Tumayo si Ryan at sumandal sa dingding. Hinila niya ako. Mukhang kuha ko na ang gusto niyang mangyari. Hinubad niya ang suot niyang boxer. Tumambad sa aking harapan ang nagngangalit niyang tarugo. Kusa akong lumuhod kahit pa nagdadalawang isip akong isubo iyon. Dahil bukod sa malaki ito. Mukhang hindi pa ako handang sumubo ng titi ng iba. Pero ayokong maging unfair kay Ryan, sinubo niya ako ng walang kakiyeme-kiyeme kaya nararapat lang na gawin ko rin iyon sa kanya. Dahil sa matinding libog ko na rin sinimulan ko ng hawakan ang tarugo niya. Inilabas ko na ang aking dila at sinimulang dilaan ang ulo nito. Napa-shitt siya. At akmang isusubo ko na sana ang kabuuan niya ay siya namang pagbukas ng pinto. Hindi kami nakagalaw pareho. Kitang kita ko ang nanlilisik na mga matang nakatitig sa amin na animoy isang diyablo. Biglang napalis ang libog at kalasingan ko sa oras na iyon at napalitan ng sobrang kahihiyan. Gustuhin ko mang bumalik sa aking kama para magkunwaring tulog pero huli na ako sa akto na nakaluhod sa harapan ng isang lalaki habang sinususo ang malaki nitong tarugo. Hiniling ko na sanay higupin na lamang ako bigla ng isang wormhole para makatakas ako sa kahihiyang nagawa. Dahil wala na akong mukhang maihaharap pa sa taong biglang dumating na siyang nakasaksi sa kamunduhang aming ginagawa ni Ryan.
Kahit hindi pa ako nakabawi sa sobrang pagkabigla, agad akong napatayo at dinampot ang aking short na nakalagay sa laundry basket na hindi pa nalalabhan. Si Ryan namay biglaang sinoot muli ang kanyang boxer. At ng damputin niya ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig, biglang dumapo sa kanyang pisngi ang isang napakalakas na suntok. Hindi niya iyon inaasahan.Kaya napahandusay siya sa kama.
" Tang-ina ka, ginawa mong bakla ang kaibigan ko!" Galit na galit na wika ni Jun. Gusto ko sanang tanungin siya kung bakit biglaan ang dating niya pero ginapo ako ng hiya. Gumanti rin ng suntok si Ryan, pero dahil sa nakainom ito ni hindi man lang nito nagawang daplisan si Jun. Aambaan na muli sana nito ng isa pang suntok si Ryan ngunit naging maagap akong akapin siya upang hindi matuloy ang pananakit nito at para hindi na lumaki pa ang gulo.
Naramdaman kong dahan-dahang tinanggal ni Jun ang mga bisig kong nakalingkis sa kanyang katawan. Tinitigan niya ako ng napakatalim. May namoong butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. At walang ano-ano, mabilis ang mga hakbang niya papalayo. Hinabol ko din naman siya. Nakaligtaan ko na ang magsuot ng pang-itaas para maabutan pa siya upang makapagpaliwanag ako.
"Sandali tol, mag-usap muna tayo!" Ang sigaw ko sa kanya ng matanaw ko siya sa kalsada na hindi pa gaanong nakakalayo. Tumigil din naman siya sa paglalakad at hinintay niya akong makalapit.
Bago pa man ako nakapagsalita ay inunahan na niya ako. "Kailanman mo lang naisipan ang magladlad? Ilang lalaki na ba ang nakatikim sayo? Ilang burat na ba ang pinagsasasaan mo?" Ang sunud-sunod na tanong niya na ikinakulo ng dugo ko ng husto. Naalimpungatan ko na lamang ang sarili kong kamao na dumapo sa kanyang labi. Hindi siya nakailag kaya pumutok iyon. Hindi kasi ako nakapagtimpi dahil pakiramdam ko masyado niyang nainsulto ang pagkatao ko. Sandali akong nakalimot na kaibigan ko pala ang kaharap ko. Kaagad din naman akong bumalik sa tamang hwisyo ng makita ko ang masaganang dugo na umagos mula sa kanyang bibig at ilong. Lumapit ako upang punasan iyon ngunit umiwas siya sa akin.
"P-Patawarin mo ako tol, hindi ko sinasadya!" Ang tanging nasambit ko na lang. Hindi niya parin pinunasan ang pumutok niyang labi. Hinayaan niya lamang ang mga dugong tumagas dito, na para bang kinokunsensiya niya ako sa aking nagawa, dahil iyon ang unang beses na napagbuhatan ko siya ng kamay.
"Itong suntok mo, mahina lang ito. Hindi ko nga naramdaman ang sakit e. Kung gusto mo dagdagan mo pa!" Inilapit pa niya ang mukha sa akin. "Ang hindi ko lang matanggap ay ang malaking pagbabago mo gayong wala pang halos anim na buwan na ikay nandito. Masakit lang sa akin ang makita kang ganyan. Nasaan na ang talino mo tol? Bakit hinayaan mong gapiin ang iyong karunungan sa panandaliang tawag ng laman!" Nakita kong kinagat niya ang pang-ibabang labi para mapigilan ang pag-iyak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/58485690-288-k738394.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceNoong nagbibinata ako, alam kong naiiba ako sa mga kabataang lalaking katulad ko na lingid sa kaalaman ng aking mga magulang Pero hindi diyan iinog ang kwento ko kundi sa lihim kong pag-ibig para sa isa kong matalik na kaibigan. Si Jun. Ngunit ang p...