawa dahil sa tama ng sinag ng araw.


Nasa kalagitnaan ako ng pagkakaidlip ng biglang, "Benjie, Benjie!" Tawag sa akin ng kaibigan kong si Melvin, na tulad kong magpo-fourth-year highschool na rin sa darating na pasukan.

"Bakit ba?" Bulyaw ko sa kanya, halatang nairita sa pang-iistorbo niya sa paggkakaidlip ko. Ngunit hindi man lang ito natinag, bagkus lumapit pa talaga ito sa akin at niyuyugyog pa talaga ako.

"Ito naman o, hapon na natutulog pa!" Ang sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
Tumayo naman ako. Kusot-kusot ang mga mata sabay hikab.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong kong parang hindi intersado sa sasabihin niya, nakasentro kasi ang utak ko sa sarap ng tulog ngunit naistorbo lang niya.

"May mga kaibigan kasi akong taga ibang sityo, nagkayayaang maglaro ng volleyball, pustahan daw, nagkataong kulang kami ng isang player kaya naisipan kong yayain ka!"

"Naku Melvin, maghanap ka na lang ng ibang makakasama nyo hindi naman ako kagalingan sa larong iyan e, baka ako pa maging dahilan ng pagkatalo nyo!" Ang sabi ko sa kanya. Halatang hindi intersado.

"Diba naglalaro ka niyan noong nasa elementary ka pa, maski papaano may alam ka kahit basic lang!" Wika naman niya na may halong pangungulit.

"Granting nga na naglalaro ako niyan noon at may alam ako sa basic, pero tatapatin na kita, wala ako sa mood na maglaro at wala akong perang pampusta at pamasahe ng tricycle papuntang gym!" Ang pag-aalibi ko dahil sa totoo lang inaantok pa talaga ako at gusto ko pang matulog sa mga oras na iyon.

"Yan lang pala pinoproblema mo, e di ako na bahala sa pamasahe mo at pampusta. Libre na lang kita!"

"Sigurado ka?"

"Oo kaya umayos ka na diyan, sasabayan na kita sa inyo para magpalit ka ng damit panlaro!

Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Tutal libre naman. Wala na man akong ibang gawin kundi ang tatayong pang-anim na player na kukumpleto sa team nila. Pag buwenasin ay magkakapera pa ako. At kung mamalasin naman, labas na ako doon, problema na nila yun.

Matapos kong magpalit ng damit panlaro ay agad na naming tinumbok ang gym na kung saan gaganapin ang laro. Naratnan namin doon ang ibang mga player na nagwa-warm-up na. Mukhang ready na silang lahat. Kami na lamang ang hinintay.

Bago pa kami nagsimula, napako ang tingin ko sa isang lalaking tahimik lang na nakaupo sa isang bench. Ang mga mata niya'y nakatingin sa amin. At ewan ko ba parang nagka interes akong titigan din siya. At doon ko napansin ang ang maamo niyang mukha, ang malalamlam niyang mga mata na waring nangungusap. At nang tumayo na ito at lumakad palapit sa aming kinatatayuan. Doon ko napagtantong ang gwapo pala talaga niya. Matangkad siya ng kunti sa akin. Maganda ang hubog ng kanyang katawan. Athletic type. Matangos ang kanyang ilong. Makinis ang moreno niyang balat. Napa "ouch" na lang ako sa aking sarili ng may nararamdanan akong kakaiba sa kanya. Na para bang ano to, love at first sight lang? Pwede ba yon? Bakit ganito kaaga, di man lang ako tinext ni kupido. Nyeta!!

Alam kong kakaiba ako sa mga normal na lalaki. Pero hindi ko iyon pinapahalata. Ako yong tipong patago. Hindi ladlad ang pagiging ganun.. Ayoko ko kasing pagtawanan at tambulan ng tukso ng ibang mga tao. Lalo pat ang ama ko ay isang Hepe ng pulis sa bayan namin. Kaya isa iyon sa ikinakatakot kong lumantad. Pero infairness, magaling din naman akong magtago. Wala namang nakakahalata sa aking pagiging ganoon. Pwera na lang sa mga kagaya kong may kulay berde rin ang dugo. At isa pa may hitsura din naman ako. Matangkad. Maputi at makinis ang aking balat kung kayat marami ring mga babae at bakla ang nagka-crush sa akin.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon